Chap 14

356 17 0
                                    


Calliopi

"Nag-aantay na sila sa labas dad, alis nako, mommy alis na ako."

Hinalikan ko muna sila mommy at daddy sa pisngi habang patuloy parin sila sa kapapaalala na wag mag lasing.

"Oo na po, babye!"

Lumabas na ako at nabungaran agad ang sasakyan ni reese at dev sa harap ng bahay namin.

"Yopi dito!" Sita ni reese sa may bintana ng kotse nya at don na nga ako pumasok.

"Naks ah, gwapo natin ah."

Pinasadahan ako nito ng tingin.

"Ulol." Umiling lang ako at tumawa naman sya.

"May popormahan yata si yopi Hahahaha"

"Isa ka pa tanga." Sabi ko kay yangken.

Ano ba problema nila sa suot ko? Nakasuot lang naman ako ng loose pants at itim na sleeve na inipit ko sa harap nitong pants ko para maayus ang pagkakaporma.

"Ang estitik mo tingnan ah."

Sabi ni reese sabay start ng engine.

"Tss, kayo rin naman eh."

Nang makarating kami sa sinasabing mansion nila merk ay talaga namang namangha kami sa sobrang laki nito. Naabutan pa namin ang dami ng mga sasakyan na nakapark sa labas ng gate. Gaya ng inaasahan, madami talagang dumalo.

"Laki talaga ng mansion ng mga vastes." Puri ni yangken.

Bago kami makapasok sa gate ay may binigay muna kaming invitation card.

Pagkapasok namin may ilan pa kaming mga sasakyang nakita na nakapark rito at madami ring mga tao na galing sa SLU ang nagkalat habang papasok don sa entrance ng mansion.

"Ngayon lang ba kayo naka attend sa birthday ni merk?" Tanong ni reese at sumagot naman kami ng oo.

"Yan kasi, palibhasa di mahilig umattend sa mga event event. Halos taon taon kaya nag i-invite ng birthday party si merk sa lahat ng mga taga SLU, tapos kayo di nyo man lang ako sinamahan pumunta rito nong nakaraang taon."

"Di ako mahilig." Sagot ko.

"Ako naman busy." Yangken.

Ngayon lang ako nakapunta sa birthday ni merk sa totoo lang. Kung di lang dahil kay ave di ako pupunta rito eh.

Nakapasok narin kami lahat sa entrance ng mansion at talaga namang mas nakakamangha rito sa loob.

Malawak rito sa loob at may malaking chandelier pa sa gitna tapos may dalawa pang staircase papunta sa second floor. Yun bang parang nasa ball? Ganun.

"Kayo po ba si Ms. Calliopi Monverde at mga friends nya?" Biglang bungad samin ng isang babaeng nakasuot ng pang waiter.

"Pano nyo nalaman ate?" Tanong ni bakla.

"Nalaman ko lang, manghuhula ako eh."  Natawa naman kami rito habang si bakla umismid lang.

Mapagbiro pala to si ate Hahahaha..

"Pinakita kasi ni Ms. Averi yung pic ng bestfriend nya raw na si Ms. Calliopi at nakiusap na samahan ko kayong ihatid papunta sa table nila."

"Ah ganun po ba? Sige po, guys, hali na kayo."

Aya ko sa mga kasamahan ko at sinundan naman namin yung waiter papunta sa likuran nitong mansion at namangha na naman ako nang makitang parang na sa club lang kami ngayon. Ang kaibahan lang may malaking swimming pool sa may unahan. May disco lights at dj rin tsaka syempre mga tables para sa lahat tapos ang dami pang waiter ang nagkalat para mag serve ng wines.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now