ROYAL AFFAIR 07

2.2K 30 0
                                    

••••
The Royal Gift

Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil kailangan. Marami kaming gagawin at magiging abala kami ngayong araw lalo na't may engrandeng pagtitipon mamayang gabi. Lahat ay abala sa paghahanda.

"Eris at Liyana, sumunod kayo sa'kin." Masungit na utos ni Madam Emma bago tumalikod. Nagkatinginan kami ni Eris bago sumunod sa matanda. Hindi naman siya gano'n katanda. She's in her 40's already.

Madam Emma brought us to the Royal Hall. Isa itong malaki at malawak na bulwagan dito sa palasyo. Sa Royal Hall ginaganap ang iba't-ibang klase ng pagtitipon. It is spacious and elegant. May mga naglalakihang chandeliers ang nakasabit sa kisame.

"Help the other maids to clean the Royal Hall. Help them to set up the tables and such. Do your jobs properly if you don't want me to punish you both." Striktang anito bago tumalikod at lumakad palabas ng hall.

About nga pala sa dati kong maid's uniform. Mas mahaba na ang palda ngayon ng suot kong uniporme kumpara sa dati kong uniporme na kalahati ng hita ko ang haba. Nagulat nalang ko noong isang araw na kumatok si Madam Emma sa kwarto namin at iniabot sakin ang bago kong uniporme. Paniguradong ang hari ang nag-utos kay Madam Emma na bigyan ako ng panibagong maid's uniform.

And speaking of that heartless king, I've never seen him after that day he insulted me infront of Prince Cameron. Ayos lang sakin na hindi ko siya nakikita atska iyon naman ang gusto ko.

"Napakasungit talaga ni Madam Emma. Palibhasa walang nobyo kaya ampalaya," Bulong ni Eris sa'kin.

"Hayaan mo nalang," I uttered.

Nagsimula na kaming tumulong sa paglilinis ng Royal Hall. Masyadong malaki at malawak ang hall kaya kailangan talaga nang maraming taga linis. When we're done cleaning the ballroom, we started to set up the tables, we even put some decorations sa paligid.

Halos pitong oras ang ginugol namin sa paglilinis ng buong Royal Hall kasama na doon ang pagde-decorate. I can feel my whole body aching. Nagsisimula na ring magreklamo ang mga bulate ko sa tiyan. I haven't eaten breakfast yet, and it's already lunch time. Ang sabi kasi ni Madam Emma ay hindi kami kakain hanggat hindi namin natatapos ang paglilinis at pag-aayos ng buong ballroom. Hell, parang parusa na 'tong ginagawa niya sa 'min.

"Gigilitan ko talaga sa leeg 'yang head maid natin. Sana bago man lang niya tayo pinaglinis ng buong hall pinakain niya muna tayo ng breakfast. Gosh! Ang sakit ng buong katawan ko at the same time gutom na ako!" Parang naiiyan nang saad ni Eris.

"Don't worry, Eris. Makakakain na tayo, tapos naman na tayo sa trabaho natin kaya tara na," Yaya ko kay Eris.

Sabay kaming lumabas ng Royal Hall at tinahak ang napakahabang pasilyo ng palasyo. There were paintings hanging on the wall, may mga candle lights din sa ding-ding.

At nang madaanan namin ang tapat ng twin grand staircase ay napahinto kami. Sakto kasi ang pagbaba ni Princess Serena at ni King William.

"Ate Liyana!" Princess Serena exclaimed when she saw me. Mabilis niya akong nilapitan. I didn't dare to glance at his direction even if I felt his deep stares at me. Why would I stare at him? Akala niya ba nakalimutan ko na ang pang-iinsultong ginawa niya sakin sa harapan ni Prince Cameron? Hell, I won't.

"Princess Serena," I addressed her as princess again. Ayokong maging casual kay Serena sa harapan ng kuya niya. Baka bigla na naman niya akong husgahan and this time sa harapan naman ng kapatid niyang babae.

"You're not calling me in my name again," She pouted at me.

"Princess Serena naman talaga ang dapat na itawag ko sayo, Your Highness." Saad ko pa. Mas lalo lang napanguso si Serena.

"Ate Liyana. Why are you like that?" She asked. At mukhang nagtatampo na ang mahal na prinsesa.

I'm sorry, Serena. Sisihin mo ang kuya mong matalim ang bibig.

"Uhm, Your Highness. Sige po ah, aalis na po kami ni Eris kasi kailangan pa po naming bumalik sa kusina dahil marami pa kaming gagawin, sige po." Bahagya pa akong yumuko kay Serena gano'n rin ang ginawa ni Eris.

Nang nasa tapat na kami ni King William ay saglit ko siyang sinulyapan bago magalang na yumuko bilang respeto dahil siya ang hari. Pagkatapos no'n ay nilagpasan na namin siya at nag diretso na sa kusina.

••••

Nagpupunas na ako ng basa kong buhok gamit ang aking tuwalya. Pagkatapos namin kumian ni Eris ay dumiretso ako agad sa kwarto para maligo dahil ramdam ko na ang panlalagkit sa buong katawan ko.

Ako lang mag-isa sa kwarto dahil nagpaiwan pa si Eris sa kusina. Kakaupo ko palang sa kama ni Eris nang marinig ko ang mahinang pagkatok. Akala ko ay si Eris na 'yon ngunit nagkamali ako nang mabuksan ko ang pintuan. Tumambad sa 'kin ang hindi inaasahang tao.

"P-Princess Serena? Ano pong ginagaw mo rito sa Maid's Chamber?" Yes. The person whose knocking is no other than Princess Serena.

"Hi, Ate Liya! Dumaan ako rito just to give you this," At may inabot siyang isang malaking kuhan. It's a rectangular shaped box. At may isa pang box sa ibabaw. It's rectangular shaped as well but smaller than the other one. Both box are color white at may kulay gold na ribbon ang mga box.

"P-Para saan po 'yan?" Nagtatakang tanong ko.

Malapad na ngumiti si Princess Serena. "Well, I want you to join the Royal Ball later, Ate Liyana. And these boxes are my royal gift fir you. I really bought this for you, Ate Liya. I was the one who personally picked them for you. I'm pretty sure na bagay 'to sayo."

My lips parted because of shocked. Tama ba ang narinig ko? Princess Serena wants me to join the ball later?

"Princess Serena, I appreciate your effort for buying me these things and I'm very thankful. But, I think I can't accept these gifts. Masyadong mahal ang mga 'to. At isa pa, wala akong plano na umattend sa event mamaya. Pasensya na talaga, Princess Serena." I refused to accept her gifts.

Natatakot ako sa sasabihin ni King William kapag nakita niya akong dumalo sa pagtitipon mamaya. Mas lalo lang niya akong pag-iisipan ng masama kapag tinanggap ko pa 'tong mga regalo ng kapatid niya.

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang makarinig ng panibagong pang-iinsulto mula kaniya.

••••
06/13/22

The King's Little Maid Where stories live. Discover now