ROYAL AFFAIR 14

2K 29 7
                                    

IGNORE

Hindi ko alam kung magiging masaya ako na hindi na ako ginugulo o nilalapitan man lang ni King William. Isang buwan na ang nakalipas at hindi na nasundan pa ang pagtatalik namin.

After we had sex inside his bathroom he became cold and distant. Little did I know na iyon na pala ang huli.

I just smiled bitterly. Ano ba dapat ang asahan ko sa nangyari sa 'min ni King William? Umaasa ba ako na sana higit pa sa pagtatalik ang relasyon naming dalawa? No. Lolokohin at sasaktan ko lang ang sarili.

Pero hindi ko naman siya gusto at hindi ko siya mahal. Hindi nga ba?

"Liyana,"

I came back to eality when I heard one of my co-housemaid called me. May bitbit siyang isang babasaging pitsel na may lamang tubig.

"Pakidala na lang nito sa hapagkainan. Kukunin ko lang ang panghimagas sa kusina." Utos nito.

Gusto ko sanang tumanggi dahil ayaw kong makita ang hari sa ngayon. Pero wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang pitsel at tumungo sa hapagkainan kung nasaan siya.

Pagpasok ko sa dining hall ay agad na kinain ng kaba ang buong sistema ko. Mahigpit kong hinawakan ang pitsel tila ba doon kumukuha ng lakas.

Ang maingay na hapag ay biglang tumahimik sa aking pagpasok kaya mas lalo lang akong kinabahan. Idagdag pa na ang mga mata ng ilan sa mga prinsipe at dalawang prinsesa ay na sa 'kin.

Isang tao lang naman ang hindi tumingin sa direksiyon ko... ang hari.

Kahit nanginginig ang tuhod ko ay sinikap ko pa rin na maglakad patungo sa mahabang lamesa bitbit ang babasaging pitsel. Isang maling hakbang ko lang ay paniguradong sa makintab nilang sahig ang diretso ko.

Medyo nakahinga ako nang maluwag nang muli silang bumalik sa kanilang pinag-uusapan. Habang ako ay ginawa ko ang dapat kong gawin bilang isang maid. Ang pagsilbihan sila.

"Are you serious, kuya? Magpapakasal na talaga kayo ni Ate Phoebe?" Princess Serena asked.

Nakuha ng tanong niyang iyon ang atensyon ko. Magpapakasal na sila ni Princess Phoebe?

"Yes."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko nang dahil sa naging sagot niya.

"Finally!" Princess Serena happily exclaimed.

Hindi ko namalayan na sobra na pala ang panginginig ng aking mga kamay.  At dahil doon ay nabutawan ko ang pitsel ng tubig dahilan para mabasag iyon at magkalat ang mga piraso nito sa sahig.

Natigil ang kanilang masayang pag-uusap nang dahil doon.

"S-sorry! P-Pasensya na po!" Kinakabahang anas ko bago yumuko.

Pagkatapos ay lumuhod ako upang pulutin ang mga nabasag na piraso ng pitsel. Mas lalong nanginig ang mga kamay ko kaya nasugatan ako. Pero kahit na nasugatan na at dumadaloy na palabas ang dugo sa daliri ko ay patuloy pa rin ako sa pagpupulot.

Hanggang sa may humawak sa mga kamay ko upang patigilin ako sa aking ginagawa. Pag-angat ko ng aking tingin ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Prince Cameron.

"Stop it, Liyana. Your hand is bleeding already. Tatawag na lang ako ng maglilinis diyan." He said.

"Let me treat your wound." He added.

Biglang parang gusto kong maiyak nang mapagtantong nasa nakakahiyang sitwasyon ako ngayon. At dahil iyon sa katangahan ko.

"Ayos lang ako, Your High—" Prince Cameron cut me off.

"Please?" He pleaded.

Napakagat labi ako. Nagdadalawang isip kung papayag ba o hindi. Sa huli ay tumango na lang ako. Ayaw nang makipagtalo pa.

Tinulungan ako ni Prince Cameron na tumayo. Nararamdaman ko ang mga matang nanonood sa bawat galaw namin. Pero may tingin na mas nangingibabaw sa lahat. Kahit hindi ako lumingon sa direksiyon niya ay kilala ko kung sino. I can feels his intense stares and I'm having a goosebumps because of that.

The King's Little Maid Where stories live. Discover now