Chapter Eight

189 38 0
                                    


I am so nervous habang papunta sa condo ni Karic. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko may sumusunod sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag ng makarating ako sa building pero parang gusto kong bumalik ng bahay ng makita ang nakakainis na pilyong ngiti ni Karic ng makapasok ako ng condo nya.

"Ang bilis gumaling ah!" Sabi ko ng makitang wala ng benda yung paa nya.

"Nakakalakad kana pala, babalik na ako." Biro ko at aalis na sana ng mabilis pa sa alas kwatro na nakarating ito sa akin at pinigilan ako.

"Morning." Malanding sabi nito at matagal na hinalikan ako sa pisngi.

"Karic! Kapag ginawa mo pa ulit iyon. I swear hinding hindi na ako babalik dito." Inis kong sabi at tinalikuran ito. Napakagat ako ng labi at pinigilan ang sariling ngumiti.

"Hubad!" Galit kong sabi at hinanda ang first aid kit nito.

"Damn! Why it's sound so hot babe?" Tiningnan ko ito ng masama kaya agad itong naghubad ng t-shirt.

"Should i undress this too?"
"Karic Dwayne Williams!" Stress kong sabi ng huhubarin rin sana nito ang pantalon.

Hindi ko alam pero hindi na ako naiilang sa mga titig nito habang nililinisan ko ang maliliit na mga sugat nito.

I gave him a warning look ng maramdaman ang mga kamay nito malapit sa bewang ko.

"Karic ano ba!" Inis kong binitawan yung bulak nang nagnakaw na naman ito ng halik malapit sa bibig ko.

"I'm sorry I can't help it." Napabuntong hininga ako at napayuko para itago ang namumulang mukha ko. Nagkunwaring naghanap ako ng mga gamit hanggang sa kumalma ako.

Maya maya naramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko kaya diniinan ko ang paglagay ng gamot sa sugat nito.

"Aw fuck babe!" Tinaasan ko ito kilay.
"Sinisigawan mo ba ako? At ilang ulit ko ng sabihin sayo na wag mokong tawaging babe."

"What do you want? Baby? Love? Mahal? Mine?"

"Is that my name?" Sarcastic kong tanong.
"For me yes." Nakangising sagot nito. Huminga ako ng malalim at nagfocus sa paglilinis ng sugat nito, hindi ko na pinansin ang mga pinanggagawa nito kahit na halos sumabog na ako.

"I like this better." Napatigil ako sa pagliligpit ng mga pinanggamit ko kanina at curious na napatingin kay Karic.

"I can flirt at you even you're not my girlfriend. Hindi katulad noon na parang kaibigan lang kita. You're always facing your book and sometimes nakakalimutan mong magkasama tayo at aalis ka ng hindi nagpapaalam. We never go on dates." Napaiwas ako ng tingin at di alam ang sasabihin.

Ganun ba ako dati? Parang sobra naman ata yun.

"I like this better, now."

"So hindi mo na ako kailangan maging girlfriend kasi ang sabi mo mas gusto mo yung ganito. Madali akong kausap we can stay like this, forget about the label. I can deal with this kind of relationship." Nakangiting sabi ko na ikinaawang ng labi nito.

"W-what the fuck!"

"Talagang what the fuck! Matulog kana dyan dahil kailangan ko ng umalis."

"W-what? Won't you stay until afternoon?"

"Until afternoon? Ano ka sineswerte?"

"Babe." Tumayo ito at nilapitan ako.
"Mr. Williams yung mga kamay mo." Paalala ko dito pero hindi ito nakinig at nilagay ang mga kamay nito sa bewang ko.

"I'm always begging for your time, even before." Nagpapaawang sabi nito. Inalis ko ang kamay nito at tumingala dahil ang tangkad nito.

"I will stay here hanggang tanghali lang, is it okay?" Nakita kong lihim na ngumiti ito at saka binaon ang mukha nito sa leeg ko. Nanigas ako at parang malalagutan ako ng hininga sa lapit ng labi nito sa leeg ko. I can feel his breath.

LIVING WITH MY EXDove le storie prendono vita. Scoprilo ora