ROYAL AFFAIR 01

3.8K 43 1
                                    


Apollo

Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkailang habang naglalagay ng mga pagkain sa ibabaw ng isang mahabang lamesa.

Pakiramdam ko ay ano mang minuto ay matutumba ako dahil sa panghihina ng aking mga tuhod. Nakakapanghina naman kasi talagang tumingin iyong hari. Atsaka, bakit ba niya ako tinititigan? May kasalanan ba akong nagawa?

Nang matapos sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa ay tumungo na kami sa isang gilid, malapit lang sa kanila. Bale, mga sampung maid kami na nakahilera sa gilid. Naghihintay kami ng kanilang mga utos.

Nakayuko ako habang pinapakinggan ang tunog ng mga kubyertos hudyat na nagsisimula na silang kumain. Mamaya pa kami kakain ng tanghalian pagkatapos ng aming mga amo. Pero sa likod kaming mga maid sa palasyo ay sa kusina kumakain.

"Brother, what are your plans for your wedding with Princess Phoebe? You two has been engaged for almost two years. So, what are you both waiting for?" Rinig kong tanong ni Princess Serena. Ang bunsong kapatid ni King William. She's the one and only princess of the Anturias City. Nag-iisa lang kasi siyang anak na babae ng dating hari at reyna.

"You know what, Serena. I'm ready to marry your brother anytime, anywhere. Sa katunayan nga ay excited na akong makasal sa kaniya. It's just that your brother isn't ready yet." It was the voice of Princess Phoebe. She's the second princess of the Castillon Kingdom.

"Brother? Ayaw mo bang pakasalan si Princess Phoebe? She said that she's ready to get married to you. I can't wait na maging sister-in-law ko siya officially. I only want Princess Phoebe as your wife." Saad ni Princess Serena sa kaniyang nakatatandang kapatid.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nang marinig ang sinabi ni Princess Serena. Iwinaksi ko nalang iyon dahil hindi iyon tama.

Ba't naman ako masasaktan?

"I don't want to talk about this marriage thing, Serena. Not now." His cold baritone voice echoed in the four corners of the dining hall.

King Lincoln William. He is the sixth king of Anturias City after his father. He's blessed with physical looks. Magaling rin siya mamuno at nirerespeto siya ng mga tao sa paligid niya. But, he's ruthless and cold. And he's intimidating.

"But, Your Majesty. Your sister is right. We've been engaged for almost two years and yet we still didn't plan for our wedding." Sabi naman ni Princess Phoebe.

"Shut it, Phoebe. I'm not yet ready." King William coldly spat.

"What? But, why? You don't love me anymore?" It was Princess Phoebe. She sound disappointed because of what the king had said.

"I lost my appetite." King William uttered. Nasulyapan ko ang pagtayo niya at pag-alis sa dining hall. Dumapo naman ang tingin ko kay Princess Phoebe. Nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Don't worry, Sister Phoebe. My brother loves you. Siguro ay hindi pa siya ready sa ngayon. Pero sigurado ako na papakasalan ka niya." Princess Serena tried to comfort her with words of encouragement.

"Thank you, Serena." Princess Phoebe muttered.

••••

"Hi! You're Liyana, right?" Tanong ng isang boses. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang makitang si Prinsesa Serena pala ang kaharap ako.

Kasalukuyan akong nasa kwadra ng mga kabayo at nagpapaligo. Wala kasi ang dapat magpapaligo sa mga kabayo kaya ako ang inatasan dito. Nakasuot pa ako ng maid's uniform. It's a skirt type of uniform na hanggang kalahati ng hita ko ang haba.

Hindi ko alam kung bakit ito ang binigay sa akin na uniporme. It's too short compare to the others. Medyo hindi ako komportable pero hinayaan ko nalang.

"Your highness, ako nga po si Liyana." Magalang na sagot ko.

"Oh, I see. You're so beautiful. Hindi ako makapaniwala na isa ka sa mga maid ng palasyo. By the way, Liyana, do you know how to ride a horse?" Princess Serena asked.

"Uhm... m-medyo po." Nahihiyang sagot ko rito. Marunong naman akong magpatakbo ng kabayo dahil noong nasa probinsiya ako ay may alaga akong kabayo na bigay sakin ni Papa.

Malapad na ngumiti si Prinsesa Serena. "Great! Can you come with me then?"

"P-Po?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Gusto niya bang sumama ako sa kaniya?

"Pwede mo ba akong samahan mangabayo. Nakaalis na kasi si Princess Phoebe kanina. Niyaya ko siyang mangabayo kaya lang ay ipinapatawag siya ng kaniyang ama. So?"

"U-Uhm..." Nagda-dalawang isip ako kung sasamahan ko siya o hindi. Baka kasi pagalitan ako.

"If you're thinking na baka pagalitan ka ni Emma. Don't worry, Liyana. Ako ang bahala sayo. Sige na, Liya, samahan mo na ako," Princess Serena said.

Malalim akong bumuntong hininga at marahang tumango. Agad na lumawak ang ngiti sa kaniyang mukha bago nagtungo sa kwadra ng kaniyang kabayo.

"I'll let you use my brother's horse." Aniya nang mailabas ang kaniyang kabayo mula sa kwadra nito. Sunod naman ay nagtungo siya sa isa pang kwadra. Kinuha niya doon ang isang itim na kabayo.

"T-Teka... Your highness, baka mapagalitan ako ng mahal na hari kapag ginamit ko ang kabayo niya..." Kinakabahang saad ko.

Ayaw kong mapagalitan ako ng hari. Baka parusahan niya ako kapag nalaman niyang ginamit ko ang kabayo niya ng walang paalam.

"Don't worry, Liyana. Ako na ang bahala sa kapatid ko." Wika ni Princess Serena at inabot sakin ang tali ni Apollo.

Sinimulan nang sumakay ni Princess Serena sa sarili niyang kabayo, kulay white ang kaniya. At napansin ko rin na angkop sa pangangabayo ang kasuotan niya.

Bigla tuloy akong napatingin sa suot ko? Nakapalda ako at maiksi pa. Tama ba 'tong desisyon ko na samahan ang prinsesa? Pero ayaw kong magtampo siya sakin. At ito ang unang beses na kinausap niya ako.

"Liyana, let's go," Rinig kong aya ni Princess Serena.

"Pero nakapalda ako, Princess Serena..." I uttered.

"It's okay, Liyana. Tayo lang naman ang nandito." She said.

Napakagat labi ako bago sinulyapan si Apollo na nasa harapan ko. Natatakot ako na baka bigla siyang maging agresibo kapag sinakyan ko siya. Hindi niya kilala ang sasakay sa kaniya kaya posible nga iyon.

I sighed deeply before riding Apollo. Lihim akong nagpasalamat nang hindi siya nagwala nang makasakay ako sa kaniyang likod.

Napangiwi naman ako nang makita ang lantad kong hita. Maiksi kasi ang palda ko kaya mabilis na umangat ang laylayan nito.

"You're so hot riding my brother's horse, Liyana!" I felt my cheeks turned red when I heard Princess Serena's compliment.

"Let's go, just follow me," Anas ni Princess Serena at sinimulan nang patakbuhin ang kaniyang kabayo. Agad naman akong sumunod sa kaniya.

Kinakabahan ako at the same time ay na e-excite. Ngayon na lang ulit ako nakasakay ng kabayo simula no'ng nagtrabaho ako sa palasyo ng mga Farrington. Bigla ko tuloy namiss ang alaga kong kabayo sa probinsiya.

••••
06/11/22

The King's Little Maid Where stories live. Discover now