ROYAL AFFAIR 04

2.5K 32 0
                                    


The Second Princess Of The Castillon City

After what happened between me and the king in the horse stable. Ginawa ko ang lahat para lang iwasan siya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari sa ming dalawa. I know, it's wrong. It's forbidden.

I'm having an affair with the king and much worst, he's engaged! That's why I'm avoiding him as much as I can. At isa pa, ayokong maging kabit niya. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang maging isang kabit at parausan.

"Excuse me,"

Napatigil ako sa pagdidilig ng mga halaman sa hardin ng palasyo nang marinig ko ang malamyos na boses na iyon.

"What's your name?" She asked.

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya, bigla akong nakaramdam ng labis na kaba nang makaharap ang pangalawang prinsesa ng Castillon City at ang fiance ng hari. Agad akong nakaramdam ng guilt nang maalala ang kapangahasang ginawa namin ng hari sa kwadra.

"L-Liyana po ang pangalan ko, Your Highness," Nanginginig ang labing sagot ko. Ni hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil alam kong may nagawa akong napakalaking kasalanan.

"Oh, what a beautiful name. Your name suits you, Liyana," She said with a smile. And I can tell that it's a genuine one.

Sobrang sama ko. Halatang napakabait ni Princess Phoebe, mas lalo lang akong nakaramdam ng guilt. Princess Phoebe doesn't deserved to be cheated on. She's too pure and kind.

"By the way, Liyana. Have you seen His Majesty?" She asked.

Mas tumindi ang nararamdaman kong kaba dahil sa kaniyang tanong.

"U-Uh... Hindi ko po nakita ang mahal na Hari, Prinsesa Phoebe. Pasensya na po." Ani ko at yumuko. I started to play with my fingers dahil sa sobrang kaba.

"It's okay, Liyana. I'll just find him myself. Thank you!" She uttered before turning her back on me.

When Princess Phoebe left, nagpakawala ako ng malalim na hininga. Kailangan ay maiwasan ko ang mahal na hari. Ayoko nang maulit ang nangyari sa kwadra. Ayokong bumigay ulit sa mga halik at haplos niya.

Ibabaon ko nalang sa limot ang nangyari samin. Tama. Iyon ang nararapat kong gawin. May masasaktan kapag nagpatuloy ang paglalapit namin ng Hari.

••••

"Hi,  Liyana!" Napangiti ako nang makita ang maamong mukha ni Prinsesa Serena. Sobrang ganda niya talaga at inosente. Sa tingin ko ay sixteen years old palang si Prinsesa Serena. At ako naman ay eighteen years old. Dalawang taon ang agwat ko sa kaniya.

"Prinsesa Serena, ikaw pala," Anas ko. Nasa hardin pa rin ako dahil may mga dapat pa akong gawin. Katulad nalang ng pagdadamo at pagkuha ng mga patay na dahon. Kakatapos ko lang kasing magdilig ng mga bulaklak.

Malawak ang hardin dito sa palasyo at punong puno ng iba't-ibang bulaklak.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Where's the gardener?" Nagtatakang tanong nito.

"M-May pinagawa po kasing iba si Madam Emma sa mga hardinero kaya ako ang inatasan niyang gumawa dito sa hardin." I shyly answered.

Totoo iyon. Si Madam Emma ang nag-utos sakin na magdilig ng mga bulaklak at magdamo sa hardin dahil ang mga dapat na nakatoka dito ay binigyan niya ng ibang gawain.

Hindo nga minsan maintindihan si Madam Emma kung bakit pinapagawa niya sakin ang hindi sakop ng trabaho ko. Dapat ay sa loob lang ako ng palasyo at tumutulong sa paglilinis ng buong palasyo, pagtulong sa pagluluto at pagsisilbi.

The King's Little Maid Where stories live. Discover now