ROYAL AFFAIR 23

1.5K 29 6
                                    

Nakaramdam ako ng kaba nang dahil sa sinabi ni Erin. Napapansin niya ba na... buntis ako? Halata ba? Pero hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko.

"U-Uh... marami na kasi akong kumain ngayon." I lied.

Iniba ko ng direksiyon ang tingin ko dahil baka malaman ni Erin sa mga mata ko na nagsisinungaling ako.  I don't want to lie to her, she's been a good friend of mine. It's just that, hindi pa ako handang ipaalam sa iba ang tungkol sa pagbubuntis ko.

"Hmm, pansin ko nga." She replied.

"Sige, Erin, lalabas muna ako." Nagpaalam ako kay Erin na agad naman niyang sinag-ayunan.

"I'm sorry, Erin." Bulong ko nang tuluyang makalabas ng aming silid.

Nagsimula na akong maglakad patungo sana sa baba ngunit hindi ko inaasahan na makakasalubong ko ang reyna sa hallway.

She looks sad and frustrated. Nang dumako ang mga mata niya sa 'kin ay bigla itong naningkit. She's staring at me differently. Hindi na kagaya noong unang pagkikita namin.

Tumigil siya sa paglalakad kaya wala rin akong nagawa kundi ang huminto at batiin siya.

"Greetings, Your Majesty." Yumuko ako ng bahagya upang magbigay galang.

"Look at me, Liyana." She commanded.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa tono ng kaniyang boses.

Nang magtamang muli ang mga mata namin ay mas lalo akong kinabahan.

"I can see that you're a decent girl." She blurted.

I swallowed a lump on my throat because of what she had said.

"Sana lang ay hindi ako nagkakamali." She added, there's a fire in her eyes.

Seconds later, her face softens. Nabigla ako pagbabago ng kaniyang ekspresyon.

She smile at me. "It's nice to see you, Liyana." After she said those, she left.

Nang makaalis ang reyna ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi maalis sa isip ko ang mga salitang binitawan ng reyna. Nararamdaman kaya niyang may mali? Nakakahalata na ba siya sa relasyon namin ng hari?

Nagsimula akong lumakad patungo sa kung saan, hindi ko namalayan na tinatahak ko na pala ang daan patungo sa throne room ng hari. I think, I need to talk to him. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero bahala na.

Nang makarating ako sa harap ng malaking pinto ay dahan-dahan akong kumatok. May iba pa kayang tao sa loob maliban sa kaniya?

Nang walang sumagot ay dahan-dahan kong binuksan ang malaking pinto pero bago iyon ay luminga-linga muna ako sa paligid, baka kasi biglang may dumaan at makita akong pumapasok sa throne room ng hari.

Nang nasa loob na ako ay wala akong nakitang ibang tao. Mag-isa lang siya dito sa loob.

"Lock the door, Liyana." Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang magsalita.

Sinunod ko ang utos niya. Mas mabuting i-lock ko ang pinto baka bigla nalang may pumasok at makita kaming dalawa na magkasama sa iisang kwarto.

"Why are you here?" He asked.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya. Nasa gitna siya at nakahiga sa pahaba niyang upuan. I thought he's sleeping.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba habang papalapit ako sa kaniya. My heart is beating so fast and my body started to react for some unknown reason.

"Let's talk," I said.

"What do you want to talk about?"

"Narinig ko kasi sa mga kasamahan ko ang nangyayari sa pagitan niyo ng mahal na reyna."

The King's Little Maid Where stories live. Discover now