Chapter Thirty Six

110 23 0
                                    


Ilang araw ng di maganda ang relasyon namin ni Karic. Hindi kami makakapag usap ng maayos dahil ang bilis kong mainis, kapag galit sya mas magagalit ako at di ko sya papansinin.

"Anak." Isa pa tong si Papa palaging wala at simpleng tanong di ako masagot. Hindi ko ito pinansin at naglakad paalis.

Napatigil ako ng makita si Karic na may kausap sa garden na babae at isang matandang lalaki. Ang laki pa ng ngiti ng gago.

"Sino yan?" Masungit kong tanong ng makalapit ako.

"Mr. De Fuza this is my wife, Zertyl." Sabi nito sa matandang lalaki.

"Im not his wife." Sabat ko agad na ikinangisi ng babae.

"Yeah i can see that, no ring." Nanunuyang sabi nito. Lalapitan ko na sana ito ng pigilan ako ni Karic.

"And who are you? Another whore who wants to flirt with my boyfriend?" Napatikhim yung matandang lalaki at alanganing ngumiti.

"Zertyl." Malamig na banta ni Karic
"Excuse me Ms. Zertyl but this is my daughter Ariaha, She is one of the investor—"

"Hindi ko tinanong." Naramdaman ko agad ang pagpiga ni Karic sa braso ko.

"What the hell! That's fucking hurt!" Galit kong sigaw at marahas na kinuha ang braso ko at saka umalis.

Kaya ba nagbabago na sya dahil may nagugustuhan na syang iba? Noon wala naman syang pakialam sa mga babae ngayon kung makangiti wagas. Putangina nya! Magsama sila ng babae nya.

"Aera stop that. Go to your room and study." Napatigil naman ito sa paglalaro sa aso nya at napatingin sa akin.

"Hindi mo ba ako narinig!?"

"Mama...."

"Ano hindi ka susunod!?" Napatalon ito sa gulat ng sumigaw ako kaya mabilis itong umakyat sa taas.

"What the fuck!?" Galit na sabi ni Karic ng makita ang ginawa ko. Masama ang tingin nito sa akin at agad na sinundan ang anak. Napakuyom ako ng kamao at napaluha.

"Bwisit kung bakit kasi pinatulan ko ang pustahan na yun!" Inis kong sabi at pinunasan ang mga luha ko. Pumasok ako ng kwarto at nilock iyon.

"Who's that?" Napaigtad ako sa gulat at nalaglag yung phone ko kaya agad ko itong kinuha at nagpaalam na kay Sany.

"Pakialam mo." Sagot ko at aalis na sana ng pigilan ako nito sa braso.

"Ano ba!?" Sigaw ko. Nagulat ito sa lakas ng sigaw ko.

"What's wrong?" Mahinang tanong nito at hinaplos ang mukha ko. Marahas na tinampal ko iyon at umalis.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa babae ng makitang naghihintay pa iton sa sala. Pinagtaasan ako nito ng kilay at parang nang iinsulto na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Naghahanap ka ba ng parte kung saan ka makakalamang?" Sarkastikong tumawa ito at umismid.

"Idaan na lang sa tawa no? Kasi alam mong di ka makakalamang. Maganda ka naman kung hindi moko katabi." Pang iinsulto ko rito.

"You insolent bitch! Anong pinagmamalaki mo? Yang ganda mong galing sa basurahan? If i know sa squatter ka naman lumaki." Isang matunog na sampal ang binigay ko sa pisngi nitong punong puno ng cosmetics.

"Zertyl!" Agad na umiyak ang babae at nagpapaawang tumingin kay Karic.

"What the fuck did you do?" Galit nitong tanong at dinaluhan yung babae.

"Sinampal ko nakita mo naman diba? Ano magagalit ka? Pagagalitan mo ko without asking me kung bakit ko ginawa iyon? Ano!? Sigawan moko pagalitan moko!" Galit kong sigaw at napaluha.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now