Chap 25

248 15 17
                                    


Calliopi

Weeks past, hindi ko na nga inapproach pa si ma'am at hindi ko narin sya mini-message. Hindi lang naman kasi yung huling interaction namin ang dahilan, alam nyo kung sino?

Her boyfriend Saviel De Vega. Simula nang makabalik ito sa Pilipinas galing sa ibang bansa dahil sa natapos nitong project, palagi ko na silang nakikitang lumalabas ni ma'am. Halos araw araw na nga bumibisita yung lalaki na yun dito sa school eh. Palagi ko pa syang nakikita sa parking lot tuwing uwian para sunduin si ma'am.

Aaminin ko, may part sakin na nalulungkot ako. Mas lalo din yata akong nalulungkot sa isiping parang ayus lang sa kanya lahat. Parang mas ok lang sa kanya na hindi ko na talaga sya lalapitan at kukulitin.

*sigh*

I guess I'm too annoying.

Tama narin talaga siguro yung ganito. Hindi namam rin kasi tama na magkaroon ng special na relasyon yung teacher at saka student eh. Kahit hanggang kaibigan pa yan dapat inalam ko talaga ang lugar ko bilang studyante nya simula pa nong una.

Tch. Parang ngayon lang nag sync in sakin yung sinabi ni ma'am nong umamin ako sa kanya eh. Tanga ko talaga ket kelan.

Natigilan ako sa pagkatulala nang may yumakap sa likod ko.

"Calli..." malambing na tawag ni ave mula sa likuran ko at talagang inamoy amoy pa nya ang balikat ko.

"Haha ave--anong ginagawa mo?" Humarap ako sa kanya at bumungad sakin ang maganda nyang muka.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa at hindi pala sya naka school uniform ngayon. Nakasuot sya ng casual dress na mukang pang korean style.

"Do I look good?" Ngumiti ako at tumango.

"Palagi naman hahah." Namula naman sya don.

"Nga pala, labas ulit tayo maya?" Excited na tanong nito.

Hmm.. palagi nalang akong inaaya ni ave na lumabas simula nong mabalitaan kong naghiwalay na sila ni merk.

Oo alam ko na ang tungkol don dahil sa mga chismis na kumakalat dito sa school pero wala pa namang nakakaalam kung anong dahilan non. Gusto ko sanang tanungin si ave pero baka hindi sya ready kaya hindi nalang ako nag o-open up tungkol don sa tuwing magkasama kami.

Ano kaya nangyari sa kanilang dalawa?

Tiningnan ko ng maigi ang muka ni ave at muka naman syang hindi malungkot kasi palagi naman syang masaya kapag magkasama kami.

Pero... hindi kaya tinatago lang nya yung lungkot na nararamdaman nya? Hindi kaya... kaya palagi nya akong inaayang lumabas para hindi nya masyadong maisip si merk?

Hayyss.. nakakalungkot naman.

"Calli? May problema ba? Ayaw mo ba munang.. lumabas? Ok lang naman bukas o sa susunod na araw basta magkasama lang tayo palagi hehe." Napailing ako.

"Hindi naman ave, ahm, sige, labas ulit tayo. San mo ba gusto?" Tanong ko sabay ngiti.

Mabuti nalang hindi ko sya matanggihan kapag gusto nyang lumabas kami. Sa ngayon kailangan ko muna talaga syang masamahan kasi mukang hindi ok yung pinagdadaanan nya after ng break up. Kasi ganun yun diba? Kapag malungkot ka after break up, kailangan mo talagang mag unwind o gumala kasama ang mga kaibigan mo

"Ikaw bahala calli, kahit san mo gusto don din ako."

"Ok! Treat naman kita ngayon hahahha"

"Nah, it's on me."

"Nope, hindi pwede, palagi nalang ikaw yung nanlilibre sakin eh. Ako naman this time ok?"

"Tsk, fine. Anong oras ba matatapos ang class nyo?"

Never ThoughtWhere stories live. Discover now