Chapter 43

59 3 1
                                    

Xenon's POV

"Manong maraming Salamat sa meryendang iyong inihanda."

"Walang anuman, hijo. Nabusog ka ba?"

"Opo manong. Na miss ko din kumain Ng nilagang saging at kamoteng kahoy." Napangiti Kong Sabi sa kanya.

"Halata nga sa iyo." Natatawa ding Sabi Niya.

"Manong pagkatapos nito punta tayo Ng mansiyon Ng Martinez. Kailangan Kong tingnan iyon."

"Magpahinga ka Muna kahit ilang minuto Lang Xenon."

Napatango ako sa kanya at sumandal sa sandalan ng upuuan na kahoy.

Malamig ang simoy ng hangin dito.

Ayla's POV

Nagising ako sa isang kama na kulay puti.

Tiningnan ko Ang aking paligid at ganoon na Lang Ang aking kaba Ng mapag-tanto Kong napatulog ako dahimsa pagod kanina.

Dahan-dahan akong bumangon at nagmamatyag sa paligid.

Tahimik Ang buong bahay at walang kahit anumang ingay Kang marinig.. pumunta ako sa bintana at hinawi ang kurtina para magkaroon ng sinag Ang silid.

Napahawak ako sa aking noo Ng pakiramdam ko mayroon namang isang alala akong Makita.

Sa aking pag-akyat pumasok ako sa isang silid at may isang babae na nakatalikod sa akin.

Dahan-dahan siyang humarap at ngumiti.

"Ikaw ang aking bagong pag-asa." Pahayag nito.

"T-teka Lang.... Sino ka? Bakit magkamukha Tayo?" Tanong ko.

May itinuro Ito habang dahan-dahan siyang nawala sa aking paningin.

Isang kabinet Ang itinuro Niya kanina.

Palapit na Sana ako doon Ng Hindi ko magalaw Ang aking mga paa...

"Huwag Kang magpalinlang sa nakapaligid sa iyo."

Paulit-ulit ko itong naririnig..

Ito.. Ito Ang Isa sa mga panaginip ko sa mansyon

Napalunok na napabaling Ang aking tingin sa kabinet na itinuturo ni Amber noong gabing iyon sa akin.

Hindi ko akalain na totoo pala ang lugar na Ito sa aking panaginip.

Ano ba Ang mayroon sa kabinet na iyan?

Amber bakit mo itinuturo iyan? May makatabo bang isang bagay diyan sa loob na kailangan Kong malaman?

Simula pa kagabi na naging mas magulo Ang lahat.

Dahan-dahan akong lumapit sa kabinet at Hindi ko Alam Kung bakit pinipigilan kong hindi makahinga.

Nang maglapat Ang aking mga kamay sa kabinet may tumutulak sa aking buksan ito.

"Buksan mo na Ayla. Mayroong paparating."

Dahil sa aking narinig tinangka kong buksan ito. Pero naka lock pala.

"Dalian mo Ayla. Palapit na sila. Hanapin mo Ang Susi."

"Pls. T-tulungan mo ako... Amber Kong ikaw iyan.... Tulungan mo akong hanapin Ang Susi...." Bulong Kong Sabi at namamawis na sa kaba at nanginig Ang aking mga kamay.

Hindi ako mapalagay na hinahanap Ang Susi.

"Paakyat na sila, Ayla."

Halos kumuwala Ang aking puso dahil sa lakas Ng kabog ng aking dibdib...
May nakita akong limang Susi sa ibabaw Ng isang maliit na mesa.

Bound To Be Together, Again (Unedited)Where stories live. Discover now