Chap 10

371 24 1
                                    

Meisi (PoV)

"Seriously?!" I ask in disbelief.

Is she kidding me?!

"Promise ma'am, magugustuhan nyo ron!"

"No, Ms. Monverde! Ang layu non."

Balak nya kasing pumunta ng Mawab, ang lugar kung saan papunta sa bundok na medyo malayo dito sa city. Ang sabi nito, don raw nya gustong mag dinner kasama ako. Ewan ko ba sa kalokohan ng batang to. Kung makapag request akala mo naman sya yung magda-drive papunta ron.

Well, 1 and a half hour lang naman bago ka makapunta ron but hello, pupunta lang talaga kami ron para mag dinner?

"Maganda po ron eh tsaka masarap po yung ulam don sa restaurant at magugustuhan po talaga natin yung view. Matagal na po akong hindi nakapunta ron at gusto ko lang bisitahin saglit--"

"Ah so you just want to go there para bumisita ulit at dinamay mo pa talaga ako. Para ano ha? Para may driver ka ganun?"

Ibang klase rin tong bata na to. Parang ininvite lang nya akong lumabas para may kasama sya at may driver syang pumunta ron sa paborito nyang lugar.

"Hindi po sa ganun, promise ma'am magugustuhan nyo ron! Tsaka, libre ko naman eh. Hindi ka po lugi don."

"Hah, kahit hindi mo pa 'ko ilibre o kahit bilhin ko pa ang buong restaurant ron hindi ako papayag sa gusto mo. Ikaw na nga itong namimilit na lumabas eh, ikaw pa itong may ganang mamilit na mag request sa kung saan, at ang layo pa ha."

"Nag su-suggest lang po eh." Nakangusong sagot naman nito.

"No Ms. Monverde, and that is final!"

***

I look at her with no emotion while she's busy taking a picture using her phone to capture the view outside.

We are currently waiting the waiter to serve the foods to us already so this culprit right here immidiately grab her chance to take a picture. My brows furrows when she accidentanly captured me.

"Ay, sorry po." Tinago naman nito ang phone nya. Napaikot nalang ang mata ko at tumingin sa labas nitong glass wall.

She's right. Maganda nga rito. Atleast she really did not making me pissed at her more cuz I can't deny it, this place is too peaceful. Ang ganda rin ng paglubog ng araw.

Nasa Yeto's Kainan kami ngayon. Ngayon ko lang nalaman na sikat pala tong restaurant na to kahit na hindi masyadong sosyalin. Siguro naa-attract talaga ang ibang tao na kumakain rito dahil sa ganda ng lugar.

Mula rito.. makikita mo na yung buong city. Sabi nitong kaharap ko mas gaganda pa raw ang view rito kapag gumagabi na dahil sa mga ilaw na nagmumula sa mga buildings na nasa baba.

"Ang ganda.." nabaling ulit ang tingin ko sa kaharap ko at agad naman itong nagpanic nang makita ko itong kinukuhanan ako ng picture.

"Dumb." Nasabi ko nalang at napailing.

"Ah ma'am, salamat po at pumayag--"

"Don't mention it kung ayaw mong mainis ulit ako sayo." Naka-cross arms na sabi ko.

I don't really understand myself kung pano nya ako napasunod kanina. Wala naman talaga akong balak na pumunta rito kasi ang layo. But this dumb kiddo in front of me did something magical to me na naging dahilan kung bakit napapayag nya ako na ikinainis ko. Buti nalang maganda rito eh kaya medyo nabawasan na.

Dumating na ang waiter dala ang mga orders namin kaya itong mukang bata na nasa harap ko ay parang nae-excite na ewan.

"Thank you po kuya melvs, wag nyo pong kalimutang ikumusta ako nanay telma ha."

Never ThoughtWhere stories live. Discover now