Chapter 19

360 19 2
                                    


Calliopi

Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha sa lugar na ito.

Wow, hindi ito bastang Island lang.. ISA ITONG PARAISO!!

"Calli, hey." Nabaling naman ang atensyon ko sa likod kung saan nakatayo si dad.

"Let's go Inside, ayusin mo narin yung gamit mo." Sabi nito bago tumalikod at pumasok sa loob ng maliit rest house.

Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa Private Island ni Mr. Enricko Monricko Saveer. Ang Biggest Patient ni dad.

Pumasok na ako sa loob ng rest house at tiningnan ang kabuoan nito. Maliit lang sya pero ang ganda ng pagkakadisenyo dito sa loob. May mga furnitures din rito na halatang mamahalin.

"Nilagay ko na ang bag mo sa kwarto. Ang tamad mo talagang magbuhat bata ka. Sige na, ayusin mo na yun don." Utos ni dad na kasalukuyang nagbubuhat ng mga bagahe nya.

Gusto ko sanang tulungan si dad pero tinatamad talaga ako hehe.

Pumasok nalang ako sa kwarto at namangha din ako dito. Medyo malaki rin ang kwarto na ito at maganda rin ang disenyo. Lumapit ako sa glass window at tinanaw ang tanawin.

Nakikita ko mula rito sa pwesto ko ang laki at ganda ng mansion. Medyo malayo ito sa rest house pero kitang kita parin ang lawak at ganda ng mansion.

Don kami galing kanina. Pinuntahan muna kasi namin ni dad si Don Enricko bago kami ginuide ng isa sa mga tauhan ni don enricko dito sa rest house na maaaring pansamantalang matutuluyan namin.

Grabe lang, ang yaman ng matanda. Bukod sa pag-aari nya tong malawak na Island, ang sabi ni dad madami pa raw itong mga ari-arian. Tulad ng mga Businesses, mga lupain kagaya ng hacienda, at mga resources sa ibang bansa. Kulang nalang ng sugar baby si Don Enricko Hahahah.

"Calli kumain kana!" Tawag ni dad mula sa kusina.

"Opo andyan na!"

****

10; 30 am

To; Ma'am V🥰

[Nakasakay na ako ng eroplano ma'am.]

12;30

[Nakarating na ako Ma'am]

1;25
[Kumusta ka dyan?]

2;44

[Ang ganda po dito sa pinuntahan ko Ma'am, mala paraiso. Kung nandito ka magugustuhan mo rin dito.]

4;38
[Ano gawa mo? Hehe]

5;39
[:<]

6;01
[Pumunta ako sa tabing dagat kanina ma'am, nakita ko si nemo kasama si dori hehe🥰]

6; 20 Pm
[From; Calliopi
[Enjoy there, stop texting me.]

Ang dalang mag reply no? Kaninang umaga pa ako nag u-update tas ngayon lang nag reply. Pero yun nga, yung reply nya palagi halatang ayaw akong ka text. Gusto kong tumigil actually kasi parang nakukulitan na sya. Simula kasi nong inunblock nya ako, walang tigil na akong nagte-text sa kanya. Hindi ko naman alam kung bakit feel na feel kong itext sya. Nahihibang na yata ako eh. Pero ngayon lang naman to, kasi kapag hindi na sya yung prof namin next term.. hindi naman na ako mangungulit.

To; Ma'am V🥰
[kumain ka na?]

Pambabalewala ko sa reply nya.

Never ThoughtOù les histoires vivent. Découvrez maintenant