9

187 8 0
                                    

Third Person's POV

"Goodmorning pipppsssss!!!!" biglaang pagsigaw ni Dale kaya nagulat naman sina Dian at Dev na nagluluto sa kusina.

"Shhh tumahimik ka nga, mamaya nyan magising pa yung reyna" pagpapatahimik ni Dzane sabay batok kay Dale.

"Tss ang sabihin mo lang ay ayaw mong magalit sayo yung reyna mo" nakangising saad ni Dale sabay taas baba ng kilay.

"Tatahimik ka o tatahiin ko yang bunganga mo" saad ni Dzane sabay tingin ng masama kay Dale.

"Opsie suko na ko" sabay taas ng kamay na parang sumusuko.

"Tumigil na nga kayong dalawa, Dale tulungan mo kong mag-ayos ng hapagkainan ikaw naman Dzane tawagin mo na yung reyna mo sa garden at Dev gisingin mo na sina Arria at Rom" saad ni Dian kaya tumango ang tatlo kasi wala naman silang magagawa kapag si Dian na ang nagsabi. Unang pinuntahan ni Dev si Rom, pagkapasok niya sa loob ay nakita na niyang nag-aayos na ng sarili si Rom.

"Goodmorning Meme,  kakain na tayo sa baba" saad ni Dev, tumango naman si Rom at sumunod kay Dev palabas, dumiretso naman si Rom sa baba habang si Dev ay pumanhik sa kwarto ni Arria.

Nang makapasok si Dev sa kwarto ni Arria ay agad itong lumapit sa dalaga.

"Yannie~ gising na kakain na tayo ng breakfast" panggigising ni Dev at mahinang niyugyog ang balikat ni Arria.

"Hmmm~Iloveyoutoo" mahinang usal ni Arria na narinig ni Dev kaya napangiti ito.

"Ilove-" naputol at nawala ang ngiti ni Dev sa sunod na narinig.

"John" mahinang usal ulit ni Arria kaya napahinga nalang si Dev ng malalim.

"Yannie gising na bago ka pa ubusan ng kambal ng pagkain" bulong nito kaya napamulat si Arria sa narinig.

"Pagkain?" antok na saad ni Arria at dahan-dahang umupo.

"Halika na" yaya nito at aakmang aalis na pero hinawakan ni Arria ang laylayan ng damit niya.

"Up" antok paring sabi ni Arria habang nakataas ang dalawang kamay na para bang nagpapabuhat kaya natawa si Dev.

"Kawawa naman ang baby ko" natatawang saad ni Dev at lumapit kay Arria bago buhatin ito ng bridal style. Sumiksik naman si Arria sa leeg ni Dev at inamoy ito.

"Ang bango mo beb" usal nito kaya natawa si Dev.

Nang makababa sila ay bumungad sa kanila ang mga kaibigan nilang naka-upo na at hinihintay sila.

"Sa wakas nandito na ang kamahalan" natatawang saad ni Dale kaya nakatikim siya ng sama ng tingin kay Arria na nakapagpatahimik sa kanya.

"Ate bumaba ka nga jan, naku~ kala mo naman ang gaan mo mamaya niyan mangalay pa si Dev sayo" saad ni Kiya pero di nakinig si Arria at sumiksik pa lalo kay Dev.

"Hayaan mo na" sabi naman ni Dev, nang makalapit na sila sa mesa ay i-uupo na sana niya si Arria ng kumapit pa to lalo sa kanya kaya tumingin siya kay Arria ng may pagtataka.

"Anong problema?" tanong ni Dev.

"Sa lap mo ako uupo tapos subuan mo na din ako" bulong sakanya ni Arria kaya napakamot si Dev ng batok niya.

"Naku! Ate magpapasubo ka na naman ba kay Dev? At ikaw naman Dev di ka ba marunong tumanggi?" naiinis na saad ni Kiya pero nakatikim lang siya ng merong kay Arria.

"Tss, pabebe" saad ni Kiya kaya natawa ang mga kasama nila sa asaran ng dalawa. Umupo naman si Dev sa upuan at tulad nga ng sinabi ni Arria at naka-upo ito sa kandungan ni Dev.

Twisted FateWo Geschichten leben. Entdecke jetzt