ROYAL AFFAIR 21

1.3K 20 3
                                    

Mabilis akong tumakbo patungong banyo nang makaramdam ng pagsusuka. Hindi ko sigurado kung ano ang sanhi ng palagi kong pagsusuka. Sa kinain ko ba 'to? Agad akong nagmumog bago napasandal sa lababo.

Nilukob ng kaba ang dibdib ko sa biglaang pumasok sa isip ko, isa sa mga posibilidad ng aking pagsusuka.

Hindi kaya...

Napatakip ako sa aking bibig nang may mapagtanto. Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin ako dinadatnan.

My hands tremble with the thought of being pregnant. Hindi imposible iyon dahil may nangyayari sa 'min ni Lincoln, and we're not using protection!

Paano kung buntis nga ako? Am... am I going to tell him about my pregnancy? Paano kapag nalaman niya na? What will he react? Is he going to accept the baby?

Npasabunot ako sa aking sarili dahil sa aking mga iniisip. I feel so stupid!

Paano kung hindi niya tanggapin ang magiging anak namin?

Alam kong magiging malaking kasiraan ito sa kaniya kapag may nakaalam sa relasyon naming dalawa.

Ano na lang ang sasabihin ng asawa at ng kapatid niya! Pati na rin ang mga nasasakupan niya!

Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi pa man ako sigurado pero ramdam kong mayroon na. Napangiti ako kasabay ng pagbagsak ng ilang butil ng luha sa aking mga mata.

He just told me he wants to impregnate me. And here I am, pakiramdam ko ay natupad nga iyon.

Nagbunga ang kataksilan naming dalawa.

Mas lalo akong napaiyak. Iniisip ang magiging epekto ng ginawa namin sa inosenteng bata sa sinapupunan ko.

Anak, patawarin mo ako.

Lumabas ako ng silid na parang wala lang. Ipinagdarasal ko lang na sana ay walang may makahalata ng pagdadalang tao ko.

Nang pumasok ako sa hapag ay agad na dumapo ang mga mata ko kay Lincoln. Mabilis akong umiwas nang makitang dumapo rin ang mga mata niya sa 'kin.

"Sister, I heard that you have a big news for us," Princess Serena said.

Sinimulan ko na ang paglalagay ng tubig sa kani-kanilang mga baso. Sinikap kong gawin ng maayos ang aking trabago kahit na nanginginig ang mga kamay ko.

"Oh yes, I know everyone will be happy to hear this news from me, especially you, My King." Queen Phoebe replied.

I bit my lower lip. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa kung ano man ang ibabalita niya.

"What is it?" I heard Lincoln's cold baritone voice.

"Well, I'm pregnant."

Halos mabitawan ko ang hawak na pitsel sa naging anunsiyo ni Queen Phoebe.

"What?! Really? This is a big news! Halos dalawang buwan na kayong kasal ni Kuya! Everyone will be pleased to hear this news!" Excited na saad ni Princess Serena.

Halos manghina ako sa aking narinig. Buntis si Queen Phoebe? He impregnated her as well?

Parang gusto kong tumakbo pabalik sa aking silid at doon umiyak. I just found out that I'm pregnant at malalaman ko na buntis rin pala ang asawa niya?

"Liyana, did you hear that? My sister in law is pregnant! Magkakaroon ng ako ng pamangkin!" Bumaling si Princess Serena sa 'kin.

Peke akong ngumiti. I tried to stop my tears from falling.

"M-Magandang balita nga 'yan, Your Highness." I replied.

Hinarap ko si Queen Phoebe. Nakita kong titig na titig siya sa 'kin. Parang sinusubukan niyang basahin ang ekspresyon sa aking mukha.

"Congratulations, Your Majesty." I greeted with a heavy heart. Sinulyapan ko si Lincoln na walang emosyon ang mukha.

Hindi siya nakatingin sa 'kin. Mas lalong nalukot ang puso ko nang makitang nakatitig siya kay Queen Phoebe.

Bigla akong nakaramdam na naman ng pagsusuka kaya nawala kay Lincoln ang atensyon ko.

"Are you okay, Liyana?" Nag-aalalang tanong ni Princess Serena.

Hinarap ko siya at bahagyang nginitian. "Medyo masama po ang pakiramdam ko, pasensya na po."

Mabilis akong tumakbo palabas ng hapagkainan at dumiretso sa aming silid.

Matapos kong magsuka ay napaupo ako sa malamig na sahig ng banyo at doon ko pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Wala akong karapatan na magreklamo, dahil unang-una sa lahat. Kabit lang ako!

This is my fault! Kung sana ay hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko at sa tawag ng laman ay hindi ito mangyayari!

Sana pinagpatuloy ko na lang ang plano kong pag-alis ng palasyong ito at nagpakalayo-layo.

I don't know what will happen to me now. Panigurado akong babalewalain na ako ni Lincoln lalo na't nalaman niyang buntis ang asawa niya.

Anak, paano na tayo? Pakiramdam ko ay aayawan ka ng ama mo. Kung ganoon lang din naman ay aalis tayo sa lugar na ito. Hinding-hindi na tayo magpapakita pa sa kaniya.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aming silid. Hindi ko nakita ang pumasok dahil nasa loob pa ako ng banyo. Sa tingin ko ay isa lang iyon sa mga kasamahan ko.

Inayos ko ang aking sarili at tumayo bago ko binuksan ang pinto. Nagulat ako sa tao na nasa harapan ko.

"L-Lincoln," I whispered.

"Are you okay?" He asked. Nakita ko ang pag gala ng kaniyang mga mata sa buong mukha ko.

Napalunok ako sa sobrang kaba. Is he worried... for me?

"Did you cry?" He asked before he step forward. Bahagya akong napaatras, and he noticed it.

"A-Anong ginagawa mo rito? Baka may nakakita sayo, Lincoln! Hindi pwedeng may makaalam nito lalo na't nagdadalang tao ang reyna!" Kinakabahan kong suway sa kaniya.

"Why are you crying?" He asked instead.

"You don't need to know! Bumalik kana doon baka nagtataka sila kung bakit umalis ka! We need stop this, Lincoln. Buntis na ang asawa mo at siya na lang ang patuonan mo ng pansin." Saad ko.

I looked away when I felt my tears coming out again. Nakakainis! Isa ba ito sa epekto ng pagbubuntis!

"Are you pregnant as well?"

Gulat akong humarap sa kaniya. Hindi makapaniwala sa kaniyang naging tanong. Paano niya nasabing buntis ako?

"H-Ha?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay niya dahil sa naging reaksiyon ko.

"We're not using protection everytime we made love, Liyana. Answer me. Are you pregnant?" He asked once again, with a serious expression.

Shit. I'm planning to run away and hide from him!

The King's Little Maid Where stories live. Discover now