Chapter Twenty Three

128 28 0
                                    


"Kasalanan mo yun gago!" Napatingin si Dyson sa akin na kakapasok pa lang sa opisina ni Karic.

"Ang alin putangina mo! Nasaan si Karic?" Tanong nito.

"Pinakidnap ko."

"Ulol kidnap? Ano yun bata? Lakas ng tama mo ngayon ano di ka ba nakascore kay Ash?" Nakangising sabi nito kaya binato ko ito ng ballpen na nakita ko lang sa table ni Karic.

"Yung kahapon gago, anong pinagsasabi mo kay Karic?" Ngumisi ito nagkibit balikat lang.

"Bro yan yung nanliligaw kay Zertyl diba? Gago nagpapadala yan ng bulaklak araw araw sa bahay nyu, sya rin yung pumilit sa asawa mo na pumasok sa rentang kotse nya." Natawa ito ng isa isahin ko yung mga sinabi nya kahapon.

"Gago akala ko susuntukin nya na lang bigla ng lumapit sya doon eh yun pala aayain lang umuwi si Zertyl." Napailing ako ng mas lalong tumawa ito.

"Tawang tawa ka dyan, hindi ba kayo naghiwalay ni Veyra?" Nakangising tanong ko. Napatigil ito at nawala ang ngisi sa mukha.

"Tangina hayaan mo na! Sanay na ko. Parang yun lang ang ginawa ko galit na galit naman agad."

"Gago malamang sulsulan mo ba naman si Karic sa harapan nilang dalawa nandun pa si babygirl, talagang magagalit yun." Napabuntong hininga ito at humiga doon sa sofa.

"Kung di ko lang mahal yun baka matagal ko ng iniwan yun. Ilang beses na atang nakipaghiwalay, hindi na nakakatuwa."

"Ang alin!?" Natawa ako ng malakas ng biglang pumasok si Veyra at agad na binato si Dyson ng bag nito.

"Tumayo ka dyan may pupuntahan tayo. Tangina mo kanina pa ako tawag ng tawag sayo. Ano ka babae, ako pa talaga ang nagsusundo sayo rito?" Napaiwas ako ng tingin ng lambingin ito ni Dyson.

Mga gago dito pa talaga naglandian.

"Bro sabihan mo si Karic babalik agad ako."

"Akala ko ba naghiwalay na kayo?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Veyra.

"Bakit bawal bang magsama ang mag ex?" Mataray nitong sabi at hinila palabas si Dyson. Napailing na lang ako at binuksan ang phone ko para may magawa naman ako sa buhay ko.

"Fuck ang pangit mo." Sambit ko sa mukhang tumambad pagbukas ko ng phone.

"But you're willing to give her the whole world." Agad na tinago ko yung phone ko at nginitian ko si Karic.

"Pinagsasabi mo? Si dyson nga pala papatayin ni Veyra ikaw na daw bahala sa kape at tinapay."

"Where's the report?" Tangina ang seryoso talaga nito hindi man lang ngumiti.

Ibibigay ko na sana ang report ng biglang bumukas yung pintuan at pumasok yung babaeng di naevolve ang mukha. Naiwan ata yung mukha nya sa kapanahunan ng mga unggoy. Hindi ata nakamove on.

"Oh my god! I can't believe na nandito na ako sa harapan mo." Napaawang ang labi ko ng bigla na lang itong lumapit at nilabas ang mga pagkain na nasa loob ng paper bag.

"Umorder ako ng marami kasi di ko pa alam ang mga gusto mo. You know wala pa tayo sa getting to know each other stage." Kinikilig nitong sabi.

"Naghintay ka ba ng matagal sa akin? Sorry busy ako sa kompanya ni dad kaya hindi agad ako naka—"

"Who are you?" Nabitin ang kamay nito sa paglabas ng pagkain at napatingin kay Karic.

"It's me Valusa!"
"Pfft.." napatakip ako ng bibig para pigilan ang tawa ko. Napatingin sa akin yung babae at nanlaki ang mata ko palihim ako nitong kinindatan at sinipa ng mahina ang binti ko.

LIVING WITH MY EXWhere stories live. Discover now