Chapter 31

14.2K 421 185
                                    

"Because a kiss is enough"

*Ringggg!!*

Tangina panira naman oh!

"Hala hala bell na sweetie pie di pa ako nakaka-kain!" I whined.

Habang saad ko iyon may kinuha naman siya sa drawer ng desk niya.

"Here" May iniabot siya na plastic bag sa akin.

"Ano to?" Tanong ko naman.

"It's food, eat before it's cold" Sagot naman niya.

Kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa nilantak ko na yung pagkain.

Di naman siguro halatang gutom ako diba?

* * *

"Are you done?" Tanong ni langga ko.

"Hehe yes langga ko" Naka smile na sagot ko sa kanya.

"Okay, here" Sagot niya at iniabot saakin ang exemption form.

"Thank you! Mwah!" Masayang saad ko at wala sa isip na hinalikan ito sa pisngi.

I saw her froze for a second before getting all red.

I giggled at that. Uzon is so cute! My Uzon..

"Alis na ako ha? Don't miss me too much" Pangjojoke ko sa kanya.

"Tch as if!" Bato naman siya sakin.

Pero bago ko isira ang ang pinto nakita ko kung paano siya patago na ngumiti kaya napangiti rin ako.

Hays ang cute talaga!

Nandito na ako ngayon sa harap ng classroom ni Mrs- Miss Calvares nalang pala whahahaha.

"Miss Funtamuerte you're late!" Singhal nito sakin kaya iniabot ko sa kanya ang exemption form.

"Get to your seat" Sagot niya kaya tumanho ako.

Nakita ko kung saan nakaupo ang nga tanga kaya doon nalang din ako umupo.

"Girl bakit late ka?" Bulong ni Abby.

"Errands" Tipid na saad ko.

"Weh? Bakit parang naaamoy ko perfume ni prof Granade sayo?" Suspicious na tanong ni Mitchell kaya napalunok ako.

Do i really smell like her??

"Later" Sagot ko naman at nag warning ng tingin sa kanila.

I won't say anything about what happened to Uzon and me to them. I want Riche to know it first. Since she has a relationship with a professor pwede niya akong bigyan ng advice diba?

I still can't believe na napaconfess si Uzon dahil lang sa lyric prank ko sa kanya..

Salamat Andrew E.

I can't help but smile while reminiscing what happened.

She likes me too! Ahhh!! Can't you believe it? All this time akala ko straight yang si Uzon pero baliko din pala!

Well, what can i say? Haba ng hair ko eh.

"Class dismissed" Ay? Tapos na?

Dali dali ko namang niligpit ang gamit ko atsaka lumabas ng office.

Rinig ko pa ang mga sigaw ng mga bakla pero di ako lumingon.

Siguro aarangkada sila mamaya sa dorm room ko kaya magtatago muna ako sa office ni sweetie pie ko hehe.

Nang makalayo na ako sa classroom ay kinuha ko naman yung phone ko para i text siya.

You changed the nickname of Uzon Alissa Granade to Langga ko❤️

When The Ice Melts - (profxstud)Where stories live. Discover now