Chapter 41

64 4 0
                                    

Ayla's POV

Dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman Hindi ko namalayan na sumakay pala ako sa isang tricycle.

"Ma'am saan ba Ang punta mo?" Tanong Ng driver sa akin.

"Saan ho ba Ang punta nito, Kuya?"

" Sa San Roque..Doon sa Hacienda Martinez.. Nawawala ka ba maam?"

"Malapit Po ba kayo sa mansiyon manong?" Tanong ko.

Hindi ko Alam Kung bakit lumabas Lang Ito sa aking mga bibig.

"Hanggang Sa labas Ng bakuran Lang Po kayo maam Kung gusto ninyong pumunta Doon. Mahigpit Kasi ang may-ari niyan."

"Ganoon Po ba manong"

"Alam niyo ba ma'am, may naikwento sa akin Ang Lola ko noon. Ang tunay na anak daw Ng mga Martinez ay diyan nagpakamatay mismo sa kanyang silid. Kaya Ng minsan takot Ang ibang taga-rito sa Amin tuwing Gabi... Dahil nagpaparamdam daw Ang babae... May maririnig Kasi kami minsan na iyak galing sa loob." Kwento nito sa akin.
"Sino po ba kayo ma'am? Bakit natanong ninyo Ang mansyon?"

"Wala po manong may naikwento Lang sa akin Ang Isa sa mga kaibigan ko tungkol sa mansyon."

"Taga saan ba kayo? Mmukha kasing kayong isang dayu at mukhang may dugong taga-ibang bansa ka."

"Sa San Nicolas ho ako kuya. Atsaka Po, pure Filipino Ang mga magulang ko." Sabi ko na Hindi maiwasan na maging mapait Ang aking boses.

Sigurado ka ba Ayla na isang natural na Pilipino Ang iyong mga magulang.

"Nandito na Po Tayo ma'am... May nagbabantay din Po diyan sa mansyon si Mang Tonyo. Iyung bahay Niya Doon Lang iyon sa kabila." Sabi Niya sabay turo sa isang direksyon.

"Maraming salamat po." Sabi ko at bumaba.

Nang makaalis na siya.

Tiningnan ko Ang buong paligid.

Napakaaliwalas Ng panahon. At napakaluntian Ng paligid. Maraming tanim na mga gulay at prutas.

Natanaw ko sa medyo kalayuan Ang isang napakalaking bahay.

Na may mga tanim sa harapan at sa likuran nito ay mukhang kagubatan.

At Hindi ko na namalayan na ang aking mga paa ay may tinatahak na daan na Hindi ko Alam Kung saan papunta.

Hapon na pala at Hindi man Lang ako nakakita o makasalubong na Tao.

Nandito na ako ngayon sa isang kakahuyan....

Napa-upo ako sa isang ugat Ng malaking kahoy dahil sa layo Ng aking nilalakad.

Hindi ko Naman mapigilan Ang mapaiyak.
Ang sakit pala malaman na Ang itinuring mong pamilya ay Hindi sila Ang tunay na Tao na iyong kinagisnan.

Nasaan na Kaya Ang totoo Kong mga magulang.

Hinahanap din Kaya nila ako?

Hindi ako galit kina ante. Tampo siguro oo dahil Kung Hindi ko pa Ito natuklasan siguradong Wala siyang balak na sabihin sa akin Ang katotohanan sa aking pagkatao..

Nang umaagaw na Ang dilim at liwanag...

Tumayo ako.

Napahawak ako bigla sa aking ulo Ng bigla akong nahilo at may naalala Naman na nakita.
Isang daan na nasa gitna Ng pader....

Lumapit ako sa isang malaking puno ng kahoy malapit sa pader na aking naalala

Nang makalapit na ako pumunta ako sa harap nito at yumuko.

Bound To Be Together, Again (Unedited)Where stories live. Discover now