Chapter Eighteen

141 28 0
                                    


Isang linggo na ang lumipas since nagcamp kami. Bumalik na rin si Aera sa pagiging makulit nito. Nandito kami ngayon sa Internet Cafe ni Papa nakikigulo. Lalo na si Aera naglalaro ito ng computer at nakikipagsagutan doon sa katabi nya.

"I told you. We shouldn't pick that game kasi we don't know how to play it. Bida bida ka kasi!" Napahilot ako ng sentido ng marinig na naman ang boses nito. Nakaopen yung pintuan kaya rinig na rinig ko ang ingay nila. Tama nga si papa maingay nga ang mga bata. Pero kahit anong ingay rinig na rinig ko pa rin ang malakas na boses ni Aera. Pero walang wala rin naman ang ingay dito sa ingay sa kabila.

Nang pumunta ako roon halos mabingi ako sa ingay ng mga teenager na mga lalaki na naglalaro ng computer games. Ibang iba naman doon sa library na tinatawag ni papa. Puro estudyante ang naroon at sobrang tahimik habang nagre-research ng mga kailangan nila.

"Tamaan mo! See napatay ka ulit. Pindutin mo kasi. Click it click it!" Parang naiimagine ko na ang stress nitong mukha habang magkatabi na naman ang mga kilay nito.

Nandito lang ako sa mini cafeteria ni Papa kumakain ng kung ano anong makita ko.

Sana naman di ito makipagsabunutan sa loob. Malapit na kaming i-ban ni papa nung unang araw na bisita namin dito eh. Hinampas ba naman ng upuan yung isang computer kaya nasira.

Ang sabi ko kay papa ibahin nya yung mga upuan na hindi mabuhat ng mga bata.

Hindi kasalanan ng mga upuan kung maldita at amazona yang apo ko. Napailing na lang ako ng maalala ang sagot nito.

"Sawadee kha." Napalingon ako sa pintuan at nakitang pumasok doon si Ashna.

"Galing ako sa bahay nyu at wala kayo doon. Lunes ngayon wala bang klase si maldita?" Tanong ni Ashna at tumabi sa akin. Inagaw nito ang burger ko at kinain iyon.

"May klase sya kaninang umaga pero ngayong hapon wala." Sagot ko

"Malapit na yung December, paskuhan na." Napatingin ako sa calendar na nakasabito sa wall ng cafeteria. November 21 na pala.

"Saan kayo magpapasko?" Tanong ni Ashna habang busy ito sa katext nito.

"Sa bahay lang. Ayokong pumunta sa kung saan saan. Mas maganda kapag salubungin yung bagong taon na nasa bahay ka." Sagot ko.

"Gaga pasko lang tinanong ko." Natawa ako at uminom ng tubig.

"Argh! Lolo your computer is broken! Game over palagi." Napalingon si Ashna ng marinig ang boses ni Aera. Napatingin ito sa akin at saka tumayo.

"Hindi ka lang marunong sinisisi mo pa yung computer ko." Nakita kong may inaayos ito sa pwesto ni Aera ng makapasok kami ni Ashna.

"Oh kita mo na wala namang problema." Napasimangot si Aera at umupo ulit ng makaalis si Papa.

"Maldita ano yan?" Tanong ni Ashna at lumapit dito. Pinalipat pa nya yung isang bata na katabi ni Aera at sya ang umupo doon.

Nakita kong tinuruan nito si Ashna kung paano maglaro kaya ang gaga nalibang doon. Napailing ako at lumapit sa pwesto ni Papa.

"Doing well Pa?" Napangiti at nagthumbs up sa akin.

"Ganda ng place eh, daming estudyante." Sagot nito

"Lolo yung time! Noooo....!" Nagpapadyak ito sa upuan ng mamatay yung screen.

"Thaeryxia." Seryosong sambit ko sa pangalan nito. Napanguso ito at umayos ng upo.

"Makarequest ka ng time dyan, di ka pa nagbabayad. Pera mo asan na?" Tanong ni Papa.

"I told you utang na muna kasi di pa ako nakakahingi kay Daddy." Nakasimangot nitong sabi. Napailing ako at tumayo na.

LIVING WITH MY EXΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα