Chapter Twenty Eight

114 23 0
                                    

Hindi ko na inalam kung anong ginawa ni Karic sa mall at sa security na iyon. Nagpasalamat rin ako kay Rius at walang videos na naupload sa internet.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Karic ng humiga ito sa tabi ko.
"Yeah, wag mo ng sabihin kay Aera ang nangyare." Sabi ko at siniksik ang sarili kay Karic. Mahigpit ako nitong niyakap at hinalikan sa noo.

"Babe." Tawag ko rito at tumingala. Hinaplos nito ang pisngi ko at hinintay ang sasabihin ko.

"Nalaman mo ba kung sino ang babaeng nagnakaw ng kwintas?" Tanong ko. Umiling ito kaya napabuntong hininga ako.

"Biglang nawala yung record ng cctv but Rius can do something about that do you want me to investigate her." Agad na umiling ako.

"Wag na hayaan na natin sya, makakarma rin sya sa ginagawa nya." Sabi ko.

"Promise me Karic, wag mo na syang pakialaman ayokong malaman kung sino sya. Karma na ang bahala sa kanya."

"Okay, I promise." Napangiti ako at niyakap ito.

"Good night babe I love you kalimutan mo na ang nangyare. Don't stress yourself at baka buntis kana." Natawa ako at hinampas ito sa dibdib.

"Im on my pills Karic you can't impregnate me again." Sabi ko.

"Just hoping my luck." Bulong nito at natawa.

"I love you." Malambing nitong sabi at binigyan ako ng magaan na halik sa labi.

"I love you too... Let's sleep na." Sabi ko.


"Bakit ako yung napagbintangan ng security?" Napairap si Ashna at umismid.

"Lamest reason, same clothes and hair." Napaawang ang labi ko.

"Yun lang!?" Inis kong tanong.
"Hinahabol daw nila yung babae. You know nagbibigay sila ng instructions na ganito yung damit yung buhok yung sapatos sa mga guard para maharang ng mga guard kung sakaling makita nila."

"At si Zertyl ang napagkamalan how fuck up they are." Napabuntong hininga ako at napasandal sa sofa. Dahil sa nangyari kahapon ayaw ko na tuloy pumunta ng mall.

"Nakakainis na talaga! Hindi kaya may sumumpa sa akin na kapag tumapak ako ng mall may masamang mangyayare sa akin." Natawa si Veyra sa sinabi ko.

"It looks so real." Napatingin kami kay Ashna na busy sa phone nito.

"This bitch akala ko tumahimik na ang gaga at narealize nya kung gaano sya kapangit, pero pinalampas lang pala yung christmas." Napalipat ako ng upo at tumabi kay Ashna at nakitingin sa phone nito.

"What the hell!" Bulalas ni Veyra ng makita yung picture. Napakunot noo ako at kinuha yung phone ni Ashna.

Napaawang ang labi ko ng mazoom ko yung picture. "Is that the oldman in Aera's school right? Yung sinuntok ni Karic sa asalan." Sabi ni Veyra. Napahigpit ang hawak ko sa phone.

Halos masuka ako sa picture na iyon. I don't know kung sino ang babaeng yun pero inedit ang mukha at nilagay ang mukha ko. Nakakandong yung babae sa matanda at mukhang nasa loob ng club iyon.

"Don't worry walang maniniwala sa picture na iyan. You don't drink alcohol at hindi ka rin pumupunta ng club or bar." Sabi ni Ashna at kinuha yung phone.

"The edit looks so real." Komento ni Ashna na di maalis ang tingin sa picture.

"Sinong nagsend si Valusa ba? How did she know your phone number Ash. She's so creepy na huh. Psychopat ba sya? Hindi naman sa nangiinsulto ako huh, i'll just describe her. She's so ugly as in super. Mukhang sa angkan ng mga unggoy sya lang yung naging tao. Hindi ba sya tumitingin sa salamin?" Napakuyom ako ng kamao at pinapatay na ang babaeng yun sa isip ko.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now