Chapter 53

72 2 0
                                    

Umuwi Ng Martinez mansyon Sina Olga at doon niya inilabas Ang lahat na sakit na kanyang nararamdaman. Si Sage Naman ay pinapakalma Ang Ina at Ang kanyang kapatid naman ay Hindi umiimik sa kabilang couch.

Hindi ma contact ni Cade si Sage para Sana sabihin sa lalaki Ang katotohanan sa pagkatao ni Ayla.

Wala siyang nagawa kundi ipaalam Kay Sage Ang lahat na Alam Niya through email.
At gumawa siya Ng paraan para sundan Ang kahihinalang lalaki kanina na nag tanong sa naging witness sa case ni Xenon.

Si Helen Naman ay hinahanap sina Olga dahil Hindi Niya kayang makulong Ang kanyang pamangkin na anak din nila. Alam Niya sa sarili na Hindi iyon magawa ni Ayla dahil walang karanasan Ang babae sa paghawak ng baril.

Napatigil si Sage Ng may narinig na nag doorbell sa pintuan nila.

Tiningnan niya Muna Ang Ina na Hindi parin tumitigil sa pag-iyak pero medyo kalmado na at Ang kapatid na tahimik parin sa isang tabi.

Binuksan Niya Ang pinto at tumambad sa kanyang paningin si Yaya Helen.

"Nandyan ba Ang iyong ina, hijo?" Tanong ni Helen.

"Ano Ang kailangan niyo Kay mom, Yaya Helen?"

"May importante akong sasabihin sa kanya" seryosong Sabi Ng matanda.

"My mom is not in her normal state, Yaya baka pwedeng sa susunod mo na Lang iyan sabihin sa kanya."

"Hindi na Ito pwedeng mapagbukasan pa, Sage. Napakaimportante Ng sasabihin ko." Deseperadang Sabi Niya sa binata.

"Pero si mom, Yaya Helen. Hindi maganda Ang sitwasyon Niya ngayon." Pahayag ni Sage Ng seryoso.

Si Olga naman ay may narinig na parang nagtatalo sa Kung Sino Ang kanyang anak. Inayos Niya Ang sarili at pumunta sa pintuan.

"Ano Ang iyong kailangan manang Helen?" Bigla niyang Sabi na dahilan para lumingon si Sage.

"Mom, Bakit ka nandito? Kailangan ninyong magpahinga." Sabi nito at inalayan Ang Ina.

"May, importante akong sasabihin sa iyo, Olga." Seryosong Sabi sa kanya Ng matanda.

"Pls. Yaya Helen nakikiusap ako sa iyo, huwag ngayon. Hindi mo ba nakita Ang sitwasyon ni mom?"

"Importante Ito Sage. Tungkol Ito Kay Ayla."

Natigilan silang dalawa Ng kanyang ina sa sinabi Ng matanda.

"Kung ano man iyan. Wala na kaming pakialam. Kailangan na magpahinga ni mom."

"Olga, naalala mo ba Ang sunog noon sa Hospital dito sa San Roque dalawampu't isang taon na Ang nakalipas." Biglang Sabi ni Helen na mas lalong ikinahina ni Olga at namumuo Ang galit sa kanyang kalooban.

"Huwag mo nang ipaalala iyon sa akin manang Helen." Madiin niyang Sabi. "Kung iyon Lang Ang iyong sasabihin makaalis kana." Dagdag niya.

"Sigurado ka ba na ayaw mo Itong malaman Olga? Tungkol Ito sa anak mo na akala mong patay na......"
"Paano mo naatim na ipakulong si Ayla. Alam Kong inosente Ang aking pamangkin. Wala siyang kasalanan." Galit na Sabi ni Helen.

"Manang Helen, lumabas kana dito sa mansyon hangga't may respeto pa akong natitira sa Inyo." Sabi ni Sage.

"Olga, bawiin mo Ang kaso Laban Kay Ayla Kung ayaw mong pagsisisihan Ito."

"Bakit namin bawiin Ang kaso? Kasalanan Ng pamangkin mo Kung bakit Hindi na namin kasama si dad ngayon" Galit na Sabi bigla ni Eylul.

Wala man Lang may nakaramdam sa kanila na nakalapit na pala Ang dalaga.

Bound To Be Together, Again (Unedited)Where stories live. Discover now