KABANATA 12: Kalinga

10.8K 237 97
                                    

Pupungay-pungay akong nagising nang makarinig nang ani mo'y nagsisibak sa labas. Tirik na ang araw nang mapadpad ang aking tingin sa bukas na bintana, subalit dahil ilang metro lamang ang layo ng ilog ay maaliwalas pa rin ang hangin.




Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan matapos mapagtantong ang barong na kasalukuyan kong suot ay pagmamay-ari ng heneral. Kagaya nang dati kong kasuotan ay nagmistula iyong basahan na ginutay-gutay nang mapansin ko iyong nakapatong sa katabing lamesa.





"Sólo déjame. . ." rinig kong wika ng taong kanina ko pa hinahanap.





Dumungaw ako sa uwang ng bukas na bintana, ang aking kaliwang kamay ay nakalagay sa aking baba. Bumungad sa akin si Heneral Vicencio na wari ko'y kanina pa nagsisibak ng mga kahoy. Pawisan ang kanyang matipunong katawan at malinaw iyon sa aking mga mata sapagkat hindi siya nakasuot ng pang-itaas na kasuotan. Dahil sa kanyang pawis ay mas naging klaro ang bawat detalye ng kanyang malalaking ng braso, matigas at mabalahibong dibdib at bato-bato niyang tiyan.





Namumula ang kanyang mukha habang patuloy ang pagsibak niya sa mga troso na nasa kanyang harapan. Nang marinig ko ang halinghing ng mga kababaihang nakamasid sa kanya ay roon ko napatunayang may kakisigan nga siyang taglay.





"¿Quieres descansar, Javier? Sé que no estás acostumbrado a este tipo de cosas, así que–" (Nais mo bang magpahinga muna, Javier? Batid kong hindi ka sanay sa ganitong gawain kaya't–" ) panghihikayat ng matandang guwardiya sibil.





"Te dije que puedo, Paz. Solo déjame en paz," (Sinabi ko na sa iyong kaya ko, Paz. Hindi ko kailangan ng tulong mo) pagtutol ng pursigidong heneral.





Nagawa pang magbiro ng matanda, "Tal vez te gusta la atención de las mujeres detrás de ti. Te han estado mirando desde antes." (Marahil ay nais mo lang maagaw ang atensiyon ng mga binibini sa hindi kalayuan. Kanina pa sila natingin sa iyo).






"Hindi ko kailangan ng kanilang atensiyon, Paz," napaigtad ako nang sumulyap siya sa aking direksyon. "Narito sa aking harapan ang taong mas kaibig-ibig sa kahit sinong binibini."





Bago pa bumaling sa akin ang tingin ng matandang sundalo ay nagkukumahog kong isinara ang bintana. Kung titingnang maigi ang mukha ng heneral ay seryoso ito sa kanyang sinabi na para bang hindi siya nagbibiro. Na para bang tunay niya akong iniibig.





Imbes na gugulin ang aking oras sa kanyang mga salita ay minabuti ko na lamang na dumaan sa likod-bahay upang makatakas. Ang ideyang iyon ay iwinaksi ko na dapat sa aking isip nang masaksihan ang kumpol ng mga sundalong espanyol. Lahat sila'y napatingin sa akin na may gulat na ekspresiyon.





Maging ako ay magugulat kung ako man sila dahil suot ko na ang barong ng kanilang heneral.





"B-buenos días, Heneral Guevarra!" sabay nilang bati at bahagyang yumuko bilang pagrespeto.






Labis ko iyong ikinagulat kung kaya't hindi ko sila agarang nabati pabalik. Matatandaang nakabusangot noon ang kanilang mga mukha sa tuwing nakikita ako, subalit ngayon ay abot tainga ang kanilang mga ngiti. Umawang ang aking labi nang mapansing sugatan silang lahat.





"Hindi mo ba balak batiin ang iyong ginoo kagaya ng iyong pagbati sa aking mga sundalo?" tumaas ang aking mga balahibo nang marinig ang malalim na boses ng heneral sa aking likuran.






Alapaap | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon