Chapter Twenty Six

146 24 0
                                    

"Where's your boyfriend?" Nakangising tanong ni Ashna. Napairap ako dahil narinig nila kami ng oras na iyon. At hanggang ngayon hindi pa rin nila kami tinitigilan sa pagtukso.

"Umalis ka sa harapan ko Ash kung ayaw mong masapak kita." Tumawa lang ito pero hindi umalis.

"Ang galing December 24 talaga yung anniversary nyu." Sabi nito. Napairap ako

"I just said i love you but it doesn't mean na kami na."

"Oh come on Zertyl may anak na kayo at live in tapos ayaw mo pang magkaroon ng label ang relasyon nyu?"

"Ewan ko sayo." Natawa ulit ito at hinawakan ang mga sunflowers na nasa harapan namin.

"Saktong sakto yung place na pinagawan ni Karic ng sunflower garden kasi sobrang maaraw sa parte na to." Sabi nito.

"What are you doing here again? Kulang na lang magdala ka ng mga gamit mo dito at dito na tumira." Sabi ko. Ngumisi lang ito at hindi sumagot.

"Hinintay mo talaga yung christmas para sagutin yung i love you ni Karic no?" Napabuntong hininga ako dahil hindi pa iti tapos sa pantutukso.

"Dahil dun ko lang nareal—"

"No Zertyl." Seryosong sabi nito.
"Matagal na naming nakikita ang pagmamahal sa mata mo pero huli mo na ito tinanggap ng buo." Natahimik ako at di alam ang sasabihin.

"Thank you for loving my cousin Zertyl. You don't how crazy he is nung college pa lang tayo." Mahinang natawa ito.
"He's always stalking you at inalam nya lahat ng mga gusto mo. Lahat ng libro na binabasa mo sinubukan rin nyang basahin natatawa na lang ako kapag naalala ko si Karic noon." Napangiti ito ag napailing.

"I don't know kung alam mo bang sya ang nagbibigay sayo ng nga libro pero iba yung inuutusan nyang magbigay sayo." Napaawang ang labi ko, ibig sabihin sa kanya lahat nanggaling ang mga librong binibigay sa akin?

"Pero nung naging kayo? Ang sarap mong sabunotan kasi parang mas boyfriend mo pa yung mga libro mo kesa kay Karic. Minsan kapag nakakasalubong mo si Karic dedma ka lang kahit isang hi or simpleng ngiti wala." Napairap ito.

"Minsan nga bigla ka na lang umaalis ng hindi nagpapaalam tapos minsan nakakalimutan mo pang kasama mo si Karic." Inis nitong sabi.

"Should i say sorry?"
"Just love him or maybe marry him?" Natawa ako at napailing.

"Si Alius na lang." Nanlaki ang mata nito at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"What? Anong ibig sabihin mo? Gusto mong pakasalan si Alius?" Nanlaki ang mata ko at agad na hinampas ito.

"Gaga anong pinagsasabi mo dyan?" Natatawang tanong ko. Natawa ako ng malakas dahil iba ang pagkakaintindi niti sa sinabi ko.

"Ibig kong sabihin si Alius na lang ang hindi nagpro-propose sa akin para kay Karic. Kuya, Dyson and Veyra already did it." Natatawang sabi ko.

"They also told me na dapat magpakasal na kami ni Karic. Bakit ba nagmamadali kayo? Wala pang tatlong araw na naging kami—" napatigil ako ng biglang tumili si Ashna na parang kinikilig.

"Finally you admit it." Sabi nito at tinuro ang mukha ko. Nanlaki ang mata ko ng marealize ang sinasabi nito. Agad na napaiwas ako ng mukha.

"Oh god you're blushing! So cute hahaha..."

"Umalis ka na nga rito." Sabi ko at tinulak ito paalis.

"Bakit ba!? Gusto ko ring magstay dito eh ang ganda ng view at saka wala akong gagawin ngayon and don't worry I won't tease you again kasi satisfied na ako na inamin mo." Sabi nito at tumawa

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now