Chapter 7

136 4 0
                                    

Ayla's POV

Dalawang buwan na Ang nakalipas simula ng mamatay si nanay at Ang pagtira ko sa mansyon ng mga Yildirim.

Noong nakaraang linggo tinulungan ako ni ma'am Zehra na makapag enroll sa Martinez University. At malaking pasalamat ko na hindi kami nahirapan sa pag proseso ng aking papeles.

"Magandang umaga Ayla. Aalis na ba tayo hija?" Tanong ni manong Carding sa akin.

"Opo manong." Sagot ko sa kanya.

Si manong Carding ang itinalaga ni ma'am Zehra na maghatid at sundo sa akin sa paaralan. Ayaw Kasi ako nitong mag commute dahil may driver Naman.

Ang MU ay walang pormal na uniporme.

"Good luck sa unang pasukan mo, hija."

"Maraming salamat po, manong."

"Nasa anong taon kana ba, Ayla?"

"First-year po. Hindi ko Po kasi natapos Yung first semester sa dati Kong skol."

"Ang swerte ng mga magulang mo na may anak silang tulad mo. Bukod sa maganda at masipag, mayroon pang pangarap sa buhay." Pahayag niya.

Ngumiti na Lang ako Kay manong.

Naalala ko Naman si inay.

Simula bata ako Hindi ko nakilala ang aking ama. Ayon Kay nanay at tiya namatay daw ito bago ako ipinanganak.

"Ayla, nandito na tayo." Sabi ni manong.

"Maraming salamat po sa paghatid." Sabi ko sa kanya at lumabas ng sasakyan.

Pagkababa ko salubong sa akin ang mga mamahaling sasakyan na nakaparada dito sa parking lot. May mga mag-aaral din na naglalakad sa hallway.

Kinuha ko ang aking schedule at tiningnan Ang una Kong subject sa araw na Ito.

Pumunta ako sa Department ng Education at hinanap ang room namin.

"Excuse me miss, May I ask where is the room of BSEDSOC 1-A.?" Pagtatanong ko sa isang babae na naka upo sa gilid ng hallway na parang may hinihintay.

"Nasa 2nd floor right side. Yung room na una mong makikita." Sagot nito sa akin.

"Thank you" pasasalamat ko at umalis.

Pagkadating ko sa room namin marami ng tao.

Nag desisyon akong umupo sa gilid malapit sa bintana.

Nahihiya Kasi akong lumapit sa iba dahil Wala Naman akong kakilala dito.

Pagkalipas ng ilang minuto may lumapit at umupo sa aking tabi.

"Hi, pede bang dito na Lang ako uupo sa tabi mo?" Tanong Niya.

Tumango na Lang ako sa kanya at ngumiti.

"Ako nga pala si Jayrin Guidote. Ikaw?"

"Ayla Manabang."

"Pure Filipino?"

"Oo, ikaw?" Tanong ko.

"Really pure ka? Mukhang Hindi. Akala ko nga kanina Fil-am ka or what. Kasi Ang ganda² mo atsaka Yung kulay ng Mata mo kulay brown. Matangos ang ilong mo at Yung lips mo manipis at mapula. Natural ba 'yan?"

Nahihiya aking tumango sa kanya.

"Wow, siguro sa mga ancestors mo iyan namana."

"Siguro." Kibit balikat Kong Sabi.

"Ako Pure Filipino din." Ngiting Sabi nito sa akin.
"Friends na tayo simula ngayon, hah." Dagdag pa nito.

"Sure" masaya Kong Sabi sa kanya.

Bound To Be Together, Again (Unedited)Kde žijí příběhy. Začni objevovat