Chapter Thirty Seven

116 22 0
                                    

"Good morning Happy birthday babe."
"HAPPY BIRTHDAY DADDY!" Umakyat si Aera sa kama at pumatong sa itaas ni Karic. Ngumiti ito kahit na hindi pa ito nagmumulat ng mata.

"Daddy wake up, open your eyes na get up get up blow the candle!" Excited na sabi ni Aera at pinipilit na minumulat ng kamay nya ang talukap ng mata ni Karic.

"Aera stop that, umalis ka dyan para makabangon si Daddy." Napanguso ito at umalis sa ibabaw ni Karic.

"Happy birthday Babe." Nakangiting bati ko rito ng makabangon na ito. Ngumiti ito at hinipan ang kandila na nasa ibabaw ng cake na dala dala ko.

"Yucks! Hindi ka pa nagwa-wash ng mouth mo Daddy!" Natawa ako at nilapag ang cake sa bedside table.

"Really? Do i have a bad breath?"

"Noooo....! Stop it!" Maarteng sigaw ng anak ko ng paulanan ito ng halik ni Karic sa pisngi. Napahagikgik ito ng kilitiin ito ni Karic.

Lumabas na kaming tatlo sa kwarto at agad ko nakita sina Ashna na tumutulong sa pagdedecorate sa bahay. Gusto ni Karic na simpleng dinner lang pero makulit sina Ashna at ilang araw na nagplano para sa birthday ni Karic pero sa huli simpleng handaan lang at close friends lang ang pupunta which is sila lang rin naman.

"Hindi ba tumawag Mommy mo ngayon?" Nag alalang tanong ko, di ba sya nalulungkot at wala sila masyadong communication ng Mommy nya lalo na ngayon na birthday nya.

"She's gonna send me gifts later or tomorrow but I'll try to call her tonight." Nakangiting sagot nito at inakbayan ako.

Naging busy kami buing umaga sa paghahanda ng birthday ni Karic at yung may birthday walang pakialam at nakikipaglaro lang sa anak.

"Im so happy talaga na pumayag si Karic i-celebrate ang birthday nya ngayon. He really hates parties kasi." Napatigil ako dahil ngayon ko lang nalaman iyon.

"Talaga? Pareho pala sila ni Papa pero pumunta naman si Karic nung birthday ni Dyson at mukhang di naman sya napilitan."

"Kasi kasama ka—" Sabay kaming napalingon ng marinig ang matinis na tili ni Aera na parang takot na takot pero hinahabol lang naman ito ng Ama.

"Anak ng tupa akala ko bumbero na." Sabi ni Alius na lumabas pa ng bahay para tignan kung anong ingay ang narinig nila. Nasa garden kami ngayon dahil yun ang suggestion ni Aera na i-celebrate ang birthday ng Ama. Masaya akong wala ng bahid ng takot ngayon si Aera kapag nababanggit ang birthday mukhang nakalimutan na talaga nya ang nangyare.

"Bro tumulong ka naman! Hindi mo ba nakikita na nage-effort kami para sa birthday mo!?" Pagda-drama ni Alius na kanina pa pabalik balik sa loob ng bahay at dito sa labas.

"Pagdadala na nga lang ng pagkain sa labas ang trabaho mo nagrereklamo ka pa dyan." Masungit na sabi ni Veyra.

"Wag galitin ang buntis at baka masapak ka." Nakangising sabi ni Dyson na kakadating lang rin. Lumapit ito kay Veyra at nanglalambing na yumakap sa asawa.

Napaismid naman si Alius at nandidiring tumingin sa dalawa. "Bitter ka lang siguro Tito Alius kasi ayaw kang sagutin ni Tita Ashna kaya ganyan mukha mo." Natawa ako at pinisil ang pisngi ni Aera na di ko namalayang masa tabi ko na pala at kumukuha na ng shanghai na nirequest nitong lutuin dahil yun ang paborito nya.

"Anong mukha ba Baby?" Natatawang tanong ni Veyra.

"Mukhang naiingit po." Natawa kaming lahat except Ashna and Alius.

"Pati ba naman ikaw maldita shini-ship ako sa mukhang paa na to?"

"Ganda mo no?" Agad na sabi ni Alius pero mukhang pinagsisihan agad ang salitang lumabas sa bibig nito.

LIVING WITH MY EXحيث تعيش القصص. اكتشف الآن