Chap 28

190 10 8
                                    


Calliopi

"Hmmm..."

Rinig kong ungol nya nang ipasok ko ang dila sa loob ng bibig nya.

Nakakapit ang dalawang kamay nya sa ulo at leeg ko habang nakahawak naman ang dalawang kamay ko sa bewang nyang sobrang kurba.

Hindi ako makapaniwala.. Professor Meisi Vastes and I are kissing. Torridly.

Naghalikan naman na kaming dalawa, pero ewan ko, mas special tong kiss namin ngayon lalo na't alam kong parehas lang kami ng nararamdaman kaya hindi talaga ako makapaniwala.

"Oh gosh.."

Pareho kaming hiningal nang matapos ang mapusok na halik na iyon.

Nagkatitigan kaming dalawa. Parehong mapupungay ang mga mata naming dalawa ngayon dahil sa sensasyon.

Hinawakan ng isang kamay nya ang muka ko bago sya nagsalita.

"Pupuntahan mo pa ba sya?"

Tanong nito mula sa hinihingal na boses.

Bakas sa mata nito ang pag-aalala na baka puntahan ko na naman si ave.

Napailing nalang ako bilang sagot.

After what I've heard, after her revealation.. wala na akong balak pang umalis sa tabi niya.

"Good then." Napangiti sya saka sya tumayo.

"Let's go?" Nakangiting ani niya pa habang inaabot ang kamay sakin.

"Huh? Saan?" Naitanong ko pero tinanggap ko ang kamay nya saka ako tumayo.

"Anywhere. Just the two of us."

Niyakap nya ako na nagpawala na naman ng hininga ko.

"To be honest.. I missed you. Those days that you've been ignoring me.. are those days that I slowly realize that you have a special place in my heart. This is the first time that I felt this way, so I've been confused and questionning why am I missing you everyday.. why am I wanted to see you?.. and why am I jealous everytime I saw you with her. It's making me frustrated.. calliopi. There's a lot of thoughts and questions that are running through my mind but then.. I soon realize how much I fell for you."

I was stunned. I was speechless.

Hindi ako makagalaw dahil sa rebelasyon nya para sakin.

This her 3rd revelation.

At ngayon.. ramdam ko na naman ang malalakas na tambol ng dibdib ko.

This couldn't be real.

The cold and terror professor just conffesed to me! JUST HOW COULD THIS HAPPEN?!

"Hey, speak up."

Bumitaw sya ng yakap at tiningnan ako ng masama.

"Wala ka bang sasabihin?" Nakasimangot na tanong niya.

I compossed myself immidiately.

"*ehem* sorry.. h-hindi lang ako makapaniwala na... ganito. I mean, parang kailan lang sinabi mo na hinding hindi ka magkakaroon ng.. alam mo na, pero ngayon.. bigla ka nalang nag confess, nakakagulat lang."

Natawa ito.

"Maski ako nagulat din. Hindi ko nga alam kung pano mo 'ko ginayuma eh. I just woke up realizing that I fell in love with you."

Tinitigan niya ako nang may sinsiredad. Kitang kita ko sa mata nito ang kislap habang sinasabi niya ang mga katagang iyon.

Nag init ang buong muka ko.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now