Chap 8

330 15 0
                                    


Calliopi (PoV)

Nagising ako sa init na nagmumula sa araw na tumatama sa muka ko. Pagkabangon ko, napahawak agad ako sa sintido sa sobrang sakit ng ulo.

"Yan ang napapala mo kapag naglalasing." Napatingin naman ako sa direksyon nong boses na yun at si nanay lina lang pala. Nilagay nya ang tray na may lamang kung ano sa bed side table ko.

"Heto, kumain ka muna. Binilin sakin ng daddy mo na uminom ka ng gamot dahil panigurado hang over ang labas mo sa sobrang lasing mo kagabi, sinabi din nya na mag-uusap raw kayo mamaya pag-uwi nya."

Napalunok ako. Naalala ko uminom pala kami ng mga kasamahan ko sa club kagabi.

Hays, parang mapapagalitan pa ako   mamaya.

"Papagalitan ka talaga ng daddy mo mamaya bata ka, tatadtadin ka rin nya ng tanong mamaya kung ano nangyari dyan sa pisngi mo!" Kunot noo naman akong napahawak sa pisngi ko.

"B-bakit po? Ano pong.."

"Ang pula ng kaliwang pisngi mo ngayon na halatang sinampal ng kung sinong demonyo! Ano ba kasi ginawa mo kagabi?!"

Kaya pala parang mahapdi yung kaliwang pisngi ko.

Pilit ko namang inisip yung mga ginawa ko kagabi pero sumasakit lang yung ulo ko.

"Sh*t." Napahilot na naman ako sa sintido ko.

"Sige na, kumain ka nalang muna para makainom ka ng gamot."

Sinunod ko nalang si nanay dahil nagugutom narin ako.

"Hala! May class pala ako ngayon nanay!" Bigla ko nalang naalala matapos kong sumubo ng pagkain.

Nakalimutan ko sh*t!

"Wag ka ng magtangka pang pumasok, alas nuwebe na.. sino pang matinong studyante ang papasok ngayon?" Sabi lang nito habang kasalukuyang nag-aayus ngayon dito sa kwarto.

"Eehhh.. bat kasi di nyo 'ko ginising?!" Nakasimangot na tanong ko habang may pagkain pa sa bibig.

"Sinabi ng dad mo na wag ka raw gisingin dahil pinapahinga ka nya."

"Hays, naman oh."

Wala akong nagawa kundi ang kumain nalang ulit.

"Nga pala nanay lina, sino naghatid sakin kagabi?" Sabay subo ko ng pagkain.

"Yung daddy mo lang nakakaalam, sya kasi yung nag-hintay magdamag sayo--"

Hindi natapos ang sasabihin ni nanay nang may nag doorbell sa labas.

"Kumain ka lang dyan ah." Lumabas naman si nanay lina dito sa kwarto habang ako naman ay nagpatuloy lang sa pagkain.

"YOPI!!"

Nasamid ko yung kinain ko nang bigla nalang sumigaw yung biglang dumating na mga tukmol.

*cough*

*cough*

Ininom ko kaagad ang tubig na nasa harap ko at umubo ulit.

"*cough* Baliw ba kayo?!" Inis na bulyaw ko sa kanila.

Nandito pala si reese, dev, at yangken.

"Sorry naman lods, ikaw kasi!" Sabi ni reese at umupo sa kama ko pati narin yung dalawa. Buti nalang hindi na sumama si jea at ryan eh.

"Anong ako?!"

"Pinag-alala mo kaming lahat!" Sigaw ni yangken.

"Bakit naman kayo mag-aalala eh magkasama naman tayong uminom at umuwi kagabi?"

Never ThoughtWo Geschichten leben. Entdecke jetzt