Chap 29

287 10 5
                                    

Calliopi

Napabuntong hininga ako matapo akong hindi pansinin ni ave.

In-approach ko si ave para humingi rito ng tawad at ayain itong lumabas, ang kaso ni hindi man lang ako nito tiningnan at dire-diretsong naglakad kasama ang mga friends nya.

Naiwan tuloy akong nakatunganga.

Hays.. deserve ko ngang hindi pansinin kasi nga hindi ako tumupad sa usapan na babalik ako sa kanya kagabi.

Humugot ulit ako ng hininga saka napabuga.

Di bale, lalapitan ko nalang ulit sya kapag malamig na ulo nya.

"Calli!"

Tumingin ako sa kaliwa ko nang marinig ko ang boses ni dev.

Patakbo itong lumapit sakin. "Nandito ka lang pala! Kanina pa pumasok si ma'am vastes sa class at pinapahanap ka niya sakin. Bat kasi bigla kang nawala? Tsk. Tara na!" Hindi ako nakapalag dahil agad ako nitong hinila.

"Aray dev! Bitaw!"

Inalis ko ang kamay nitong hawak hawak ang wrist ko.

"Ano ba, bat kaba nagmamadali?!" Asik ko rito.

Sarap batukan.

Nakapamewang naman ako nitong tiningnan.

"P*ta ka gusto mo bang pagalitan ka ni Ma'am Vastes?! Alam mo naman kung gano ka strikta yun pagdating sa mga rules at baka bigyan ka ng malalang parusa this time. Tingnan mo nangyari oh, pinapahanap ka pa nya sakin. Sigurado ako lagot ka."

Pananakot nito kaya napailing nalang ako at napangisi sa loob loob ko.

Kung alam nya lang hindi na ako natatakot sa bebelabs ko. Kahit anong parusa pa yan willing akong tanggapin basta sya mwehehehe.

Nag-init naman ang muka ko nang maalala na naman yung nangyari samin kagabi--I mean, wala namang nangyaring.. you knorr.. nag night drive lang kami kagabi ni moo matapos kaming umalis sa tower. Then after that, nag star gazing malapit sa dagat habang nagkwe-kwentuhan.

What a wonderful night we have, right?

"Huy!" Nabalik ako sa ulirat nang pisilin ako ni dev sa pisngi.

"Tsk ano ba!" Nilayo ko kamay nito.

"Grabe, tulog ka pa ba ha? Muka kang sabog ngayon alam mo ba yun? At ano bang ginawa mo kagabi't parang wala kang tulog?"

Napangiti naman ako sa loob loob ko nang maalala na naman yung samin kagabi ni moo.

"Hala baliw.. ang lala mo na ngumingiti ka ng walang dahilan. Haist, tara na nga! Baka madamay pa ako sayo pag pinagalitan ka ni ma'am eh!"

Hindi na ako nagreklamo pa nang hilahinulit ako nito papunta sa room namin.

Nagtama ang tingin namin ni ma'am nang makapasok na ako sa silid.

Grabe.. bat lalo ata syang gumanda sa paningin ko?

"*ehem* so.. bat ngayon ka lang, Ms. Monverde? Where did you go?"

Hindi ko mabasa ang ekspresyon nya pero ganun parin naman yung matang pinapakita nya sakin ngayon tulad ng kagabi, parang nangungusap.

"Uhm, I apologize ma'am.. nakatulog po kasi ako sa library kanina."

Oo na, sinungaling ako. Pero kailangan kong magsinungaling baka kasi magtampo sya kapag malaman nya yung dahilan tch.

Hindi ko na hinayaan pang magsalita ito dahil inunahan ko na sya. "Good Morning pala, Ma'am" sabay kindat ko sa kanya dahilan para mapaiwas agad sya ng tingin sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never ThoughtWhere stories live. Discover now