Chapter 18

359 15 1
                                    


Calliopi

Ito na ang araw ng School Fest kaya naman, naghanda na ako para sa pagtatanghal sa entablado mamaya.

Sheesh, kinakabahan talaga ako ngayon. Feeling ko aatakihin ako. Pano ba naman, this is literally the first time na kakanta ako sa harap ng maraming tao kaya nasusuka na talaga ako sa sobrang kaba. Hayss..

Tiningnan ko ang phone ko kung nag reply ba si Ma'am kaso... wala.

6; 30 am

[I'm not going.]

[Ma'am naman eh, gusto ko nga pong nandito kayo eh. Punta ka na pleasee..🥺]

8; 50 am

[Ma'am, punta ka po ha. Para naman ma inspire akong kumanta😁]

Napanguso ako. Hindi nya ako nireplyan pabalik. Hinanap ko sya kanina pero hindi ko sya mahanap. Hayy..

Siguro hindi na talaga sya pupunta. Sapat na sakin yung inan-block nya ako nong isang araw. Sa sobrang kulit ko na ipa-unblock yung number ko ay sa wakas napapayag ko rin sya hehe.

Gustong gusto ko talaga kasing maka text mate si ma'am lalo pa't ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Mas lalo yatang gumaan ang loob ko sa kanya nong sa mga last day ng practice ko ay kasa-kasama ko sya. Kahit sinasabi nyang napadaan lang sya kaya nakapunta sya sa mga practice ko.. atleast, nandon ang presence nya. Syempre importante sakin ang presence nya no. Sya kaya ang dahilan kung bakit ako nasali sa ganto. Tapos after pa ng practice, sumasama sya sakin na mag lunch o dinner kahit hindi sa mga sosyalin na pagkainan. Mas lalo kong nakikilala si Ma'am.

"And now let's welcome our next Performer.. Calliopi Monverde! Around of applause!"

Nahigit ko ang hininga ko nang matawag na yung pangalan ko sa Mc.

"Alright calli, give your best shot." Pange-engganyo sakin ni Prof. Gen at napangiti nalang ako habang halata parin sa muka ko na kinakabahan.

Inayos ko ang position ng guitara ko at dahan dahang pumunta sa stage.

Titanium ang kakantahin ko ngayon. I'm going to sing is it in accoustic version. Nong una ang napili ko talaga ay Die For You by the weeknd, but then, dahil mas feel ko naman kantahin yung Edm songs.. Pinili ko nalang ang kantang titanium.

"GO CALLIOPI! BESTFRIEND NAMIN YAN!"

"WOOOO!!"

Agad akong napatingin sa direksyon ng mga kaibigan ko na nagtitilian. Hays.. ako ang nahihiya para sa kanila. Naghiyawan rin yung mga tao sa paligid kaya mas lalo akong kinabahan.

Napansin ko naman si averi sa gilid ni bakla. She looks so proud looking at me at napangiti nalang ako ron.

Kahit wala na akong pag-asa kay ave... atleast, nandyan sya palagi para supurtahan ako.

Buti pa si ave nandito kahit may practice sila sa cheer dance.. pero si ma'am.. hayyss..

Umayos nalang ako ng tayo at huminga ng malalim.

Alright this is it.

Nagsimula na akong mag strum ng guitar at sinimulang kantahin ang lyrics ng kanta.

"You shout it out, but
I can't hear a word you say
I'm talking loud, not saying much

I'm criticized, but all your bullets ricochet
Shoot me down, but I get up"

This is actually a good song for the brave people. Sa susunod na kumanta naman ako, I'll make sure that I will dedicate it to someone who is special to me.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now