ROYAL AFFAIR 15

1.9K 34 10
                                    

FEELINGS

"Ate Liya, are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo?" Princess Serena worriedly asked.

"If you're not feeling well, Liya. You can rest for awhile. Marami namang maid dito." Suhestiyon naman ni Princess Phoebe.

Tipid akong ngumiti sa kanila. "Ayos lang po ako. Salamat po sa pag-aalala."

"Maiwan ko muna kayo. I need to help Liyana to treat her wound." Paalam ni Prince Cameron.

Halos mapapiksi ako nang marahan niyang hawakan ang braso ko. I look up to him and I saw him smiling at me.

"She can do it herself, Cameron. Why bother?" I bit my lower lip when I heard his voice.

"King, I just want to help Liyana. Hindi namn siguro masamang tulungan ang isang kaibigan. Right?" Prince Cameron replied.

"Friend? Really huh?" King William sarcastically asked.

Mariin kong kinagat ang aking labi. Ano bang pakealam niya kung tulungan ako ni Prince Cameron?  Bakit umaakto siya ng ganito? His fiance is here!

"I think this matter is none of your business, King." Muling sabat ni Prince Cameron. Naramdaman kong medyo humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Halos mapaigtad ako sa gulat nang marinig ang malakas na pagbagsak ng mga kubyertos na tumama sa babasaging plato.

"Are you fucking sure, Cameron? Maybe you forgot that she's working under me. Obviously, she's one of my people." King William firmly said.

Lihim kong ikinuyom ang aking mga kamay.

I'm just one of his people.

"You don't even care about your people, Lincoln, because if you do, you will never treat them so low like you're doing right now." Mariing sagot ni Prince Cameron.

"Kuya Liam! Kuya Cameron! Stop fighting nga!" Agad na suway ni Princess Serena.

"Sorry, princess." Paghingi ng tawad ni Cameron sa mahal na prinsesa. "Alis na kami."

"Let's go, Liyana." Yaya ni Prince Cameron at iginiya ako palabas ng dining area.

...

"I'm sorry you have to witness that." Prince Cameron said while treating my wound. Nandito kami ngayon sa hardin ng palasyo dahil dito ako dinala ni Prince Cameron. Inutusan niya lang ang isang maid na kumuha ng first aid kit at ihatid dito.

Bago pa nga kami iwan ng kapwa ko maid ay nakita ko pa kung paano niya ako inirapan. Paniguradong ako na naman ang pag-uusapan nila dahil nakita nila akong kasama ang isa sa mga prinsipe.

"Ayos lang po sa 'kin. Nagpapasalamat pa nga ako sayo sa pagtatanggol mo sa 'kin mahal na prinsipe. Salamat din sa pag gamot sa sugat ko." I said with a genuine smile.

"You're really beautiful when you smile, Liyana." May ngiti sa labing saad ni Prince Cameron.

I shyly smiled and my cheeks started to get flushed.

"Salamat." Anas ko.

I sighed in relief nang hindi ako nautal sa harapan niya. At pakiramdam ko rin ay unti-unti na akong nagiging komportable sa presensya ni Prince Cameron.

"I really find it weird the way Lincoln acted earlier."  Prince Cameron said.

Halata sa ekspresyon ng mukha niya na na-weirduhan siya sa inakto ng mahal na hari kanina. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Baka makahalata siya na may namigatan sa 'ming dalawa ng hari...

"Nevermind. Mas mabuting iwasan mo na lang siya Liyana. Ayokong saktan ka na naman nun gamit ang masasakit na salita. Hindi kita maipagtatanggol kapag wala ako." Paalala niya atsaka ngumiti.

I am moved by his words. Hindi ko inaasahan na darating ang isang araw na may isang prinsipe ang magtatanggol sa 'kin. This guy in front of me has a kind heart. Bonus na lang na gwapo siya at isa pa siyang prinsipe.

...

Abala ako sa pagdidilig ng mga halaman sa malawak na hardin ng palasyo nang biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"Are you really that close with Cameron, huh?"

That voice...

Humigpit ang pagkakahawak ko sa hose na ginagamit ko sa pagdidilig ng mga halaman.

Hindi ko maipagkakaila ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing malapit siya.

Hindi ko dapat ito maramdaman.

Huminga muna ako ng malalim at pinatay ang hose bago hinarap ang mahal na hari. Yumuko ako ng bahagya upang ipakita ang aking respeto sa kaniya.

"Magandang hapon po, mahal na hari," I greeted him with a smile.

Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Wala siyang kangiti-ngiti habang nakatitig sakin. Ipinagsawalang bahala ko na lang ang paraan ng pagtitig niya.

"At para po sagutin ang iyong katanungan, mahal na hari. Aaminin ko pong naging malapit kami sa isa't isa ni Prinsipe Cameron. Naging kaibigan ko siya dahil iyon ang gusto niyang ituring ko sa kaniya. Mabait ang prinsipe kaya hindi po siya mahirap pakisamahan." I honestly answered his question.

"And do you think you have the rights to befriend him?" He sarcastically asked. Nakaigting ang kaniyang panga habang matalim ang mga mata na nakatitig sakin.

Sinikap kong panatilihan ang ngiti sa aking labi. Alam ko kung saan mapupunta ang usapang 'to. He's going to insult me again.

After he used me to warm his bed and acted like we've never done such sinful things behind his fiance back, iinsultuhin niya na naman ako?

"Alam ko po na wala akong karapatan na makipagkaibigan sa kahit na kanino man sa mga katulad niyo. Prince Cameron wanted me to be his friend at hindi ako madamot sa ganoong bagay, mahal na hari. Kung iinsultuhin niyo lang din ulit ako mas mabuti pa na bumalik na lang po kayo sa loob at baka hinahanap na po kayo ng mapapangasawa niyo." Mahabang litanya ko.

Muli akong yumuko bago tumalikod upang ipagpatuloy ang naudlot na gawain.

Hindi ko hahayaan na tapaktapakan niya na naman ang pagkatao ko. Aaminin ko na nasasaktan ako sa kung paano niya ako tratuhin.

He treats me as if I'm nothing. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niya lang ang damdamin ko.

Kaya habang maaga pa, habang hindi pa lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Iiwasan ko na siya. Itutuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pagtatrabaho ko dito bilang katulong nila.

"You have no rights to order me around, young lady. We're not yet done." His last words before I hear his descending footsteps.

I sighed in relief.

Kakayanin ko pa bang manatili sa palasyong 'to?

The King's Little Maid Where stories live. Discover now