Chapter 1

270 9 0
                                    

Present

"Ayla, na impake mo na ba lahat na mga gamit mo?"

"Opo, ante Helen."

"Huwag ka nang malungkot. Hindi gustuhin ni Helga na Makita Kang ganyan anak."

"Nasasaktan pa rin po kasi ako sa pagkawala ni inay, ante. Sa mga kamay... ko po siya nawalan nang hininga." Napahikbing Sabi ko.

"Naintindihan kita, pero hindi ibig sabihin na nawala na si Helga habang buhay ka rin mag luluksa anak. Kailangan mo nang sanayin ang sarili mo na wala sa iyong tabi ang iyong ina. Nandito pa naman ako. Diba na ngako ako sa iyo na tutulungan kita sa maabot nang aking makakaya?"

"Salamat po ante. Kung wala po kayo dito...."

"Husshhh, hindi kita matiis Noh. Nag-iisang anak ka ng aking kapatid kaya hindi pwede na pabayaan kita. Takot ko lang multuhin ng nanay mo."

Ngumiti ako at niyakap si ante. Alam ko na sinusubukan niyang paga-anin Ang aking kalooban.

"O sya, nasaan na ba ang mga gamit mo? Baka gabihin Tayo mamaya sa daan."

"Ante ok lang po ba sa amo mo na dalhin mo ako doon?"

"Ano ka bang bata ka, syempre. Umaasa sina Lady Zehra at Master Ahmet na makarating tayo mamaya doon sa mansyon. Huwag kang mag-alala mababait ang mga iyon."

Tumango ako Kay tiya at kinuha ang aking bag na may lamang mga damit ko. Nang lumabas kami sa bahay. Minasdan ko muna ito nang matagal bago kami umalis.

Nay, kung na saan ka man ngayon Sana masaya kana. Huwag ho kayong mag-alala sisikapin ko pong makapag tapos nang aking pag-aaral at babalikan ko po kayo dito.

Tumulo ang luha ko at ngumiti nang mapait. Sana maging maayos Ang kahihinatnan ko sa Maynila.

"Ayla, may hindi pa pala ako sinabi sa iyo. May nag-iisang anak na lalaki ang amo ko. Medyo suplado iyon at hindi pala-imik matanda Lang sa iyo ng limang taon. Ali Yildirim ang pangalan niya,"

Napalingin ako kay ante nang sinabi niya iyon. Hindi ko maintindihan Ang aking sarili kung bakit kinakabahan ako at napalunok nang marinig ang pangalan na iyon.

"Ok ka Lang ba hija? Bakit parang namumutla ka? May sakit ka ba?"

"A-ah.. wla po ante."

"Kung tungkol Ito sa young master. Huwag Kang mag alala wala siya dito. Doon iyon naninirahan sa Turkey. Pure Turkish kasi si Master Ahmet at half filipina- half turkish si Lady Zehra. Isang beses ko Lang naman nakita si young master noong umuwi siya dito anim taon na ang nakalipas."

Hapon na nang makarating kami sa mansyon.

"Magandang hapon manang Helen."

"Magandang hapon din sa iyo Maming"

"Kanina pa kayo hinihintay Nina master at lady."

"Ganun bah. Oh bakit nag-iisa ka lang dito ngayon? Nasaan si Nestor?"

"Ah, nag CR Lang po manang." Napa kamot sa batok na Sabi nga lalaking unipormeng guard.

"O sya, papasok na kami. Pag igihan ninyo nang mabuti ang inyong trabaho." Natatawang Sabi ni ante.

Pag-pasok namin sa loob ng mansyon namangha ako sa aking nakikita. Kung maganda sa labas mas maganda ang loob. Mayroong mga painting na nakasabit sa ding² at masasabi mong hindi ordinayong painting lang ito. May mga mamahaling vase at iba pang babasaging bagay sa bawat sulok.

" Manang Helen, you're already here." Nakangiting sabing nang isang napakandang babae sabay tingin sa aking gawi. "Is she your neice the one that you're talking about?"

Napatingin ako babaeng sopistikada at parang dyosa Ang kagandahan. Na sa tabi nito ang lalaking seryoso at hindi kakitaan nang ano mang emosyon. Napalunok ako nang mag tama ang aming paningin.

" Magandang hapon Lady Zehra at Master Ahmet. Oo, sya Ang sinasabi Kong pamangkin ko, lady."

"Wow, I don't expect that you have this kind of beautiful niece. Welcome to our home hija."

Lumapit ito sa akin nang tuluyan silang makababa sa hagdan nang kanyang Asawa.

"Thank you, lady Zehra." Tipid na ngumiti ako sa kanya.

Niyakap ako nito

"I'm sorry for your loss. Don't worry I will assure you that your stay here will help you to move on."

Kahit paano nakahinga ako nang maluwag.

" Manang Helen, pls. bring Ayla to your room in the annex. You both need to rest." Seryosong sabi ni Master Ahmet at tipid na ngumiti sa akin.

"Maraming salamt po, master."

Tinahak namin ni ante Ang daan papuntang annex.

Nang binuksan ni ante Ang pinto tumambad sa aking paningin ang medyo kalawakang silid na may dalawang Kama.

"Mag pahinga kana Ayla. Bukas ipakilala kita sa mga kasamahan ko dito."

"Dito po ba tayo matulog ante?"

"Oo, ang apat na silid na nakikita mo dito sa annex ay silid ng nag tatrabaho dito.

Namangha ako sa sinabi ni tita. Akala ko isang silid lang tuluyan namin at may mga double-deck lang para sa katulong.

Napangiti ako at hinyaan ang aking sarili na mahulog sa kama.

Bukas isang bagong simula ang aking gagawin. Sana sa simulang iyon makayanan ko ang mga pag-subok na dating at malampasan ko ito.

Nay gabayan niyo po ako.

Pumikit ako at tipid na ngumiti....

Bound To Be Together, Again (Unedited)Where stories live. Discover now