12

170 7 2
                                    

Third Person's POV

Maagang nakarating ang magbabarkada sa airport nina Dev dahil sa sobrang excitement at ang tanging taong hinihintay nalang nila ay si Dev.

"Guys!" rinig nilang sigaw ng isang tinig kaya napalingon sila para tignan kung sino yun at nakita nalang nilang si Romme na may dala-dalang bag papunta sa direksyon nila.

"Sasama ka?" tanong ni Dale pero nakakuha lang ito ng batok sa kambal.

"Obvious naman diba, kita mo namang nandito siya eh tss" saad ng kapatid niya.

"Tinawagan kasi ako ni Dev kagabi na magbabakasyon daw at bawala daw tumanggi kaya ayun" paliwanang niya napatango nalang sila. Okay naman kasi sa magbabarkada na sumama si Rom dahil naging close na nila ito ng magsleep over ang barkada.

"Oh asan si Dev akala ko ba sabay kayong pupunta dito kasi sabi niya susunduin niya lang daw ang makakasama namin?" takang tanong ni Dzane ng mapansin na wala si Dev.

"Huh? Pagkatapos kasing sabihin ni Dev na magbabakasyon ay sinabihan niya lang akong pumunta sa airport nila, wala naman siyang sinabi na susunduin niya ako" nagtatakang saad ni Rom kaya nalito ang barkada.

"Kung hindi ikaw ang sinundo ni Dev, edi sino?" naguguluhang tanong ni Dian.

"Sorry natagalan kami" biglang saad ng isang boses sa likod nila kaya lumingon sila at nakita si Dev na kinakamot ang batok niya.

"Okay lang" saad ni Erica, napasulyap naman sila sa likuran ni Dev ng may napansin silang tao na nakasunod.

"IKAW!!??" sabay na sigaw ni Kiya at Arria ng makilala kung sino ang kasama ni Dev pero isang nakokolokong ngiti lang ang ginawad nito.

"Sino siya?" bulong ni Erica kay Dian.

"Cathyline Jones, mahigpit na kalaban ni Arria at Kiya sa Academy" paliwanag ni Dian napatango lang si Erica at napatingin sa mga kapatid na masamang nakatingin kay Cath.

"Muntik ko ng makalimutan, may gusto siya kay Dev pero si Dev manhid kaya di napapansin ito" bulong ulit ni Dian kaya nagulat si Erica.

Paano bang di magugulat, sa mala anghel na mukha ni Cath ay di mo mahahalatang nagkakagusto ito sa babae.

"Why is she here Dev?!"galit na tanong ni Arria na kanina pa pinipigilan ni John na sugurin si Cath.

"Babe calm down" mahinahong saad ni John.

"Sorry Arri pero inutusan ako ni lola na dalhin si Reig- I mean Cath kasi wala ang parents nitl sa mansion nila" paliwanag ni Dev.

"Ano ka niya, bodyguard? ganun" inis na sabat naman ni Kiya, napahilot naman si Dev sa sentido at napansin ito ni Rom.

"Please girls tama na yan, pwede bang cease fire muna kayo? Magbabakasyon tayo para makapagrelax at maging masaya hindi yung puro away" mahinahong saad nito kaya napatingin sa kanya ang buong barkada.

"Tama si Rom, sinama tayo dito ni Dev para makapagrelax tsaka please wag kayong mag-away kasi mas lalo lang sasakit ang ulo ni Dev sa inyo" dagdag ni Dzane, natauhan naman ang barkada at napatingin kay Dev. Ngayon lang nila napansin ang medyo malalim na eyebag nito sa mata kaya naguilty sila lalo na sina Arria, Kiya at Cath.

"Sorry" sabay na saad nila kasama na roon si Cath.

"Its okay" nakangiting saad ni Dev,napatingin naman si Dev kay Rom at Dzane para mag mouth ng thank you, tumango lang ang dalawa pabalik.

"So tara na" at naglakad na nga sila at pumasok sa private jet na pagmamay-ari ng pamilya ni Dev.

"So tara na" at naglakad na nga sila at pumasok sa private jet na pagmamay-ari ng pamilya ni Dev

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
Twisted Fateजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें