1

2.8K 36 12
                                    

Rogue's POV

" Beh!!" tawag sa akin ni Arria na bestfriend ko, taas kilay ko lang ito sinagot

" Punta ka daw sa weekend sa bahay, miss ka na kasi ni ate" sabi nito sabay upo sa lap ko kaya napatawa ako

" Si ate Erica lang ba ang nakamiss sa akin?" tanong ko kaya naka tikim ako ng batok sa kanya

" Alam mo, ang landi mo, pero mas malandi si ate kasi kinukuha ka niya sa akin." sabi nito at nag pout kaya lalo pa akong natawa

" Paanong nakuha eh hindi mo naman ako pagmamay-ari tsaka miss ko narin si Ate Erica lalo na yung luto niya." sabi ko bigla naman ito tumayo sa kandungan ko at tinignan ako ng masama

" Edi dun ka na sakanya, napakalandi mo talaga!" sabi nito at tumakbo paalis kaya di ko na napigilan

"Arria! Sandali!" sigaw ko sa kanya pero di parin ito tumigil kaya binilisan ko ang pagtakbo at niyakap ito sa likod

"Arri naman, wag ka ng magtampo plss. Na miss rin naman kita eh, tsaka ikaw lang ang pinaka magandang bestfriend ko" bulong ko sakanya, hinawakan niya ang kamay ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya

"Namiss ko to" bigla lang sabi niya kaya napangiti ako

"Sorry ha, busy na kasi ako palagi sa requirements kaya di na ako nakakadalaw sa inyo at di rin tayo nakakagala, promise babawi ako tutal wala naman pasok bukas pwede akong manatili sa bahay niyo." sabi ko sakanya, humarap ito sa akin at tinignan ako bago ako yakapin ng mahigpit at halikan sa pisngi

"Love you beh" sabi nito

"Love you too beh" sabi ko sabay halik ng likod ng kamay niya.

Normal na sa aming dalawa ang ganitong landian, tsaka best friend ko naman siya kaya wala ng malisya sa amin to.

"Sige beh alis na ako, baka kasi malate pa ako sa klase namin" sabi niya

"Di ka ba kakain muna? Baka mamaya gutomin ka niyan?" tanong ko umiling naman ito

"Wag na, alam mo naman kung paano magalit si Mrs. Reyes diba" paliwanag nito

"Okay, pero hatid na kita" sabi ko at bago pa ito makatanggi ay hinila ko na ito papunta sa building nila. Hawak kamay naman kaming naglakad, di ko maiwasan na mapatingin sa kanya. Naku, ang ganda talaga ng best friend ko, ang matangos niyang ilong, kissable red lips niya at mapupungay niyang mata. Kung lalaki ako siguro ay maiinlove talaga ako sa kanya buti nalang at babae ako tsaka okay ng magbest friend. Sa sobrang tagal kong pagkakatitig sa kanya ay napansin niya ito.

"Ano ba? Baka mamaya matunaw ako sa kakatitig mo" pabirong sabi nito at tumawa.

"Maganda ka kasi" di ko mapigilang sambit ko kaya tinignan niya ako at nagpacute sa harap ko

"Enebe~" pabebeng sabi nito at pabirong hinampas ako

"Alam mo, halika ka na baka kasi malate ka talaga." sabi ko kaya tumakbo na kami malayo kasi ang canteen namin sa building nila at sa pagkaka-alam ko may canteen din sila katabi ng building nila pero kahit ganun ay pumupunta parin siya sa canteen namin para lang makasabay kaming kumain. Nang makarating kami sa harap ng room niya ay agad niya akong hinalikan sa pisngi at kumaway bago pumasok sa room nila, kumaway naman ako pabalik.

At dahil walang kaming klase for 2 hours ay may na isipan akong ideya.

Fast Forward~

Kakatapos lang ng klase ni Arria at nandito ako ngayon sa labas ng room niya hinihintay itong lumabas, pero tumatagal ay di pa rin ito nakalabas kaya tumanaw na ako sa bintana nila at nakitang masayang nakikipag-usap ito kay John isa sa mga nanliligaw sa kanya.

Twisted FateWhere stories live. Discover now