Chapter 03

17.7K 509 112
                                    

"Ugh, aray aray!" Sheet ang sakit ng ulo ko.

"Lili! You're awake, how are you feeling??" Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Xaidam na tumitingin sakin looking extremely worried.

"Anong nangyare?" Tiningnan ko ang paligid ko at nalaman ko na nasa clinic pala ako.

"You fainted babe, what happened?" Nakakunot nitong tanong. At hinawakan ang mga kamay ko.

"Honestly I don't know either, bigla nalang sumakit ng todo yung ulo ko" Pati ako nalilito na eh.

Xaidam heaved a sigh.

"I'm going to need you to take a rest okay? Baka lumala yan" He slightly smiled and got up.

"Wait san ka pupunta?" Di niya ba ako sasamahan dito?

"Oh, I'm late for my class babe, and don't worry excused ka na" Explain naman nito sakin.

"Sige, where's ma'am Granade pala?" Tanong ko sakanya.

"Why, do you need something from her? Napataas ang kilay nito.

"Siya kase yung huli kong nakausap before i fainted eh"

"O-oh hindi ko siya naabutan pag dating ko dito sa clinic, yung nurse naman yung tumawag dito sakin para i-inform na nandito ka" Explain niya ulit sakin.

"Ah sige, pwede ka nang umalis" Sabi ko sakanya.

"I love you, stay there for atleast 1 hour okay? Call me if anything happens" Sabi pa nito ng naka ngiti.

"Okay, love you too" Sweet ko no?

* * *

Nababagot na ako rito, wala manlang ni isang libro sa clinic.

Mag i-isang oras naman na nandito ako kaya naisipan ko na umalis na.

"Nurse aalis na po ako" Paalam ko naman. Tumango ito at ngumiti saakin.

Naglalakad ako sa hallway nung biglaang may yumakap sakin.

"Gosh lili are you okay?!" Oh si riche pala.

"Ha?" Nalilito kong tanong sakanya, bat naman hindi ako magiging okay?

"I got a text from kalaha na nahimatay ka raw!" Ay oo nga pala. Bilis ko talaga makalimot.

"Nakalimutan ko sensya na" Napa kamot ako sa ulo ko.

"Ikaw talaga palagi ka nalang may nalilimutan! So okay ka lang ba talaga? Wala namang masakit sayo?? Hindi ba masakit yang pwet mo nung bumagsak ka?? How about yung ulo mo naman?" Takte ang ingay nitong babae nato.

"Mas lalong sasakit tong ulo ko kung hindi ka titigil jan" Banta ko sakanya at agad naman itong tumahimik.

Sabay kaming nag lakad ng hallway at nagtataka ako kase maraming students ang nasa labas, nagawa nila rito?

"Hoy lesbean bakit ang dami ng students sa labas? Atsaka diba may klase ka pa ngayon? Don't tell me nag cutting ka!" Kumunot yung noo ko habang sinusumbatan siya.

"Luh ka jan te na cancel yung classes this afternoon kase may general meeting yung mga professors, maka cutting ka wagas" Umirip ito at nag eye roll sakin.

I chuckled a little at her reaction.
"Oh okay, so anong gagawin natin?" Tanong ko sakanya.

"We're going to study" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Luh? Since when ka naman nag s-study?" I stared at her in disbelief.

"Gaga! Kailangan kong pumasa sa recitation exam namin this semester" Ay wow sanaol recitation.

Natawa ako sakanya. Bihira lang kase to mag-aral eh. Puro lakwatsa at pambababae lang ang alam.

"San naman tayo pupunta?" Tanong ko sakanya, kanina pa kase kami naglalakad.

"Sa MB" Nagsabong ang dalawa kong kilay sa sagot niya.

"Sa music building? Eh diba nanjan yung classroom ni Samille?" Kanina pa ako nalilito pag ka gising ko tapos dumagdag pa tong si riche.

"Pupuntahan natin bebe ko" Nag wink naman ito at ngumiti. Anong bebe?

"Teka sinong bebe yan riche? Eh halos araw-araw may iba kang babae"

"Oh really?" Luh sino naman yun?

Napatingin ako sa may likuran namin. Takte bat nandidilim tong mata nung babaeng to? Parang magkapatid lang sila ni ice queen eh.

"A-ah nag jo-joke lang po tong best friend ko bree" Napatingin naman akong nakakunot noo kay riche. Hala teh parang nakakita ng multo, ang putla at pinapawisan pa.

"Okay ka lang ba riche? Atsaka totoo naman ah, last week nga nakita ko may kinakarga kang babae eh" Sagot ko naman sakanya. Teka bat parang nandilim.

Tumingin ako sa babaeng nagsalita kanina. Holy shit! Nagbabaga ang mga mata niya.

Tiningnan ko namab ulit si riche para mag explain sana kung ano yung nangyayare kaso pinutol ako nong babae.

"Richelle Marie Novele! Meet me at my office after school!" Luh? Bigla naman itong umalis sending riche a death glare.

Tatanungin ko pa sana si riche na ngayon ay may di maipintang takot sa mukha niya.

"Hoy riche! What just happened?" Hays kanina pa talaga ako nababagot, nakakalito naman kase eh.

"Why the fuck would-"

"Riche?"

Sabay kaming tumingin kung saan nanggagaling yung boses. Nakita ko naman na biglang lumaki yung mga mata nitong si riche.

"Omg richie! It is you!" Tumakbo si Samille papalapit saamin.

Of course riche didn't wait any second at bigla niya akong kinaladkad at kumaripas ng takbo.

Nandito kami ngayon sa gymnasium. Ewan ko, dito ako kinaladkad ni riche eh.

"Why would you say something like that?!" Napatalon naman ako kase biglaan nalang si riche na sumigaw.

"Say what?"

"That i have many girls!" Luh, galit yarn?

"Eh totoo naman diba?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"The heck lili! I stopped my old habits already!" Napahawak ito sa buhok niya. Mababaliw na ata. Since when pa ito nag stop?

"Eh ano naman yung sabi mo na magandang babae sa MB at yung kinarga mo last week?" Tanong ko sa kanya.

"God lili that was the girl i was talking about! And ang kinarga ko is my sister!" Luh? Totoo?

"Seryoso ka riche?" Shock kong tanong sakanya.

"Wala ka namang may na mention sakin na may kapatid ka" Dagdag ko pa.

"You didn't ask kaya!" Anak ng? Gusto ko sanang patulan kaso totoo naman kase.

"Eh yung babae? Bakit parang namumutla ka kanina?" I stared at her intently.

"Bahala ka jan, dahil sayo napahamak pa tuloy ako!" Iniripan niya ako sabay talikod.

"Hoy! Sorry naman, ikaw kase totoo naman kase yung sinabi ko, malay ko bang kapatid mo yun" Pang depensa ko naman sa sarili ko.

"Tse!" Yun lang yung sagot niya at umalis.

Luh ay nagtampo.












A/n
Revised

When The Ice Melts - (profxstud)Where stories live. Discover now