25

140 4 0
                                    

Catherine's POV

*NEXT DAY*

Biglang nagising nalang ako ng tumunog ang phone ko na nasa ibabaw lang ng side table. Pilit kong inabot ang phone ko at agad na sinagot ang tawag ng makuha ko nga ito

"Hello?"

'Cath?! '

"What the hell, Estelle ba't ka sumisigaw nalang bigla?" inis na saad ni Cath

'Aba't- ikaw pa talaga ang may ganang magalit sakin kahit na ikaw naman itong di ko ma-contact ng ilang araw! You bitch! Alam mo bang nag-alala ako sayo!!' bulyaw niya sakin, nilayo ko naman agad yung phone ko sa tenga ko.

"Geez, I'm sorry, okay at tsaka wag ka ngang sumigaw" mahinahong sabat ko naman sakanya, tumayo ako sa aking higaan bago niligpit ito at dumiretso sa cr para ayusin ang sarili ko.

'Cath, where have you been these past few days? kahit man lang mga tawag at text ko di mo sinagot.' nag-aalalang tanong niya sa akin.

"I'm sorry, okay. Naging busy lang talaga ako sa companya nitong mga nakaraan na araw tsaka yung business phone ko lang palagi ang dala ko." paliwanag ko, tanging buntong hininga lang ang narinig ko sakanya.

'I forgive you pero kailangan mo ng umattend ng class natin Cath. Alam ko naman na matalino ka pero kailangan ka parin dito, wag mong kalimutan na parte ka ng council at sakin ka palagi hinahanap ni Rom." mahabang saad nito.

"I will pero tatapusin ko lang muna lahat ng problema sa companya, kapag hinanap ako ni Rom sabihin mo nalang sakanya na babalik rin ako . Sabihin mo rin sakanya na i-email nalang sakin ang mga papers na kailangan kong gawin." saad ko bago lumabas ng kwarto ko at bumaba, ng makarating ako sa living room ay may ingay agad akong narinig sa kusina.

"Umm Est, pwede bang tawagn nalang kita mamaya ulit?" bulong na tanongko sakanya, narinig ko naman ang pagsagot nito kaya agad ko rin pinatay ang tawag.

Dahan-dahan akong pumuslit sa kusina, pagakarating ko dun ay isang di kilalang pigura ang sumalubong sakin.

"Who are you?" tanong ko sa tao.

"Freak!" gulat na saad nito bago humarap sakin.

"A-ate" nauutal na saad nito, pinagmasdan ko ang mukha nito.

"Ahh!" biglang sigaw ko ng makilala ko ito, may narinig naman kaming mga kaluskos at yabag kaya na patingin kami sa mga taong kakadating lang.

"Anong nangyari! may sunog ba?!" natatarantang tanong ng kakagising lang na si Ella, napatakip naman ako ng mukha ng makita ko ang ayos nito.

"Okay ka lang ba Cath? May magnanakaw ba?" dagdag rin ng isa pang kakagising lang na si Neanna, sa mga oras na ito ay di ko na napigilan ang tawa ko.

"Pfft-Hahahaha" malakas na tawa ko.

"Huh?" nagtatakang sabay na saad nina Neanna at Ella habang nakatingin sakin.

"Ano bang nangyayari sayo Cath, kanina may pa sigaw ka pang nalalaman tapos ngayon para kang sira jan." usal ni Ella at sinulyapan ang mga kasama.

Si Dev ay umiiwas lang tingin habang ako at yung babaeng di ko pa alam ang pangalan ay tawang-tawa sa pagmumukha at ayos ng dalawa.

"Ba't ba kasi kayo natatawa? May problema ba kayo sa utak?" natatakhang tanong ni Neanna bago tumingin kay Ella.

"Pwahahaha-Yung m-mukha mo Ell-hahaha" malakas na tawa ni Neanna kaya napatingin sa kanya si Ella.

"Ano ba yan-Bwahahaha Nea-hahaha-m-may black eye ka-hahaha" malakas na tawa rin ng isa.

Twisted FateWhere stories live. Discover now