KABANATA 23: Patibong

3.9K 151 35
                                    

Ang aking diwa ay hindi mapalagay sa paglipas ng mga sumunod na araw. Halos hindi ko na malisan ang aming mansyon upang bantayan ang aking ina lalo pa't napag-alaman kong mayroon siyang sakit sa baga. Batid kong napakarami ko ring gampanin sa San Fernando at isa iyon sa gumagambala sa akin.



Nang makarinig ako nang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ay sumulyap ako sa aking ina. Malamlam ang kaniyang mga mata at patuloy ang kaniyang malalakas na pag-ubo.



"Heneral Guevarra?" ang tinig na iyon ay mula kay Jose.




Hindi nga ako nagkamali nang buksan ko ang pintuan ng silid ni ina. Mula sa aking kinatatayuan ay naririnig ko na ang mga usapan mula sa aming hardin.



"Magandang umaga po, Heneral Guevarra. Nais ko pong ibahagi sa inyong narito na po ang mga miyembro ng katipunan," aniya habang nakayuko bilang pagrespeto.



Itinapat ko ang aking kamay sa kaniyang balikat, "Nawa'y maging matagumpay ang ating plano sa araw na ito, Jose."




"Huwag po kayong mag-alala sapagkat hindi matatapos ang pulong na ito hangga't hindi natin nakakamit ang tagumpay," palihim nitong wika bago tumungo sa kusina upang tumulong sa paghahain ng mga pagkain.



Muli kong sinulyapan ang aking ina na ngayo'y malalim ang iniisip. Nakabalot sa kaniyang katawan ang kumot at nakapukaw ang buo niyang atensiyon sa uwang ng bintana.



Huminga ako nang malalim bago siya tawagin, "Ina, nais niyo po bang lumabas ng iyong silid? Narito po gaganapin sa ating tahanan ang pagpupulong ngayong araw."



"Mabuti pa't dito na lamang ako manatili sa aking silid. Ako'y nangangambang mahawa ang mga bisita ng aking sakit," sabi nito mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig nang siya'y umubo.




Bagaman mayroong medisinang nirekomenda ang mga doktor ay hindi nito kayang pawalain ang sakit ng aking ina. Labis na napinsala ang kaniyang baga dahilan upang mahirapan siyang huminga lalo na tuwing sasapit ang gabi.




Pagkatapos kong magpaalam kay ina ay tumungo ako sa aming malawak hardin. Nakakatuwang makita ang lahat ng miyembro ng katipunan na pinaunlakan ang aking paanyaya. Narito si Padre Dencio, Ginoong Pablo na siyang kabesa ng San Fernando, Tandang Dante na siyang Alkalde ng buong nayon, Tinyente Ismael, ang mag-asawang Gerardo, Esteban at Castor.



"Ginoo," hawak ni Binibining Juana ang laylayan ng kaniyang kamiseta nang lumapit ito sa akin.




Itinapat ko ang aking kamay sa aking dibdib at yumuko, "Magandang umaga, Binibining Juana."




"Sa iyo rin, ginoo," ang ngiti sa kaniyang labi ay napalitan ng pangamba, "K-kumusta na pala si Donya Florencia? Ilang araw rin ang nakalipas simula noong huli ko siyang nasilayan."



"Maayos naman ang kaniyang kalagayan, Binibining Juana," sagot ng kapatid kong si Stella na hindi ko namalayang nasa aking likuran.




Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Binibining Juana nang siya'y tumugon, "Mabuti kung ganoon. Nawa'y magtuloy-tuloy na ang kaniyang paggaling."




"Heneral Guevarra!" ang matinis na boses na iyon ay mula sa ina ni Binibining Juana na si Donya Gerardo.



Nakaupo ito katabi ng kaniyang asawa na si Don Gerardo na siya ring Gobernadorcillo ng San Fernando. Sa kanilang tapat ay naroon sina Padre Dencio, Tandang Dante, Ginoong Pablo, at Tinyente Ismael.




Alapaap | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon