Chap 2

440 20 0
                                    


Calliopi (PoV)

Kinakabahan ako. Teacher ko pala sa isang sub si Ms. Vastes. Imposibleng hindi nya ako ma recognize. Huhu.. ano gagawin ko kapag makita nya ako?!!!

"Huy, bat balot na balot ka ngayon?" Tanong ni dev na kakarating lang.

Naka hoodie kasi ako ngayon.

"Ah, trip ko lang. Tsaka wag mo na ngang pansinin!" Sabi ko habang balisang nakatingin sa may pintuan.

"Panong hindi ka mapapansin dyan sa suot mo eh para kang timang."

Sasagot na sana ako nang biglang pumasok si ma'am. Oh sh*t. Nandito na sya. Na-awkward ako sa presence nya kasi bigla ko nalang naalala yung nakita ko kahapon.

"Good Morning ma'am.."

Bati ng mga kaklase ko habang ako naman ay nakayuko at hindi na nag abalang mag greet pa.

"Morning, let's start the class-- wait, the one with the hoodie jacket, can you please stand up?"

Bigla naman akong kinabahan nang magsalita si ma'am.

Teka.. naka hoodie jacket?

A-ako ba yun?

Lumingon lingon naman ako sa paligid ko..

"Yes, you dear.. what a dumb."

Hindi namin narinig yung panghuling sinabi nya pero ako yata yung tinutukoy ni ma'am. Huhu.. lagot na talagaaaa. Gg na this.

"Again, the one with a hoodie jacket with a print of mickey mouse on it stand up. gosh.."

Tumingin naman ako sa hoodie jacket ko at nakita ko nga si mickey mouse na nakangiti. Talagang ako nga.

Dahan dahan naman akong tumayo. Tumikhim naman ako at pinahina ang boses ko.

"B-bakit po.. m-ma'am?"

"You really asking me that? Care to explain first what happen to your UNIFORM and you just come up an idea of dressing something like that?"

Napalunok ako. Nakakatakot talaga sya. Pati boses nyaaaa..

"Reminder lang ha, I want my students to be in their formal attire, not to wear any dresses that looks like in a party, or at the mall, especially not to dress like you are just in your house that looks like about sleep. Got that?" Sabay tingin sakin ni ma'am kaya agad akong napayuko ulit.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni dev sa kabilang kamay ko.

"Yes, ma'am" sagot ng mga kaklase ko.

"So Ms... ?"

"Ms. Calliopi Monverde po ma'am."

"Yes, you. So take that thing off now. I really think that it's not appropriate in my class, and if you are reasoning that you can't take that off because you have some kind of 'reasons' then you may leave."

Grabe talaga. Hays.

Wala sa sariling hinubad ko nalang ang suot kong hoodie at awkward na tumingin kay ma'am. Napansin ko namang nanlaki ang mata nito at para bang may naaalala sya sandali.

Siguro na-recognize na nya ako. Nakakakaba na nakakahiya--teka, diba dapat hindi ako kahabahan at mahiya? Kasi in the first place wala naman talaga akong kasalanan dahil aksidente lang ang nangyari at isa pa tingin ko mas kasalanan nila yun kasi bakit ba naman don pa sila nag anuhan at hindi nalang sa bahay nila? Pero kasi--pinag bantaan nila ako, parang ako pa yung may kasalanan huhu.

"T-take a sit."

Tch.

Sumunod naman ako sa sinabi nito.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now