Chapter Thirty Nine

133 24 0
                                    

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat kung maramdaman sa oras na to. Gusto ko syang paalisin pero masaya akong nandito sya parang anytime ay gagaling ako kapag manatili pa sya dito.

Hindi ito umiimik habang inaalagaan ako. Nakatulog ulit ako at hapon na ng magising.

"Tumahimik nga kayo ako na! Ako ang kakausap sa kanya!" Napakunot noo ako ng marinig ang boses ni Ashna sa labas ng kwarto.

"Bakit ikaw? Pabida ka na naman." May narinig akong bagay na natumba at ilang beses na mura.

"Ang tagal ni Karic eh! Ilang araw na syang walang tulog sa kakahanap kay Zertyl tapos ngayon nakita na nya ayaw naman makipag usap!" Ramdam ko na ang inis ni Ashna ngayon.

"Hindi ba pwedeng magtampo yung tao? Kasi hindi nya nagawa iyon ng ilang araw, yang si Zertyl naman kasi konting impormasyon lang ang marinig aalis agad! Bigla na lang mawawala naku kapag nagising talaga yan makakatikim sa akin yan." Napataas ako ng kilay dahil alam kong si Alius iyon.

"Tumahimik ka riyan hindi mo kasi naiintindihan si Zertyl isipin mo ngang magkapatid kayo ni Ashna tapos nagkaanak kayo hindi ka ba mandidiri bobo ka!" Alam na nila?

"Bakit ako na naman!?" Hindi ko mapigilang matawa sa inis na sigaw ni Ashna. Mukhang narinig nila ang tawa dahil bigla silang natahimik.

"Zertyl oh god!" Bumukas ang pintuan at agad nila akong pinalibutan na parang nasa hospital ako at galing sa comatose ng ilang taon.

"Mama okay kana po?" Napangiti ako at inabot ang kamay ni Aera.

"Gaga ka! Alam mo bang delikado ang ginawa mo? Hindi mo man lang naisip ang bata sa tummy mo tapos ang taas taas pa ng lagnat mo, buti na lang matalino itong si maldita." Magsasalita na sana ako ng makita si Karic na kakapasok pa lang sa pintuan.

Natahimik silang lahat at nagkatinginan nagtulakan ito palabas at binitbit si Aera.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang noo ko. Napabuntong hininga ito at umupo sa tabi ko. Hahawakan sana nito ang kamay ko pero iniwas ko iyon.

"Alam mo na ba?" Nasasaktang tanong ko.
"Paano na lang kung nagpakasal agad tayo? Kasalanan iyon Karic."

"Idiot." Napaawang ang labi ko at di makapaniwalang tinignan ito.

"Do you really know him."

"Who?"

"Your father."

"Yes i know he is your father i heard them." Ngumiti ito at napailing.

"I know yaya teresa saw you, chismosa."

"What the fuck! Im not okay? Magpapaalam lang ako kay Papa ng gabing yun at hindi ko naman sinasadya na marinig ang sigawan nila i mean yung usapan nila. Kasalanan mo naman kung bakit ko narinig iyon dahil kung hindi sa picture hindi sana ako magpapaalam kay Papa na lalabas at pupuntahan ka!" Nawala ang ngiti nito at napatitig sa akin.

"Im sorry." No! Wag kang magsorry please dahil isa lang ang ibig sabihin nun, totoo ang picture.

"Don't overthink because I slap her after the kiss." Nanlaki ang mata ko at napaupo.

"Y-you what?"

"I know it's sound so gay but Im really mad at that time Im not thinking right and just want to kill people who wants to block my way. I am livid and almost rip her face." Seryoso? Kaya ba pinigilan nila ako Ashna na sundan sya.

"Y-yung babae kamusta na sya?"

"I don't know and i don't care about her."

"No i mean yung nagse-send sa akin mga pictures." Ngumiti ito sa akin pero nakakatakot ang ngiting iyon.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now