KABANATA 20: Balita

8K 181 19
                                    

Tirik na ang sikat ng araw noong ako'y magising. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid ngunit hindi ko mahagilap ang ginoo. Gayumpaman, nakasisiguro akong naririto pa rin siya sa isla sapagkat kasalukuyan kong suot ang kanyang barong.




Nang umalboroto ang aking tiyan sa gutom ay doon lamang ako humayo upang hanapin siya. Ang nakakahalinang huni ng mga ibon at maaliwalas na simoy ng hangin ang bumungad sa akin nang tuluyan akong makalabas ng kuweba.





Tunay nga kayang mayroong mababangis na hayop sa islang ito?





Nagsimula kong suyudin ang gitna ng kagubatan habang hawak ang isang sibat na akin ring natagpuan sa paglalakbay. Sa tuwing mayroong kakaibang huni akong naririnig, ay napapaigtad ako. Bukod sa mga mababangis na hayop ay nag-aalala rin ako sa pagguho ng lupa sapagkat napakalakas ng ulan noong gabi.




Matapos ang nakakapagod na paghahanap ay narating ko ang nakabibighaning anyong tubig na nagmumula sa mataas na bahagi ng bundok. Walang duda na napakayaman ng tagong islang ito sa naipagkaloob ng kalikasan.





"Aking sinta!" ang malalim na tinig na iyon ay nagmula sa lalaking namamanglaw sa talon.





Malayo man ang distansiya ng ginoo mula sa aking kinatatayuan ay napakalinaw sa akin ang matamis niyang ngiti. Hindi ko lubos maisip kung bakit isang ngiti niya lamang ay naglaho na ng agaran ang aking pangamba.





Kumaway ang ginoo upang kuhanin ang aking atensiyon, "Aking sinta, halika't samahan mo akong magtampisaw."





Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga nang malalim. Pilit pinoproseso ng aking utak ang kanyang sinabi, ngunit hindi ko magawang tumugon sapagkat muli akong binagabag ng aking pagtatapat.




Te amo, Ryannel. . .




Yo también te amo, Javier. . .





"Ibig ba sabihin nito'y kasintahan ko na ang ginoo?" mahina kong wika habang kagat ang aking kuko.




"Aking sinta, maayos ba ang iyong pakiramdam?" ani ginoo at hinaplos ang aking pisngi.





Hinawakan ko ang kanyang kamay upang ilayo iyon sa akin, "M-maayos naman ako, ginoo."





Nagitla ako sa kung paano niya nagawang makapunta sa aking harapan nang hindi ko namamalayan. Buhat ng pagtatampisaw niya sa talon ay tumutulo pa ang mga butil ng tubig na nagmumula sa kanyang kulay gintong buhok, pababa sa matipuno at hubad niyang katawan na ngayon ay tumatambad sa akin sapagkat suot ko ang kanyang barong.





Gamit ang kanyang daliri ay iwinaksi niya ang aking buhok na tumatakip sa aking mata, "Hindi ko lubos maisip na ang makita kang suot ang aking kasuotan ang bubuo ng aking araw, sinta."




Kagaya niya'y sinuklay ko ang kanyang basang buhok gamit ang aking kamay, "Pakiramdam ko'y naging buo na rin ang aking araw nang makita kang walang kasuotan, aking ginoo."




Lumaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang binigkas ng aking makasalanang bibig. Para akong binuhusan nang malamig na tubig at kung magkakaroon ako ng kakayahang baguhin ang aking sinabi, ay hindi ako magdadalawang-isip.




"Hindi ko akalaing mayroong kang tinatagong pagnanasa sa akin, aking sinta," ang mukha ng ginoo ay sadyang mapaglaro.




Alapaap | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon