Chapter Twenty One

138 32 0
                                    


It's been two weeks at busy ang lahat sa di ko alam na dahilan. Noon halos dito na tumira sina Ashna at Veyra pero noong nakaraang linggo di na nakapagbisita ang magkapatid.

"Mama where's Daddy?" Napatingin ako kay Aera at sa Teacher nito. Nagpaalam itong aalis na kaya nginitian ko ito at hinatid sa gate. Next week wala na silang klase dahil uuwi pa sa probinsya yung Teacher nya.

"Magbihis kana anak." Sabi ko rito. Since wala na rin naman itong klase sa hapon dahil lumipad ng maaga sa ibang bansa yung Teacher nya sa taekwondo.

"Punta po tayo kay Lolo, Mama!?" Sigaw nito habang papaakyat. Hindi ako sumagot at hinanda na yung pinapadala ni papa doon, kung bakit kasi di na lang nya dinala kanina. Mga simpleng regalo lang iyon na ibibigay nya sa mga bata.

Napataas ako ng kilay ng makita si Ashna na papasok ng salas. Ngumiti ito ng makita ako at kumaway.

"Zertyl! Oh my god I miss you...!" Niyakap ako nito ng mahigpit ng makalapit sa akin.

"Gosh Im so stress sa sunod sunod na mission. Mas lalo akong nastress doon sa illegal na club, isang babae lang naman yung mission namin doon but we ended up saving them all, well okay na rin yun." Sunod sunod nitong reklamo at pabagsak na naupo sa sofa.

"Parang nakita pa nga kita eh, kaso nagkagulo na at di kita nalapitan."

"What!? Pinagsasabi mo dyan? Gaga anong gagawin ko sa club!?"

"Yun na nga, pero di naman ako sure kasi di ko naman nakita ng mabuti kasi nga hindi naman sobrang liwanag doon at magulo na kaya di ko makita ng mabuti."

"Where are you going?" Tanong nito ng makitang nakabihis panga alis ako.

"Kay Papa dadalhin ko tong mga gifts nya sa mga bata." Nanlaki ang mata nito at napatakip ng bibig na parang may naalala.

"December....?"

"December 7 ngayon kung yan ang tinatanong mo." Sagot ko

"Oh god we haven't visit the Asylum." Oa nitong sabi.

"Next week na daw sabi ni Karic dahil wala ng klase si Aera nun, gusto daw nya kasing sumama." Napatango ito.

"Maldita....!" Nanlaki ang mata ni Aera at napangiti ng makita si Ashna.

"Tita!" Sigaw nito at tumakbo palapit kay Ashna.

"Hindi ka na po nagvivisit dito, Why?" Napasimangot si Ashna at may binulong sa anak ko.

Hinayaan ko na muna silang magbonding doon at gumawa ng sandwich para dalhin doon. Pagkatapos ko pumunta na kami roon at sumama si Ashna sa amin dahil wala na daw syang gagawin.

"Bakit di ka na lang magpahinga muna kasi stress ka sa sunod sunod na mission nyu." Sabi ko.

"Magpapahinga? Saan? Sa bahay? At anong gagawin ko doon tutunganga buong maghapon?" Napairap ako at di na lang nagsalita. Magpapahinga nga eh.

"Lolo!" Sigaw ni Aera ng makarating kami. Tumakbo ito kay Papa at nagpabuhat.

"Anak ng! Napakabigat mo na." Reklamo ni Papa at binaba agad si Aera.

"Because you're getting old lolo." Naningkit ang mata ni papa at pinisil ang magkabilang pisngi ni Aera.

"Lumalaki kana kasi. O tignan mo yang pisngi mo siopao kana." Napahagikgik si Aera at tumakbo sa loob ng kids station pero lumabas rin agad.

"Lolo may vacant pa po?" Tanong nito habang nakasilip sa loob.

"Kung para sayo wala na. Mangungutang ka lang ng time eh, malulugi ako sayo." Sabi ni papa pero hinila pa rin ito ni papa sa loob at nakita kong inasikaso nito ang bakanteng computer para kay Aera.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now