Chapter Fourteen

189 29 0
                                    

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanila na chinecheck ang mga gamit na dadalhin.  Dalawang van pa nga gagamitin at di ko alam kung bakit punong puno ng gamit yung isa.

Pink lahat ng van para hindi matakot si Aera na sumakay dito, ideya yun ni Ashna.

"Okay everything's clear!" Sigaw ni Ashna at pumalakpak pa talaga na sinundan naman ng anak ko.

"Mama let's go." Hinatak ako ni Aera papasok sa loob ng van. "Saan tayo pupunta?" I tried to ask again but Ashna just smirk at me and shook her head. She really doesn't want to tell me the location.

"Ano si Rius lang yung tao sa isang van?" Tanong ni Veyra ng makapasok ito.

"Pabayaan mo na mas gusto nyang walang kasama, buti nga at sumama pa yun eh." Sagot ni Dyson. Napatingin ako kay Ashna para tingnan ang reaction nito pero parang wala naman itong pakialam, nakikiagaw pa ng pagkain kay Alius.

"Anak ng hindi ka pa kumakain ng breakfast!" Inis na sabi ni Alius at nilayo yung Nova kay Ashna.

"Oh tapos? Bawal kumain ng junkfoods kapag hindi nakapagbreakfast?" Masungit nitong sabi at inagaw kay Alius yung Nova.

"Sasakit po tyan nyu." Sabat ni Aera na nakakandong sa ama nito na wala ring pakialam sa mga kasama namin dito.

"Narinig mo yun? Mabuti pa yung bata may alam." Napangiwi ako ng hinampas ni Ashna sa balikat si Alius gamit ang bag nito.

"Fuck! Pinagsasabihan ka lang eh." Nakasimangot na sabi ni Alius at umayos ng upo. Wala na itong nagawa ng inubos na ni Ashna yung Nova.

Napatingin ako kay Karic ng maramdaman ang kamay nito sa bewang ko.

"You can sleep babe mahaba pa ang byahe." Sabi nito at nagnakaw ng halik sa labi ko. Napatakip naman ng mata si Aera pero nakangisi naman ito. Sinamaan ko ng tingin si Karic at inalis ang kamay nito.

"Aera sit here, matagal daw yung byahe baka mamanhid ang paa ni Daddy." Narinig kong nabulunan si Veyra at natawa naman si Ashna.

"Daddy." Ashna said in her annoying voice. Napairap ako sa hangin, ano na naman ang problema nila?

"It's okay you can sit here." Nakangising sabi ni Karic na nakatingin sa akin.

Gosh parang yun lang? Masyado naman atang big deal sa kanila iyon? Daddy lang naman, kasi yun yung tawag ni Aera kay Karic anong problema doon?

"Love you." Napalayo ako ng konti kay Karic ng bigla na lang ito bumulong sa tenga ko. Hinalikan ako nito sa sentido at saka umayos ng upo.

"Uy Alius palit tayo mamaya ah." Sabi ni Dyson ng paandarin na nito ang van. Hindi sumagot si Alius kaya napalingon ako rito at nakitang nakapikit na ito.

"Anak ng! Hindi pa nga tayo umaalis eh." Rinig kong reklamo ni Veyra na nilingon rin si Alius.

"Do you want to sleep?" Umiling ako dahil hindi pa naman ako inaantok. Si Aera tahimik lang na kumakain ng sandwich na pinabaon pa ni papa.

"Daddy." Sinubuan nito si Karic ng sandwich, pagkatapos kumagat ni Karic sa akin naman nito sinubo. Napangiti ako at kumagat. Pinisil ko ang pisngi nito kaya napangiti ito.

"Daddy water." Agad na naghanap ng tubig si Karic at binigay iyon kay Aera.

"Tumataba kana baby you've been eating a lot......." napanguso ito pagkatapos uminom ng tubig.

"That's okay she can eat whatever she wants." Edi wow magsasalita pa sana ako eh.

Pumikit ako at baka makatulog ako dahil kulang ako ng tulog kagabi. Pinakain ba naman ng chocolate ni Karic si Aera kagabi kaya ayun hindi ako nakatulog sa kulit nito.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now