Chapter Thirty Five

107 22 0
                                    

Nagising ako na mukha agad ni Karic ang bumungad sa akin. Nakaangat ang katawan nito habang nakatukod ang siko sa unan nito. Titig na titig ito sa akin at ayaw pakawalan sa paningin nya.

"What?" Paos kong sabi. Ngumiti ito at inayos ang buhok ko papunta sa gilid at saka ako hinalikan sa noo, sa tungki ng ilong ko at sa labi ko.

"Hindi pa ako nakakapagtoothbrush." Nahihiyang sabi ko. Ngumiti lang ito at humiga sa dibdib ko.

"Your boobs are much more bigger than hers." Napakunot noo ako sa sinabi nito kaya tinulak ko ito ng mahina pero niyakap ako nito ng mahigpit at binaon ang mukha sa leeg ko.

"She's texting you right?"

"Who?" Tanong ko. Gusto ko na sanang bumangon pero ayaw namn nitong umalis sa ibabaw ko.

"That girl." Nag angat ito ng tingin at nakipagtitigan sa akin. Ilang inches lang ang layo ng mga mukha namin kaya napatakip ako ng bibig.

Tinulak ko ito ng malakas at tumakbo sa banyo. Narinig ko pang tumawa ito at sinundan ako sa loob.

"You don't even have a bad breath babe. I've been kissing you a lot of times when you're still sleeping." Binilisan ko ang pagto-toothbrush at naghilamos. Pinapanood lang ako nito hanggang makatapos ako.

"Ano ba? Bakit sunod ng sunod ka sa akin?" Tanong ko. Dahil pati sa pag aayos ng buhok ko sa harap ng salamin nasa tabi ko pa rin sya.

"Nothing." Napakunot noo ako at humarap dito. Nakasandal ito ng patagilid habang nakatingin sa akin.

"What happened last night?" Tanong ko. Tumikhim ito at napaayos ng tayo at saka umiling.

"Its nothing, come on let's have a date today." Sabi nito at lumabas ng kwarto para siguro puntahan ang anak.

He cried last night and now its nothing? Ano yun? Trip lang nyang magdrama at umiyak na parang mawawala ako sa kanya.

Ikaw lang ang paniniwalaan ko. Ano ang ibig sabihin nya? Matagal akong napatitig sa salamin at iniisip kung ano ang posibleng nangyare sa inuman nila kagabi. Should i ask Ashna or Veyra?

Wala sa sariling napatingin ako sa cellphone ni Karic. Napatingin ako sa pintuan bago binuksan ang cellphone ni Karic pero wala naman akong nakita na message ng bruha. Did he delete it already? Lahat ng accounts nito binuksan ko pero wala akong nakita doon.

"Babe."

"Ay babe!" Gulat kong sigaw at nabitawan ang cellphone niya. Napakunot noo ito at lumapit sa akin, kinuha nito ang phone sa sahig at nagtatanong na tumingin sa akin.

"Don't give me that kind of look babe. Im curious as hell to what happened last night. Bakit ayaw mong sabihin sa akin. Your words, bakit parang kinokompara mo ako sa iba. Bakit mo sinabing ako lang ang paniniwalaan mo?".

"Its nothing." Napakuyom ako ng kamay at sinamaan ito ng tingin.

"If you don't want to tell me what happened you will be sleeping outside—"

"And why would i do that? This is my house."

"And so?" Pinagtaasan ko ito ng kilay.

"Sinasabi mo bang wala akong karapatan sa bahay na to?" Mas lalong lumalim ang ang kunot ng noo nito.

"Of course not. It's just a video, an edited video and its nothing."

Should i ready your divorce paper now?

"W-what video?" Umiling ito at hinaplos ang pisngi ko.

"Don't worry about it." Bulong nito at hinalikan ako. Napakapit ako sa batok nya ng buhatin ako nito.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now