ROYAL AFFAIR 06

2.2K 32 0
                                    


The Royal Ball


I wiped my tears away. "P-Prince Cameron, marami pa po akong gagawin. Maraming salamat po sa kabaitan mo."

Hindi ko na hinintay pang magsalita ang prinsipe dahil agad akong tumalikod at nagtungo sa pinakalikod ng kusina.

Ngunit traydor ang aking mga luha dahil patuloy ito sa pagbagsak mula sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na iinsultuhin ako ng hari sa mismong harapan ng Prinsipe.

And how dare he to judged me that easily? Is it because I refused to submit myself to him kaya sinabihan niya ako ng mga masasakit na salita sa harapan ng prinsipe? Why is he so heartless? How dare he to call me gold digger? Ni kahit anong alahas sa palasyong 'to ay wala akong kinukuha o ninanakaw. Stealing never crossed my mind because that's not how my parents raised me. They never taught me to steal someone else's belongings.

Nang akusahan niya ako na isang gold digger parang sinabi na rin niya na nang gagamit ako ng ibang tao na nasa mataas na antas para lang umangat. Kung gano'n nga ako ay sana matagal ko ng ginawa, hindi sana ako nagsisilbi sa palasyong 'to bilang isang katulong.

"Liyana? Umiiyak ka ba?"

Mabilis kong pinunasan ang basang pisngi ko at nakangiting hinarap si Eris. Isa siya sa pinakabatang katulong na nagsisilbi dito sa palasyo, ka-edaran ko lang siya.

"H-Ha? Ah, wala 'to, Eris." Mabilis na tanggi ko.

"Wala? Pero maga ang mga mata mo. Namumula rin ang tungki ng ilong mo. 'Yan ba ang wala?" Dudang tanong ng aking kaharap.

Mas malapit ako kay Eris kaysa sa ibang katulong, siguro dahil parehas kami ng edad.

"Wala talaga 'to, Eris. Halika na't marami pa tayong gagawin sa likod ng kusina." Aya ko sa kaniya at para na rin hindi siya mag tanong pa.

She sighed and nodded. "Sige, tara na."

Sabay kaming nagtungo ni Eris sa likod ng kusina. Malaki at malawak sa likod dahil doon sinasagawa ang pagluluto sa t'wing may malaking pagtitipon.

"Alam mo ba, Liyana. May gaganaping malaking pagtitipon bukas ng gabi." Pagkukwento ni Eris habang nilalakad namin ang pasilyo patungong kusina.

"Talaga?" Kunwari ay interesadong tanong ko. Pero ang totoo ay lumilipad ang isip ko sa mga masasakit na binitawan ni King William.

"Oo. Narinig ko na maraming dadalo sa Royal Ball bukas, dito sa palasyo ng mga Marquez gaganapin. Dadalo rin si Duke Rameses Ezekiel Lardiosis kasama ang kaniyang kapatid. Ang mga Prinsesa at Prinsipe ng City of Maybelle, Crown Prince ng City of Endulla, Prince and Princes of Astarian City, Mircle City at marami pang iba. Halos puro royalties ang dadalo bukas ng gabi! Panigurado akong sobrang grande ng handaan bukas," Litanya ni Eris.

Pumasok kami sa bukana ng kusina. Nakita naming abla ang mga tagasilbi na nakatoka dito sa kusina. Ang iba sa kanila ay mga Professional Chef o Royal Chef. Sila mismo ang nagluluto sa mga pagkain ng Royal Family.

"Haist. Sayang lang dahil hindi tayo makakasama sa kanila." Malungkot na saad ni Eris.

Nagtungo kami sa isang malaki at mahabang lababo. Napabuntong hininga nalang ako nang makita ang napakaraming hugasin na pagtutulungan namin ni Eris.

"Hindi naman talaga tayo kasama sa kanila, Eris. Wala tayong dugong bughaw. Hindi tayo katulad nila. Isa lang tayong hamak na tagasilbi sa palasyong 'to kaya wag na tayong mangarap na makadalo nang gano'ng klase ng pagtitipon." Pambabasag ko sa pangarap ni Eris.

What I said was true. We need to separate ourselves from the lives of the Royal Families. As their servant, we need to know our place. Kapag tagasilbi ay tagasilbi lang. Ang isang tagasilbi ay hindi makakaranas ng isang marangya at engrandeng pagtitipon dahil tagasilbi lang sila. We are born to serve the people who has a high social status. We servant, we'll never experienced wearing fancy and expensive clothes or ball gowns, we'll never experienced wearing a tiara on the top of our head, we'll never experienced eating with some other Royal Families because we might embarassed ourselves in front of them, we'll never experienced eating delicious and expensive foods, we'll never experienced to love someone who belongs to a Royal Family because we're just servants-a royalty meant to marry a royalty. We'll never experienced to live like a princess because we're just servant's.

"Ikaw naman! Nangangarap lang naman ako e! Malay mo diba? May ma-inlove sa 'kin na isang Prinsipe!" Eris said. Napailing nalang ako.

"Princes like them ain't meant for us. A prince is meant for a princess. And that's definitely, not us. We're not a princess, Eris. Wala tayo sa isang fairytale na ma-iinlove ang isang prinsipe sa isang mahirap at tagasilbi na babae." Saad ko habang binabanlawan ang mga nasabunan na ni Eris.

"Ang ampalaya mo naman, Liyana!" Anas ni Eris at nanahimik nalang.

Ampalaya na kung ampalaya. I'm just stating the fact. We're just servant's who are meant for servants.

••••

Nakasuot na ako pantulog nang magtungo ako sa aking kama. Malaki at malawak ang Maid's Chamber. Dalawang tao sa isang kwarto at kami ni Eris ang magkasama. Mabuti nga't siya ang kasama ko dahil mas komportable ako sa kaniya.

Ang ibang mga katulong kasi dito sa palasyo ay palaging masama ang titig sakin. Pakiramdam ko sa bawat titig nila ay hinuhusgahan nila ang buong pagkatao ko. Wala naman akong ginawang masama sa kanila para itrato nila akong gano'n. Lalo na si Madam Emma. She's the Palace's Head Maid.

"Liyana," I heard Erin's voice. Nasa ilalim siyang kama at nasa ibabaw naman ako. Double deck kasi ang kama namin. Our room is small, enough for two people. May sarili rin kaming banyo sa loob ng kwarto. At dalawang aparador.

"Hmmm?" I asked habang nakatitig sa kisame.

"Sigurado ka ba na wala kang dugong bughaw?" Erin asked.

My eyebrows furrowed because of her nonsense question. Paano ako magkakaroon ng dugong bughaw kung laki ako sa hirap simula pagkabata?

"Wala. Isa lang akong ordinaryong babae sa isang malayong probinsiya, Eris. Kung may dugong bughaw ako e di sana wala ako ngayon dito at hind naninilbihan sa isang maharlikang pamilya." I said matter of factly.

"Hmm... sabagay. Pero kasi kakaiba 'yang ganda mo e. Hindi na ako magtataka kung bakit pinag-iinitan ka ng ibang kasama natin." I heard her said.

"Maganda kasi ang mama ko, Eris. Sa kaniya ko namana ang gandang meron ako no, atsaka ikaw rin naman. Kakaiba rin 'yang ganda mo," I said.

Eris is a beautiful woman. She has a porcelain skin, doll-like eyes, she has a great body curves too, her skin is flawless, her hair is long and wavy. Inshort, she looks like a princess.

"Naku, nice joke 'yan, Liyana!" And then she chuckled kaya mahina rin akong napatawa. "Totoo ang sinabi ko, Erin. Para ka ngang isang prinsesa e,"

Ilang minuto siyang natahimik, hindi na nagsalita. "Eris? Are you asleep?"

"Nope." She responded.

"By the way, ano nga palang apelyido mo, Eris?" Na-curios na tanong ko. Sa halos isang taon naming magkasama, hindi ko pa alam kung ano ang apelyido niya.

"It's a secret, Liyana Sachi. Bawal kong sabihin!" Aniya na ikinasimangot ko.

"Ang daya mo!" Angil ko na tinawanan niya lang.

••••
06/13/22

The King's Little Maid Where stories live. Discover now