ROYAL AFFAIR 02

2.5K 31 0
                                    


Crush



Princess Serena and I are both laughing while heading back to the palace. Sobrang ganda ng pinuntahan naming dalawa. It's a hidden paradise.

Ngayon ay pabalik na kami sa kwadra upang ibalik ang mga kabayo.

Nang papalapit na kami sa kwadra ay bigla akong nakaramdam ng labis na kaba. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa isang tao. Actually, tatlo sila na nasa kwadra. Pero mas natuon ang mga mata ko sa isa sa kanila.

Napalunok ako ng sarili kong laway nang nasa tapat na nila kami. Agad akong umiwas ng tingin sa hari. Ito na nga ba ang sinasabi ko e.

"Serena, saan ba kayo pumunta? Kanina ka pa namin hinahanap ah," Tanong ng isang malalim na boses. It was Prince Arkanald. He's the crown prince of Endulla City.

At ang isa pang lalakeng katabi niya ay si Prince Cameron. The fourth prince of Maybelle City. Sa tingin ko ay mga kaibigan sila ng hari.

"And who's the chick here?" Another question from Prince Arkanald.

Bumaba ang tingin ko sa tali na hawak ko. Nahihiya akong bumaba sa kabayo lalo na't nandito ang dalawang prinsipe at ang hari.

"She's Liyana. One of our maids here. But, she doesn't look like one because she's too beautiful," It was Princess Serena. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa sinabi ni Princess Serena.

Napansin ko rin na nakababa na siya mula sa kaniyang kabayo. Ako nalang ang tangina nakasakay pa kay Apollo. At nakakahiya dahil kabayo pa ng mismong hari ang gamit ko. Ang masaklap pa no'n ay nandito siya.

"Yeah, I agree with you Serena. Hey, little missy. Do you want me to help you?" Boses ulit iyon ni Prince Arkanald. Dumapo ang tingin ko sa kaniya at nahihiyang ngumiti.

I bit my lower lip when I glanced at King William. At gusto ko nalang kainin ng lupa nang makita ko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. It's dark and scary.

Nakaramdam ako ng pagkailang nang makita kong bumaba ang mga mata niya sa lantad kong hita. Napansin kong mas lalong umigting ang kaniyang panga.

"Uhm... salamat nalang po. Pero kaya ko namang bumaba," Anas ko.

Talaga ba, Liyana? Kaya mong bumaba?

Hindi ko alam kung paano ako bababa ng hindi nakakaramdam ng ilang. They're staring at me, what do you expect me to feel?

Kapag inangat ko ang paa ko ay baka mas lalo ring umangat ang laylayan ng paldang suot ko. Bakit kasi sobrang iksi nitong uniform ko e. Nakakainis.

"I can see that you're a bit uncomfortable. Let me help you," It was the baritone voice of Prince Cameron this time.

"S-Sige po," Pagpayag ko.

Mabilis na tumibok ang puso ko nang hawakan niya ang laylayan ng aking palda para pigilan ang pagtaas nito kapag gumalaw ako. I gasped when I felt his both hands hold my both side waist.

Walang kahirap-hirap niya akong binuhat para maibaba mula kay Apollo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahawak sa malapad niyang balikat bilang suporta.

"Bakit kay Cameron pumayag sakin hindi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Prince Arkanald. Mas lalo akong nahiya.

"S-Salamat po..." I softly whispered nang maibaba niya ako ng tuluyan sa lupa.

"You're welcome. It looks like you're very uncomfortable with your uniform. Your skirt is too short." Aniya.

Napayuko nalang ako.

"Oh my, Liyana! Bagay kayo ni Prince Cameron!" Princess Serena exclaimed na agad ikinalaki ng mga mata ko.

Ano bang pinagsasabi ni Princess Serena? Hindi kami bagay ni Prince Cameron dahil isa siyang prinsipe at ako ay isang hamak na katulong lang.

"Stop it, Serena. Nahihiya na si Liyana. She's blushing." Si Prince Arkanald ang nagsabi no'n.

Gusto ko nalang talagang magpakain sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

"Baka crush ni Liyana si Prince Cameron?" Hindi pa rin tumigil si Princess Serena sa panunukso sakin. Shit. Ano ba kasing trip nitong si Prinsesa Serena? Aish.

"Silence means yes!" Isa pa 'tong si Prince Arkanald. Bagay silang dalawa ni Princess Serena.

Mas lalong nag-init ang pisngi ko nang marinig ang mahinang tawa ni Prince Cameron. Ba't pati tawa niya ay masarap sa pandinig?

"Shut up you two." It was the thunderous voice of King William. Sa tono ng kaniyang boses ay parang nagpipigil siya ng galit.

"Who told you to use my horse, servant?" Marahas na tanong niya na alam kong para sakin.

Patay. Ito na nga ba ang sinasabi ko na mapapagalitan ako.

"It was me, brother. Pinagamit ko sa kaniya si Apollo kaya ako ang pagalitan mo. Walang kasalanan si Lily dahil ako naman talaga ang nagyaya na mangabayo kami. Gusto ko lang naman na samahan niya ako kasi umalis na si Princess Phoebe." Pagtatanggol sakin ni Princess Serena.

"Leave us alone." Mariing utos ni King William. Tatalikod na sana ako paalis nang muling magsalita ang hari. "Not you, servant."

Kinakabahan akong nanatili sa kinatatayuan ko. Papagalitan niya pa rin ba ako? Paparusahan?

"Brother, don't hurt her," It was Princess Serena.

"Who told you that I'll hurt her?" King William spat.

"No one. Akala ko lang..."

"Leave. You go back with Cameron and Arkanald inside."

Nang tumapat si Princess Serena sakin ay mahina siyang bumulong. "I'm sorry, Liya. Don't worry, kuya won't hurt you,"

Tipid lang akong ngumiti at tumango.

Nang tuluyan ng makaalis ang tatlo ay kami nalang ng hari ang naiwan sa kwadra. Nakaramdam ako ng labis na kaba sa buong sistema ko. Ramdam na randam ko ang mariin niyang titig sakin.

"Come here," He coldly ordered. Para hindi mapagalitan ay agad kong sinunod ang sinabi niya. Naglakad ako palapit sa kaniya. I can feel my knees shaking while walking towards him.

Nanatili sa lupa ang tingin ko nang makarating sa mismong tapat niya. Hindi ko kayang salubungin ang galit niyang mga mata. Iniisip ko na kapag ginawa ko iyon ay tuluyan akong manghihina at babagsak sa kinatatayuan ko.

"Follow me," Saad niya at lumakad sa isang direksyon. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko siyang naglalakad papasok sa isang bakanteng... kuwadra.

Mabilis akong sumunod sa kaniya dahil natatakot ako na mapagalitan.

••••

06/11/22

The King's Little Maid Where stories live. Discover now