Chap 21

275 16 0
                                    


Calliopi

I groan as I felt the pain of my head. Napadilat ako ng mata bago dahan dahang bumangon.

Napasapo ako sa ulo ko nang mas lalo itong sumakit.

Agh, ang sakit ng ulo ko parang binibiyak.

"Calli you're awake."

Sinundan ko ng tingin ang boses na yun at si ave pala---SI AVE?!

Lumapit ito sakin at nilagay sa bed side table ang dala nya.

Teka bakit nandito si ave--ay, oo nga pala. Nandito pala sya kagabi.

"Masakit ba ulo mo?" Hinawakan nito ang ulo ko at hinaplos. "Yan kasi iinom inom ka ng marami eh. Tsk. Heto, kumain ka." Kinuha nito ang dala nya na nasa bed side table at nilagay sa harap ko.

"Galit yung dad mo kanina kasi bakit ka daw nagpakalasing, mabuti nalang pinagtanggol kita eh. Pero ayun, maaga syang umalis patungo sa mansion at bahala ka na raw sa buhay mo." Natatawang kwento nito bago hinipan ang lugaw. Iw lugaw.. "Kaya eto, ako na nagluto para sayo. Here, eat this." Inilapat nito sa bibig ko ang kutsara na may lamang lugaw sa bibig ko.

Napanguso ako. "Ave alam mo namang di ako kumakain ng lugaw--"

"This is good for you lalo na't masakit ang ulo mo. Sige na, wag ng maarte."

Napangiwi ako at sinubo ko nalang. Baka magtampo eh. Nag effort pa naman syang magluto.

Susubuan pa sana ako nito pero nag protesta ako pero wala na akong magawa ng samaan ako nito ng tingin. Tsk. Nu ba yan wala naman akong sakit.

"Pagkatapos nito uminom ka ng gamot ha." Paalala nito.

"Bat ang extra sweet mo ngayon ave?" Natatawang tanong ko pero natigilan naman sya.

Matagal bago sya nakasagot pero nang akmang ibubuka na nya ang bibig nya ay sya namang pagkatok ng kung sino sa pinto.

"Stay still." Tumayo si ave para buksan ang pinto.

Maya maya pa ay narinig ko ang boses ni ave at ang kausap nya. Pero di ko maintindihan kasi masyadong mahina.

Maya maya pa ay pumasok dito ang babaeng laman ng panaginip ko kanina lang. Ang weird non kasi lumubog daw kami dalawa. Hahahahah.

"Calli, iwan ko muna kayo ha. Tinawag lang ako ni merk may sasabihin daw sya." Tumango lang ako kay ave bago ito lumabas ng kwarto.

Nabaling naman ang tingin ko kay ma'am at ngumiti ng matamis. Ang ganda naman ng bungad ko ngayon hihi. "Nandito po pala kayo ma'am, good morning po." Masayang ani ko.

"Kung sayo good, sakin hindi." Sabay tingin nito sa tray na nasa hita ko. Ngumiti ito ng mapakla sabay sabing.. "Kumain ka na pala. Why did I even bother to cook for you." Hindi ko narinig ang panghuling sinabi nya kasi mukang bulong yun.

"Ahm, opo, luto po ni ave. Teka, ano po ba yang hawak nyo?" Tanong ko nang mapansin ang dala nyang paper bag. Pasimple naman nyang tinago yung dala nya sa likod.

"Wala, pagkain lang ng pusa. Hindi ko kasi sya nakita sa mansion eh, kaya napunta ako dito kakahanap sa kanya."

"Kanino po bang pusa yun?"

"Sakin, dinala ko sya dito sa isla baka kasi ma bored sya sa bahay." Nag flashback naman sakin yung sinabi nyang hindi sya mahilig sa pets.

"Bumili po pala kayo? Diba po hindi po kayo mahilig sa pets? Bakit po nagbago isip nyo?"

"So what?! Who cares?! Lahat nagbabago ang isip!" Nabigla ako sa sunod sunod na pagtaas ng boses nito. I pout.

"Ugh, what am I even saying? Makaalis na nga, siguraduhin mo lang na di ka mabulunan sa kinakain mo ha!" Inis itong lumabas habang nakatitig naman ako sa kanya ng nakakunot noo.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now