Chapter 18

12.3K 371 116
                                    

Nakabalik na kami mula sa London and im now getting ready to go to school when i heard a knock on my door.

"Pasok!" Sigaw ko at bigla namang niluwa ng pinto ang mga bakla at bruha kong mga kaibigan.

"Oh? Bat kayo nanditong lahat? At ikaw Brian bat ka nandito pano ka nakapasok??" Kunot noo kong tanong. Nagtataka ako pano kaya to nakapasok ang baklang to? Then again sila to eh maraming nalalaman.

"Atat na atat silang malaman kung anong nangyare sa london. At kung paano naka pasok si Brian simple lang naman, pinasok namin siya dito oh" Pinakita ni riche ang isang malaking maleta.

"Nag kasya ka jan?!" Gulat kong tanong.
Tumawa naman silang lahat.

"Same reaction vebs" Sabi ni riche.

"Ay tama na yan! Chika mo na ang nangyari!!" Awat ni Abby.

Sinabi ko ang lahat ng nangyare sa kanilang lahat. "So?? Nganganga nalang ba kayong lahat jan?" Taas kilay kong tanong.

"SIS BAKIT HINDI MO TINANGGAP!!!!!" Sigaw ni Brian at sabay akong niyugyug.

"Teka teka naman! Nahihilo ako" Bulyaw ko sa kanya. At tumigil naman ito pero yung tingin niya ganon padin. Hindi makapaniwala.

"Diba sabi ko nga diba? I'll think about it" Tatanga naman neto kakasabi ko palang nakalimutan na agad.

"Eh girl naman kase napakalaki ng opportunity sana tinanggap mo nalang" Saad naman ni Abby at tumango naman in agreement ang mga bruha.

"Desisyon kayo?" Tinarayan ko sila ng tingin.

Nakita kong bumuka ang bibig ni Caitlyn pero ito natuloy kase narinig namin na nag ring ma ang bell, which means late na kami!

"PUTANGINA NYO LATE NA TAYO BILIS LABAS!" Bulyaw ko sa kanila at dali dali naman kaming kumaripas papalabas ng dorm. Tinawanan lang kami ni riche, wala kase siyang klase mamaya pang 2 pm at amin naman ay ngayong 10 am.
Lucky bitch.

"Tangina nyo napaka chismosa nyo talaga!" Singhal ko sa kanila habang tumatakbo papuntang building namin.

"Teka stop muna" Saad ni Julia habang hinihingal.

"Ano na naman ba yun?!" Inis na saad ni Mitchell habang hinihingal din.

"Masakit naaalog dede ko—" Binalingan ko siya ng tingin.

"Charot, diba si Sir Markian first period natin ngayon? Diba medyo duling yun?" Blunt nitong sabi na kinatawa naman naming lahat.

"Gaga ka insulto na yan ha! Pero sa trots lang" Brian retorted. Humagikhik naman kami. Mga yawa talaga kahit kailan.

"May naisip ako. Pag karating natin sa tapat ng room, saktong nakatalikod si sir, pumasok tayo ng naka backwards para kung mahuli niya tayo iisipin niya na tumatakas tayo sa klase niya" Ay pambihira may laman din pala tong utak ni Julia?

Nandito na kami sa labas ng room na tinuturuan ni sir Markian at effective ito HAHAHAHAHAHAH.

Parang mga baliw kami sa ginagawa namin. Nasulyapan ko naman ang mga hitsura ng mga kaklase ko na nagpipigil ng tawa. Sino ba namang hindi matatawa sa ginagawa namin?

"You girls and you Mr. Brian where do you think you're going? Get back to your seats immediately!" Sigaw nito saamin.

Hindi naman ni isa saamin ang nagsalita. Sigurado akong nag pipigil sila ng kanilang tawa habang tinungo ang kanilang mga upuan.

"Mga gaga kayo ang gagaling nyo" One of my classmates whispered.

"Relax kami lang to" Sagot ni Caitlyn sa kanya.

When The Ice Melts - (profxstud)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon