Chapter Thirty Three

105 22 0
                                    


Kinabukasan late na akong nagising dahil nga nagising ako ng madaling araw. Pagdilat ko ng mata wala na ang mag ama sa loob ng kwarto. Nagtoothbrush ako at naghilamos bago lumabas ng kwarto. Tinatali ko pa ang buhok ko  habang bumababa ng makita ko si Aera sa labas na nakikipaghabulan sa aso nito.

"Babe!?" Sigaw ko. Naningkit ang mata ko at agad na lumabas ng bahay.

"Aera stop that." Seryosong sabi ko. Napatigil naman ito at kinakabahang tumingin sa akin. 10 na ng umaga at dapat nasa klase sya ngayon pero mukhang pina-absent mo na sya ni Karic.

"Where's your dad?" Tanong ko.

"Im here why?" Tanong ni Karic na papalapit sa amin. Agad na hinampas ko ito ng malakas ng makalapit na sya.

"What?" Naguguluhang sabi nito.

"Gago ka ba? Alam mo namang nilagnat yan kagabi. Sabihin na nating okay na sya ngayon umaga pero hindi mo dapat pinalaro at pinatakbo at baka mabinat. I swear kapag bumalik ang lagnat nya mamaya lagot ka talaga sa akin." Sinamaan ko ito ng tingin at hinila si Aera sa loob ng bahay.

"Did you drink your vitamins yesterday?" Tanong ko habang nagti-timpla ng kape.

"N-no po Mama kasi wala si Yaya Aren." Sagot nito.

"Bakit dala dala ba ni yaya Aren mo ang vitamins mo palagi. You know kung what time kang umiinom ng vitamins mo. Malaki ka na anak you should know when to drink your vitamins eventhough na wala yung yaya mo." Inis kong sabi. Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa akin.

"Alam mo ba ang kasalanan mo huh?" Galit kong tanong. Napakagat ito ng labi at umiwas ng tingin nanunubig na ang mga mata.

"Babe wag muna." Sinamaan ko ng tingin si Karic na kakapasok lang sa dining room.

"Bakit di ka nakikinig kay Aren huh? Ilang beses ka nyang pinagsabihan kahapon pero matigas yang ulo mo tignan mo nilagnat ka kagabi. Pinapayagan kitang maligo sa ulan pero maligo ka rin kaagad sa banyo pero anong ginawa mo. Natuyo na yung damit mo sa kakalaro sa aso mo at nadapa—"

"Babe."

"Shut up. Kaya tumitigas yang ulo ng anak mo dahil kinakampihan mo palagi. Gusto mo pa atang magkasakit sya."

"What!? You know how worried i was last night babe. Why the hell are you saying that?" Umirap ako at iniwan ang mga ito pero tumigil ako at nilingon ang dalawa.

"Dahil sa ginawa mo bawal ka munang makipaglaro sa aso mo hanggang sa wala pa akong sinasabi and no chocolates for you for one month." Nanlaki ang mata nito.

"No Mama you promise me last night. Daddy!" Nagpapadyak ito sa inis kaya naningkit ang mata ko. Anong klaseng behaviour yan?

"Thaeryxia!" Napatigil ito at agad na yumakap sa ama. Napatikhim si Karic at binuhat ang anak. Wala rin naman syang magagawa. Iniwan ko ang mga ito at uminom ng kape sa garden sa likod.





"Malditaaaa....!" Muntik ko ng mabitawan yung pinggan ng marinig ko ang sigaw ni Ashna sa labas.

"Where's Zertyl?" Rinig kong tanong ni Veyra. Alam kong pupuntahan nila ako dito kaya binilisan ko yung paghugas ng pinggan.

"Seriously?" Pinagtaasan ko ng kilay si Ashna at nilagay yung last na pinggan at saka naghugas ng kamay.

"Bakit ka naghuhugas?" Tanong nito.
"Anong bakit? Gusto kong tumulong kasi wala naman akong ginagawa. Kahit magiging kasing yaman nyu na ako gagawa pa rin ako ng gawaing bahay."

"Oo na pinaparinggan mo lang kami eh but I know na how to cook nagpapaturo ako sayo remember?" Nakangiting sabi ni Veyra.

"Really? Bakit di ako kasama? At bakit kay Zertyl, pwede naman kay Tita Drina."

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now