Chapter 46

66 1 0
                                    

3rd Person's POV

Pagkatapos na tingnan ni Xenon at Mang Tonyo Ang buong paligid Ng mansyon at nag desisyon silang umalis at bumalik sa bahay Ng matanda.

Si Mang Tonyo Hindi mapakali kanina Ng pumasok sila sa loob Ng silid ni Amber at mas lalong naging matibay Ang kanyang hinala na Ang kaluluwa Ng babaeng anak Ng mga Martinez ay nandoon pa din sa silid.

Sino ba Naman Kasi Ang mag-akala na ganoon Ang sitwasyon Ng Kama at walang Tao Naman Ang natagpuan Doon.

Hindi Naman nanakawan Ang mansyon dahil mahigpit na nakasarado Ito at walang mga gamit Ang nawala.

"Manong Tonyo, pwede niyo ba akong samahan sa paanan Ng burol?" Tanong ni Xenon sa matanda.

Kanina Niya pa naisipan na pumunta sa lumang bodega Kung saan natagpuan so Lance na Wala Ng buhay.

"Ano ang gagawin mo doon, hijo?"

"Pupuntahan ko Po Ang lumang bodega." Sagot niya na nagpalunok sa matanda.

Hindi Alam niang Tonyo Kung bakit kinakabahan siya sa planing pumunta Doon ni Xenon.

"Wala ka bang balak na ipagpabukas iyan, Xenon. Hindi mo ba bibisitahin Ang inyong ancestral house?" Tanong nito sa lalaki.

May bahay Kasi Ang mga Herrer dito sa San Roque katulad mg mga Martinez.

Malapit Lang Ito.

"Kailangan Kung pumunta Doon manong. May gusto Lang akong Makita."

"Xenon, Ang lumang bodega na iyon ay matagal nang Hindi pinupuntahan Ng mga Tao dahil sa nangyari tatlumpu't limang taon na Ang nakalipas. Baka marami Ng talahib Ang daan Doon at mahirapan tayong makapunta."

"Magdala ka nang itak paraputulin Ang mga sagabal sa ating dadaanan. Hindi ko na Ito mapabukas manong." Seryosong Sabi ni Xenon.

Napabuntong hininga Ang matanda.

"Kung iyan Ang iyong gusto Wala na akong magawa. Magkain Muna Tayo at magpahinga kahit ilang minuto Lang para mayroon tayong lakas sa pagpunta Doon." Pahayag ni manong Tonyo at naghanda Ng kanilang kainin.

Si Xenon Hindi Alam Kung bakit Hindi siya mapakali.

Napaisip siya Ng malalim sa kanilang nadatnan kanina sa loob Ng dating silid ni Amber.

Kanina nakalimutan niyang buksan Ang closet. Hindi Kasi Ito nakasara Ng maayos.

Sa bodega Naman gusto niyang pumunta Doon dahil baka may makuha siyang ebidensya sa pagkamatay ni Lance noon.

Aaminin niyang tinakot Ang binata at ipinakuha Ito sa mga tauhan nila.

Binugbog nila Ito at dinala sa isang patag na lugar pero Hindi nila ito pinatay.

Ang mas na ikinataka nila ni Senyor Art noon Kung bakit nada bodega na natagpuan so Lance at Wala na itong buhay.

Gusto Sana nila itong paimbestigahan kaso nang araw na iyon nagpakamatay din si Amber ng malaman niyang Wala na Si Lance.

Labis Ang pagsisisi ni senyor Art at ganoon din siya.

Palagi siyang inuusig Ng kanyang konsenya.

Humingi Ng tawad sa kanya Ang matanda noon.

Pagkalipas ng ilang buwan may babae itong ipinakilala sa San Roque na anak Niya.

At Ang Alam Ng lahat si Olga ay ampon Lang Ng senyor.

Nang Makita Niya si Olga sa unang pagkakataon Doon siya nakaramdam na umibig sa isang babae.

"Kumain na tayo para maaga rating makapunta Doon sa bodega." Pahayag ni manong Tonyo habang hinahain Ang knailang kainin.

Sa kabilang banda lumabas si Ayla sa silid ni Amber at pumunta sa library at pumasok Ng sikretong silid doon.

Napatigil siya muna at minasdan ang isang malaking family Portrait bago nagdesisyon na buksan Ang lagusan palabas.

Walang ibang maramdaman si Ayla kundi galit para Kay Xenon.

Isa siyang manlilinlang. Niloko Niya kaming lahat.

Ito Ang inilagay ni Ayla sa kanyang isipan.

Mahigpit niyang hinawakan Ang kanyang sling bag Kung saan Niya inilagay Ang lumang kwaderno ni Amber.

Pagkalabas Niya sa mansiyon.

May nakita siyang isang makitid na daan.

Tinahak Niya Ito Ng Wala sa sarili.

Sa mansiyon Naman Ng mga Yildirim so Zehra ay nagtataka Kung bakit si Yaya Helen at nagpaalam sa kanya kahapon na umuwi sa San Nicolas.

Tinanong Niya Ang matanda Kung bakit pero Hindi siya nito sinagot.

Walang nagawa si Zehra  para pigilan so Yaya Helen sa pag-uwi iniisip niyang baka na miss nito Ang kanyang pamangkin na si Ayla.

Napatigil sa pagmumuni-muni Ang lady Ng dumating Ang malaking family portrait na ipinagawa Niya.

Tinawag Niya si manong Ben Ang Isa sa kanilang driver para ilagay Ito sa itaas na bahagi Ng ding ding sa living room.

Si manong Carding at tumulong din.

Napangiti si Zehra Ng mailagay Nina manong nang maayos Ang portrait.

Aalis na Sana sila sa Sala Ng may bugla silang narinig na bumagsak.

Kinabahan na tiningnan Ng lady Ang bagay na iyon at kanyang ikinagulat na Ang portrait na nakalalagay Lang Nina manong Carding manong Ben.....

Dali-dali itong nilapitan Nina Dahlia at manang Gregorya.

Pumunta din si Zehra at Hindi Niya Alam Kung bakit kinabahan siya bigla nang Makita ang harapan Ng frame na may crack leeg Ng kanyang anak na si Ali.

Naalala nito Ang anak at kinakabahan na inutusan si Dahlia na kunin Ang kanyang cellphone Doon sa silid nila ni Ahmet.

Nanghihina siyang napaupo at nanginginig.

Inaasikaso siya Ng mga katulong.

Nang dumating si Dahlia at Ng ibinigay sa kanya Ang cellphone

Nanginginig na tinawagan nito Ang kanyang anak.
Bigong Hindi Niya ma contact si Ali Kaya nag desisyon siyang tawagan Ang kanyang asawa.

Si Ahmet ay nasa gitna Ng meeting Ng tumawag si Zehra.

Nag excuse siya sa mga kasama at singit Ang tawag.

Bumungad sa kanya si Zehra na Hindi mapakaling ikinuwento Ang nangyari sa living room at inutusan siya nitong tawagan Ang kanilang anak.

Pinakalma ni Ahmet si Zehra at nanggaling tawagan agad si Ali.

Matapos nilang mag-usap sinubukan niyang tawagan Ang anak pero Hindi Ito ma contact.

Tinawagan Niya din si detective Homer pero Hindi Ito sumasagot.

Iniisip ni Ahmet na baka abala Ang dalawa sa pag imbestiga tungkol sa nangyari sa kanyang kapatid.

Nagdesisyong siyang ibaba Ang tawag at bumalik sa meeting.

Pagkalipas ng ilang sandali na matapos Ang meeting.

Tinawagan Niya ulit si Ali  pero nakailang subok na siya Hindi Niya Ito matawagan.

Si detective Homer ganoon din.

Pilit na iwinaglit ni Ahmet Ang mag-isip ng hindi maganda para sa anak.

Bound To Be Together, Again (Unedited)Where stories live. Discover now