Final Chapter

260 29 1
                                    

"Congratulations!" Sigaw naming lahat ng makapasok si Ruan sa bahay galing sa graduation nya.

"Luh gagi kaya pala di ka sumama ate akala ko di ka masaya at proud sa akin eh!" Pagda-drama nito habang nanunubig ang mata. Natawa ako at nilapitan ito.

Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi nandiri pa ito at pabirong pinunasan ang pisngi kaya kinurot ko ito.

"Congrats tito Ruan! Kina and I have a gift for you!" Excited na sabi ni Aera at hinila si Ruan.

"Mamaya na anak let's celebrate muna." Pigil ko rito. Nakangiting binati ng lahat si Ruan. May pa party hat pa si Alius at sinuotan ng isa si Ruan na ikinasimangot nito.

"Magco-college ka na wag munang asawa huh!" Sigaw ni Zeryna habang kumakain ng lumpia.

"Girlfriend ate."

"Wag kang mag alala Zeryna wala namang papatol dyan!" Biro ni Alius.

"Aba magkamukhang magkamukha kami ni Ate ibig sabihin pangit si Ate ganun!?" Napailing na lang ako at inasikaso ang ibang bisita.

"Hindi ka nagdala ng mga kaibigan mo?" Tanong ko.

"Nahihiya silang pumasok sa mansyon ni Kuya Karic eh."

"Please don't. They are all welcome here." Nakangiting sabi ni Karic. Natawa ako sa reaction nina Dyson at Alius.

"Wag kang ngumiti bro baka mainlove ako." Nagsalubong ang kilay nito at tinignan ng masama si Alius.

"If you don't want me to spill something, shut up." Napatikhim naman si Alius at kinausap na lang si Ruan.

"Mama si Baby Zio gising na po!" Sigaw ni Aera habang pababa ng hagdan. Kasunod nito si Yaya Aren na karga na ang anak ko.

"Babe kunin mo." Utos ko kay Karic na agad namang sumunod.

"Next week two years old na si Baby Zio we should celebrate! What if we're gonna celebrate his birthday in an island?" Excited na tanong ni Ashna.

"I want a simple celebration, pinagbigyan ko na kayo nung first birthday nya." Sabi ko. Sisimangot sana ito pero ng makita nito si Baby Zio agad na napangiti ito.

"Gosh he's so cute talaga no? Bagay na bagay sila ni Aphro." Napangiwi ako sa sinabi nito. Talagang pinagtandem pa nya ang magkadugo.

"Seriously Ash?" Natawa lang ito at pumunta naman kay Veyra para kulitin si Aphro kapag kasi si Baby Zio ang kukulitin nya ay hindi man lang sya nginingitian. Mukhang dobleng kasungitan ang namana ng baby ko kay Karic.

Napayuko ako ng maramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko.

"What do you want baby?" Tanong ko rito at binuhat para umupo.

"Spag!" Malakas nitong sabi at nakangiting tinuro yung spaghettie." Ngumiti ako at nilagyan itong spag sa maliit na plato.

"Where's Zeryna baby?" Tanong ko rito. Napatingin ito sa akin pero hindi sumagot dahil busy ito sa pagkain nya. Malapit na rin syang mag-four. Naisipan kong isabay sa birthday ni Zio pero baka maling ideya iyon.

"Kaia may bebe girl!" Sigaw ni Ashna at pinisil sa magkabilang pisngi ang kapatid ko.

"Ate!" Masayang sambit nito at niyakap si Ashna. Close na close sila ni Ashna dahil halos si Ashna na ang nag-alaga noon kay Kaia dahil palaging wala si Zeryna dahil sa paghahanap kay Mama. Simula ng dumating ako sa buhay nila hindi na ulit nagpakita si Mama hindi ko alam kung alam na ba nyang bumalik na ako? Para syang si Hira hindi mahanap hanap.

Pinarenovate ni Papa yung business nya para malagyan ng coffee shop sa loob na para sa kanila ni Zeryna. Business nila iyon ni Ruan.

Napakurap ako dahil biglang nawala si Kaia at nakita ko na lang hila hila na ito ni Ashna palayo. Napailing na lang ako at inasikaso si Kina at Zya.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now