Chapter Six

193 34 0
                                    

"Sinasabi ko sayo bro, dito nakatira yung bata!" Nanlaki ang mata ko ng marinig yung boses ni Dyson sa labas ng pintuan. Umiling iling si Veyra at sinabing wag buksan ang pintuan.

Napaigtad ako nang may malakas na kumatok sa pintuan.

Hinila ko yung dalawa sa loob ng kwarto ko. Napatingin sa amin si Aera at hindi kami pinansin nagpatuloy lang ito sa paglalaro.

"Hintayin na lang natin na makaalis sila." Suggest ni Ashna na kinakabahan na rin.

"Sabihin na nating aalis sila, pero naisip nyu ba na baka bumalik balik sila dito para icheck kung kaninong anak si Aera." Inis kong sabi. Stress na umupo ako sa kama at tinignan ang dalawa.

"Babantayan ko si Alius, tapos babantayan ni Veyra si Dyson." Napataas ako ng kilay at hinihintay ang kadugtong nito pero wala na.

"How about Karic?" Tanong ko. Napasimangot si Ashna at umupo sa tabi ko.

"Hindi ko alam, eh ang sungit sungit nun." Nakasimangot na sabi nito.

"Busy naman si Karic girl, siguradong di na babalik yan dito." Sabi ni Veyra at umupo rin sa tabi ko.

"You know what i mean." Sabi nito at tumingin kay Ashna. Wala sa sariling napatingin ako sa batok ni Veyra at nakita rin yung tatoo. Required bang magkaroon ng tatoo sa pamilyang Williams?

"Mama may tao po sa labas." Nagulat ako ng makitang nasa pintuan na si Aera at sumisilip sa labas. Agad kong kinuha ito at binalik sa pinaglalaruan nito.

"Wag mo silang pansinin baby."
"Bakit ayaw nyu po silang kausapin? Bad guys ba sila?" Tanong nito na may kaba sa mukha.

"Of course not! Kasi..... ahm... ah may utang si Mama, malaking bayarin baby. Walang pera si mama ngayon kaya hindi ko sila pwedeng pagbuksan." Pagdadahilan ko dito. Napakunot noo ito at saka tumingin kina Ashna.

"They have lots of money Mama..... ask them." Bulong nito sa akin na ikinatawa ko.

"No baby di pwede yun." Napatango ito at bumalik na ulit sa paglalaro.

Ilang oras kaming naghintay bago lumabas para makasigurong wala na talaga sila.

"Uyy Zertyl nandyan ka pala sa loob." Napatingin ako kay Aling Rosa na nakatura sa kabila. "May naghahanap sa inyo dyan kanina. Naku ang gagwapo! Sayang di mo nakita. Ang sabi ko kasi walang tao dyan, kasi nasa trabaho ka, yun pala nandyan ka sa loob, tulog ka pa ata." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Aling Rosa.

"May mga tinanong ba sila?" Tanong ko.

"Ahy oo! Nagtanong kung may bata ba dyan sa loob, tapos kung may nagbibisita bang dalawang babae dyan." Oh my god!

"Ano pong sinagot nyu?" Tanong ko
"Oo syempre." Napangiwi ako at agad na nagpaalam dito at pumasok sa loob.

"Umalis na kayo at wag na muna kayong bumalik dito." Nanlaki ang mga mata ni Ashna

"That's not fair! Paano ko makikita ulit si Aera?"

"Problema mo na yun. Alis na!" Tinulak ko ang mga ito palabas.

Nang makaalis ang mga ito, nagluto ako ng adobo para sa tanghalian.

"Mama...." napangiti ako ng makita si Aera na lumabas ng kwarto at pinuntahan ako sa kusina. May inaabot itong cellphone sa akin. "May tumawag po, babae tapos sabi nya may flowers daw pong pinadala para sayo." Agad na kinuha ko dito ang cellphone ko at nakitang nagtext si Sany.

Hoy! Bakit ka absent ngayon? May flowers ka dito gaga... O M G galing pa kay sir Karic! Pinagpepyestahan na rito ng mga marites ang bulaklak, sunflower pa to hahahaha........

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now