Chapter Thirty Eight

107 21 0
                                    


Hindi ko alam kung anong nangyare at bigla na lang nawalan ng tao sa bahay. Nablanko na rin ang isip ko at nakalimutan ko ng hanapin si Karic. Nakatulala lang ako sa loob ng kwarto at hinihintay na bumalik si Karic. Napaigtad ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Napabuntong hininga ako ng unknown number na naman iyon.

Uh oh! Naningkit ang mata ko dahil yun alng text nito pero tumunog ulit ito at nakitang picture ang sinend nito kaya binuksan ko iyon. Agad kong nabitawan ang phone ko ng makita yung picture.

Nanginig ang kamay ko at unti unting tumula ang luha ko. It's a picture of Karic kissing someone at mukhang nasa bar ito dahil sa background.

Napahilamos ako ng mukha at sinabunotan ang sarili ko.

"Fuck you! Akala ko ba mahal mo ako!?" Sigaw ko at tinapon ng malakas yung phone ko.

No stop it Zertyl kumalma ka. Hindi sya nagtagumpay sa mga edits nya tungkol sa akin kaya si Karic naman ang ginagawan nya ngayon.

"That's right hindi totoo ang picture na ito." Kumbinsi ko sa sarili ko kahit na hirap paniwalaan dahil parehong pareho ang suot ni Karic ngayon at sa picture.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko, pupuntahan ko sya at sisiguraduhing hindi totoo ang picture na yun.

"Manang si Papa po?" Tanong ko sa katulong dahil kailangan kong magpaalam sa kanya bago umalis at baka hanapin ako ni Aera kapag nagising.

"Ah nasa kwarto nya po Mam kasama si Madam." Napakunot noo ako sa sinabi nito at agad na tumungo sa kwarto ni Papa.

"Tangina! Iniwan ko ang lahat sayo! Ang kompanya tinalikuran ko pati ang sarili kong mga magulang para lang sayo pero umalis ka rin."

"K-kai hindi mo kasi naiintindihan may Agency ang pamilya ko—"

"Alam ko! Magkalaban ang pamilya natin kaya tumalikod ako diba? Iniwan ko ang lahat para makasama ka mas pinili kita at sana ganun rin ang ginawa mo pero putangina hindi mo kayang talikuran—"

"Dahil hindi madali Kai! They are my parents and i have a fucking responsibility. I just can't leave them just because—

"Because of what? Because of me? So hindi mo ako minahal sa loob ng sampung taon." Nanghihinang sambit ni Papa.

"No! I love you but i also have my dreams Kai you know that ang sabi ko uunahin ko muna iyon para magiging stable yung future ni Karic bago ko talikuran ang mga magulang ko pero masyado kang nagmamadali." Napatakip ako ng bibig sa narinig.

"Karic?"

"Yes Kai, I don't know why you are here but you don't know that you're already living with your son." Napaatras ako at nanghina ang mga tuhod ko.

No! Please hindi totoo ang narinig ko. Ilang beses na umiling ako habang nanginginig na umakyat sa taas.

Dumiretso ako sa kwarto ni Aera at umiiyak na tinabihan ang anak ko.

Anong ibig sabihin nito? Anak ni Papa si Karic ibig sabihin magkapatid kami? Hindi pwede nakakadiri, hindi pwede to. Ano na lang ang sasabihin ng iba na ang magkapatid nagkaroon ng anak? Ayokong malaman ng iba, hindi pwede to. Kailangan kong lumayo at ilayo ang anak ko rito.

Tumayo ako at kinuha ang lahat ng gamit ni Aera. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinapasok ang mga damit ni Aera sa bag.

Para akong mababaliw sa isiping kapatid ko si Karic. Hindi pwede kasalanan iyon, nakakadiri. Nandidiri ako sa sarili ko.

Napasabunot ako sa sarili ko at parang baliw na napaupo habang umiiyak.

"Mama...." Napaangat ako ng tingin at naawang tinignan ang anak ko.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now